I N T R O

137K 1.4K 200
                                    

"Rain, si Lonelyn Lagramada nga pala, varsity ng La Salle sa Tennis 'yan," pakilala ng kaibigan niyang si Arlou.

"You can call me 'Lola'," sabi ng babaeng naka-longsleeved cotton shirt na kasing kulay ng kaniyang buhok na strawberry blonde. Mala-tinunaw na tsokolate ang kulay ng mga mata nito. Sa itsura pa nito ay tila may lahing Amerikana, at bakas din ito sa pagkakabigkas niya ng kaniyang pangalan (low-luh). "Sit with us," dagdag pa nito.

Naiilang man ay naupo na lang si Rain sa tabi ni Lola. Sa kaliwa ni Rain ay may isa pang bakanteng upuan.

"Si Joney naman, ang porn star ng barkaAray!"

Hindi natapos ni Arlou ang pagpapakila sa isa pang babae dahil bigla siyang pinukol ng tansan nito sa mukha. Nagtawanan ang lahat ng nasa table.

"Joney; the sexiest in the squad. Please to meet you, Rain," magiliw na pakilala nito sa sarili. Halata nga na ito ang pinaka-sexy magdamit sa kanilang magkakaibigan. Nakasuot ito ng maikling dress na kasing pula rin ng kaniyang lipstick.

"Utol ko, si Anjanette," pagpapatuloy ni Arlou at iginiya ang direksyon ng kamay niya sa babaeng nakaupo sa tabi ni Joney.

"Hi," pagbati ng babae na sinuklian naman ni Rain ng isang matipid na ngiti.

Nagpatuloy lang ang magagandang tugtugin ng banda habang sila ay nagku-kwentuhan tungkol sa mga walang katuturan na bagay. Mabilis na lumipas ang oras. Hindi man gaanong nagsasalita ay nae-enjoy naman ni Rain ang ambiance ng music bar kung saan siya naanyayahan ng isang empleyado sa kanilang kumpanya. Marami na siyang nainom.

"OMG, guys! Look!" biglang sabi ni Joney.

Napalingon ang lahat sa direksyon na tinatanaw ni Joney. Mula sa entrada ng bar na ito, isang lalaking nakasuot ng gray polo na nakatiklop hanggang siko ang nakatayo at tila may hinahanap. Nakalagay ang parehas niyang kamay sa magkabilang bulsa.

"I didn't know he'd be here," bulalas ni Arlou.

"Oh, come on. No one expected to see him here after Sunny left," si Joney.

"Perhaps, he needed his friends, too. Nasaktan din tayo para sa kaniya. But Sunny isn't the type that cares about what others feel," dagdag pa ng kapatid ni Arlou na si Anjanette.

"Guys, mas kailangan niya ang pang-unawa natin ngayon. After all, they're just bestfriends at kaibigan natin silang pareho. Baka nakakalimutan niyo kung nasaan tayo ngayon?" seryosong sabi naman ng hindi mo akalaing nagta-Tagalog pala na si Lola.

Muling nilingon ni Rain ang pinag-uusapang lalaki. Nagtama ang kanilang mga paningin at ilang segundong nagtagal iyon. Si Rain ang unang nag-iwas ng tingin dahil tila pinanghihimasukan ng lalaking ito ang kaniyang kaluluwa. Maya-maya pa ay prenteng naglakad ito papunta sa harap.

Hindi nila napansin na tinawag pala ang lalaki upang mag-handog ng isang awitin. Umupo ito sa harap ng grand piano, sa pangalawang stage na ngayon ay tinututukan na ng spotlight habang sinadyang padilimin naman ang kabuuan sa paligid nito. Nagpalakpakan ang mga tao habang si Rain naman ay titig na titig lang sa lalaki.

"Lady in blue dress. Here's for you."

Malamig ang tinig nito. Isang estranghero man sa kaniya ay hindi mawaglit sa isip ni Rain ang posibilidad na siya ang tinutukoy ng lalaking 'to. Nanuod na lamang ang lahat sa pagkamangha. Nag-umpisa nang tumugtog ang lalaki sa harap at nang sabayan na ito ng pagkanta ay halos mahimatay ang mga babaeng nakikinig...

***

Looking out
Across the nighttime
The city winks a sleepless eye
Hear her voice
Shake my window
Sweet seducing sighs.

My Boyfriend's Bestfriend (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon