O N E

60.9K 1.2K 393
                                    

"Babe, matanda na 'yan. Kailangan mo pang sunduin? Wala bang mga magulang 'yan? Wala ba siyang sariling mga paa?"

"Babe naman. Napag-usapan na natin 'to, e."

Mga five years mahigit na rin. Actually in a month's time, to be exact, six years na kami ni Devin. At sa loob ng six years na 'yon, madalas naming pagtalunan ang bestfriend niyang si Sunny.

Magkabilang-mundo ang peg ng mag-bestfriend na 'to. Six years ago, bago pa kami magkakilala ni Devin, umalis na si Sunny papunta sa Australia at kahit hindi ko gusto, parang isang requirement ang intindihin kong mabuti ang closeness nila. Almost three hours of his day, dedicated lang dapat kay Sunny. Sa walang sawang video chat nila sa Skype. Dinadahilan pa ni Devin na kesyo nasa trabaho rin lang ako't wala siyang kausap sa pag-gising niya, itinutuon na lang daw niya ang first three hours sa bestfriend niyang 'Sunshine' of his life.

Sun-fucking-shine. Gusto kong masuka everytime na naririnig ko ang kakornihan na 'yan sa kaniya. And to make things worse, nagkataong Reai Narinne Alonzo ang pangalan ko at nakakatawang 'Rain' naman ang nickname ko. So I'm like, 'sige, siya na maaraw'.

Kwento ni Devin, childhood bestfriends na talaga sila ni Sunny. They even had an agreement na if they reached twenty-five tapos wala pa silang relasyon sa iba, sila na lang ang magpapakasal. Well, sorry na lang because six years ago, I came into the picture. At ngayon, twenty-six na si Devin and their promise was null and void.

Pero ayon sa mga barkada ni Devin, ibang klase daw talaga ang closeness ng dalawa. Minsan nga ay nadadatnan pang natutulog ang dalawa sa iisang kama at walang tshirt na suot ang babae but they would always say na walang malisya. Like hell, sino bang tangang maniniwala na walang nangyayari, 'di ba? And that even explains why Devin never had a girlfriend before or why we never had sex. What if biktima ako ng dalawang taong nahulog sa isa't-isa pero pinaglayo ng pagkakataon? 'Yung mga cliche heroines na ginagawang rebound ng mga hero na hindi pa pala nakaka-move on? Mga taong pinagtagpo at pinaglayo ng tadhana?

See? Even in stories, I get paranoid and I have every fvckin' reason to be paranoid. Imagine how life would be kung nandito na ang malanding 'yon all the while.

"Baka magbago pa ang isip mo. Ano, ayaw mo ba talagang sumama?" pangungulit pa ni Devin.

I roll my eyes at him and scoff. "Bahala ka sa buhay mo." Ba't pa kasi uuwi 'yan?! Leche.

"Babe, I can't just abandon my bestfriend. She never left me when I—"

"Oo na, Devin. Enough of this she's-always-there-when-I-need-someone card because it's actually exhausting. Have a safe trip, pakisabi sa bestfriend mo." Mag-crash landing sana ang sinasakyan niyang eroplano.

"Babe naman."

Tinalikuran ko na siya at dinampot ang bag ko. Male-late pa ako sa trabaho para lang makipagtalo sa kaniya tungkol sa bagay na 'yan. Kung tutuusin, dapat nga, makaramdam na lang si Sunny na may girlfriend na si Devin at dapat na siyang lumayo. Oo na, ako na nag-iinarte. Pero may dahilan naman, 'di ba? Leche lang.

'Good job, Alonzo,' pangungunsinti ng alter-ego ko na may bahid ng sarcasm. Napaismid na lang ako dahil dito.

"Ms. Alonzo, nasa conference room na po si Engr. Alonzo. Kayo na lang ang—"

"Alam ko, Jen. Thanks. Just get me a coffee," I command.

You see, isang malaking insulto sa'kin na sinusunod ako ng mga tao dito in a snap tapos sarili kong partner in life, ayaw man lang akong pakinggan sa mga sinasabi ko tungkol sa bestfriend niya.

'Bestfriend? Tss! Babae niya kamo,' panggagatong pa ng alter-ego ko na mas kinainis ko lang.

Minsan nang sinabi sa'kin ng isang kaibigan ni Devin— na itatago ko na lang sa pangalang 'Grand-fvcking-ma'— na wala akong karapatang pag-layuin ang dalawa, emotionally. Dahil bago pa daw ako dumating sa buhay ni Devin ay si Sunny na ang itinuturing niyang Prinsesa, lalo't lumaki silang madikit sa mga magulang ng isa't-isa. Kaya nga hindi ko napigilan ang mga salita ko. Sabi ko, 'So ano ako? Evil step-monster sa mala-Cinderella na fairytale nila? Pwede ba? Ikaw nga mukhang paa na naipit lang sa imaginary glassed-shoes ni Cinderella.'

My Boyfriend's Bestfriend (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon