F O U R

45.2K 931 318
                                    

Pero matigas ang ulo na hindi ko pinakinggan si Aego. Last night, I sent Sunny my apartment address and informed Jen of my absence in the office today. Hindi pa kami nag-uusap ni Ren and I'm sure he would not appreciate this news.

Pagkatapos maghanda ng pagkain, I quickly take a shower and lightly powder my face.

'Dapat plates, compass, rulers, t-square, at trace papers ang hinahanda mo. Hindi puro pagpapaganda at pagluluto. Duh, this should be a business-related meeting, not a date,' sermon na naman ni Aego.

Umiling na lang ako. Gusto ko lang namang maging mabait na host sa aking bisita.

'Duh. Pwede naman kasing sa office na lang, inimbitahan pa sa apartment niya,' talagang 'di papatalong sagot ni Aego.

Masyadong mahadera 'tong alter-ego ko. Kung 'di rin naman dahil sa'kin, wala siya.

'Narinig ko 'yon, gaga. Pinagsasabihan lang kita,' pagdadahilan niya.

Paglabas ko sa kwarto saktong naka-receive na ako ng another formal message from Sunny through text. Buti na lang at naalala kong iwan sa kaniya 'yung calling card ko kahapon bago kami lumabas sa Shang, para makita naman ng kasama niyang tila pinaghihinalaan kami sa kung ano, na business lang ang mayroon kami ni Sunny in common.

I'm at your gate. -SS

Kinabahan ako agad na parang na-excite. Ito na naman ang imaginary tae ko na wala naman kapag nagpupunta ako sa banyo. Ewan ko, hindi naman ako ganito no'n kay Devin kapag alam kong dadating siya. I'm always at my simplest pero ngayon, todo tingin pa ako sa body mirror ng living room to see if I look okay or my wet hair doesn't look too messy.

"Hi," pagbati ko sa kaniya when I open the door.

She's wearing a navyblue poloshirt with a small logo of Sebago on the right chest, white lines around the arms and collar hems. Black jeans na sa tingin ko ay Levi's na naman. And another black suede DC Shoes. Hindi ko alam kung bakit lagi akong nasu-sorpresa sa choice of clothes niya. Ang astig kasi niyang tingnan but a little feminine in a way. Black din ang relo niyang may nakaukit na MK in bronze font. And her long, dark ash blonde, wavy hair is tied in a messy pony.

'You just checked her out again,' says Aego.

I know and I'm not denying it anymore. Mamatay na sinungaling.

"Kumain ka na?" tanong ko habang pinapapasok siya.

Nauna akong maglakad para madala siya hanggang sa dining table. Baka kasi tumanggi siya kapag hindi ko siya dineretso dito. When she doesn't answer, I stop to look back at her. Nahuli kong tinitingnan niya rin ang suot ko and she quickly glances away.

AHA! I KNEW IT.

SHE'S CHECKING ME OUT, TOO...

Ewan ko kung bakit napangisi ako sa thought na 'yon. I'm wearing white short shorts and black sando. Hindi naman masyadong revealing, ayoko ring isipin niyang gusto kong manyakin niya ako kahit babae naman kaming pareho. Gusto ko lang talagang iparating sa kaniya na ayokong maging sobrang pormal siya sa'kin because I can be a friend. I want to be a friend. Her friend.

"I hope you're hungry," pang-aasar ko pa habang hinahatak ang isang upuan para paupuin siya.

"You cooked all this?" pagtataka niya.

I smile at her. "Yes."

"You cooked a lot. I don't eat too much, Rain."

Obviously, may iniingatan nga namang figure si Sunny. Unang tingin pa lang naman halata nang health conscious ang isang 'to sa payat niyang 'yan. But I don't care. "Consider this a cheat day," nakangiti pa ring sabi ko.

My Boyfriend's Bestfriend (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon