T W O

54.9K 1K 356
                                    

Hawak-hawak ko ang dibdib ko nang pumasok sa kwarto ni Devin. Ang paalam ko sa kanila, magbibihis lang ako saglit ng pambahay para masabayan sila sa breakfast.

TAKTE ANG LAKAS NG TIBOK.

Pagkasara ko ng pinto ay napasandal ako agad sa likod nito. I let out the air I've been holding for too long in a harsh sigh. "What the hell is wrong with you," closed eyes na sermon ko sa sarili ko.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari. I was actually expecting myself to feel insecure once I see her dahil ayon sa tsismis ay mala-diyosa sa ganda ang Sunshine ni Devin. I'm surprised to feel something... different.

Nangingig pa ang mga tuhod ko nang maglakad sa closet ni Devin para kumuha ng damit. Habang nagbibihis, tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin at napansing...

NAMUMULA ANG MUKHA KO!

WHAT THE ACTUAL FVCK?!

"Babe, tapos ka na?"

Halos mapatalon ako niyan sa pagkabigla! Takte. "H-ha? S-sandali. Malapit na," sagot ko kay Devin na kumakatok na sa pinto.

"Babe, bilisan mo. Parating na rin si kuya, para makasabay sa'tin before he sleeps. Alright?"

"Okay," sagot ko at nagmadali nang kumilos.

Paglabas ko sa kwarto, bumaba ako sa living room only to see Sunny sitting in one of the oversized couches. Napa-preno ako sa paglalakad at binalak kong umatras kasi parang kinakabahan akong makasama siya sa iisang room na kami lang.

'At bakit naman?' tila nang-iinsultong panunumbat ng imaginary alter-ego ko na si Aego.

It's too late before I realize na napansin na niya pala ako. Those gray eyes bore into my very soul, at tila anumang oras ay handa itong magbagsak ng matinding bagyo. 'Yong kulay ng mga mata niya, parang 'yong kulay ng mga ulap kapag uulan na.

'AND IT'S IRONIC HOW A PAIR OF 'RAIN' CLOUDS CAN BE SO DAMN HOT...' dagdag pa ni Aego na may panunuya.

Siyete, nahihibang na ata ako. Binigyan niya ako ng tipid na ngiti, 'yung isang sulok lang ng labi halos ang umangat, at ako naman, parang nakaramdam ng isang buong zoo sa loob ng sikmura ko.

TAKTE NATATAE SIGURO TALAGA AKO, 'NO?

"Babe, tapos ka na pala."

Laking pasasalamat kong dumating si Devin para iligtas ako sa kung ano mang disgrasya na nararamdaman ko. Humarap ako sa kaniya at alanganing ngumiti.

Siguro, nagulat din si Devin na okay na 'yong mood ko. Napangiti rin siya. Actually ewan ko rin kung anong nangyari. Napansin ko na lang na naglalakad na si Devin palapit sa'kin pagkalapag niya ng plates sa table. Yumakap siya. And for the first time in my life...

Nakaramdam ako ng matinding ilang nang halikan niya ako sa harap ng ibang tao.

'ANONG NANGYARI SA SINASABI MONG FRENCH KISS!?' ayan na naman si Aego na nanunumbat.

I've known Devin for too long to say na lagi niyang ginagawa 'yong ganito. I mean, kapag alam niyang nagseselos ako sa ibang babae, hinahalikan niya ako sa harap ng babaeng 'yon to let me and that girl know that he's all mine. Pero parang tangang iniwas ko 'yung mukha ko agad. Instead of a passionate kiss, he ends up giving me just a chaste kiss at sa gilid pa ng labi ko nag-landing ang nguso niya.

"Babe?" pagtataka niya.

"Babe, ano ka ba? Nakakahiya sa bestfriend mo kung maglalandian pa tayo sa harap niya," mahina ngunit mariin na sermon ko sa kaniya nang hindi man lang lumilingon sa direksyon ni Sunny.

My Boyfriend's Bestfriend (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon