prologue

111 4 0
                                    

"HOY STACEY ASAN KA NA BA?!"

Agad kong nalayo ang cellphone sa tenga ko nang marinig ko ang malakas na boses ni Sheena. Umagang-umaga nagsisi-sigaw sa ospital diyos ko.

"Lower down your voice nga, Shee. Mahiya ka sa mga tao diyan sa ospital. Anyway, malapit na 'ko." Saad ko habang ang mata ay nakatuon sa kalsada.

"Kanina ka pa sa malapit na 'yan 'te. Ang tagal mo!"

Napairap ako. Hindi naman talaga ako sana mala-late ngayon kung hindi nila ako nilasing kagabi. It was their fault din 'no, may mga balak palang bumisita kay ate Aiah tapos mag-aaya ng inuman.

At sa wakas, nakarating na rin ako sa ospital kung saan naka-confine si ate Aiah. Bungad sa'kin ang bunganga ni Sheena na tawa nang tawa, kasama niya si ate Maloi.

"Ano ba 'yan, Sheena Mae, ang ingay mo," sambit ko pagkasara ng pinto.

"Totoo, kanina pa 'yan tumawa na nang tumawa," pagrereklamo rin ni ate Maloi.

"Para nga magising 'yung isa eh," biro naman ni Shee.

Napailing na lang ako at nilapag ang pink purse ko sa lamesa bago lumapit sa kinahihigaan ni ate Aiah. I smiled with bitterness, "any updates kung kailan siya gigising?" Malumanay kong tanong sa dalawa.

"Wala pa rin eh..." Walang buhay na sagot ni ate Maloi. "Tapos... nag-one month leave pa 'yung doktor niya." Singit naman ni Sheena

Nag salubong ang dalawa kong kilay sa sinabi nito sa'kin. Ano? nag leave pa talaga!

"Eh pa'no si ate Aiah!? Binabayaran naman-"

"Stacey, don't over react, save that for later." Kunot noo kong tinignan si ate Maloi.

Tinignan ko si Sheena, naghahangad na baka ma explain nito kung anong tukoy ni ate Maloi pero kibit balikat lang sinagot nito sakin.

"Ano?" Anong 'save that for later' ?

"What I mean is may papalit na doktor kay Doc. Samson, on the way na raw. Kaya don't over react. Masiyadong OA." Pagpapaliwanag nito.

Umupo ako sa sofa katabi ni Sheena. Ewan ko pero bigla akong kinabahan na para bang may masamang mangyayari, hindi ko ma-explain eh, dagdag pa itong pagiging weirdo ni ate Maloi at Sheena. I shrugged off my thoughts na lang, baka nga OA lang ako.

"How's work, by the way?" I asked both of them. Ate Maloi just gave me a timid smile, as well as Sheena.

"It's fine, the resto is doing well, " ate Maloi replied with a bit of unsatisfied with her tone.

"Same as mine, maganda sahod pero nakakapagod."

I rolled my eyes, "ilang beses ka na kasing inoffer-an ni Daddy ng work sa company namin eh. Kulang pa rin kami ng tao sa Accounting Dept." Informed ko sa kaniya.

Graduate kami ni Sheena ng Accountancy, at parehas ng may lisensya. Si ate Maloi naman ay graduate ng culinary at may ari ng isang sikat na dining resto, at si ate Aiah naman ay graduate ng secondary education, may lisensya na rin at may sideline rin siyang modeling- Gandang bae eh!

Despite of all the ups and downs we all went throug way back shs and college, we managed to survive. And now look at us, may kaniya-kaniyang trabaho at namunuhay ng buhay na gusto namin. It's a long way run pero ikanga nila hindi karera ang buhay, hindi kailangan madaliin. I'm so proud of us.

Mahigit kalahating oras kaming nagku-kwentuhan nang mapansin kong nag-iiba ang takbo ng monitor ni ate Aiah, bumababa ito nang bumababa. Fuck.

"Guys, si ate Aiah!" Sigaw ko at agad tumayo para lumapit sa kinahihigaan niya.

"FUCK! SHEENA TUMAWAG KA NG DOKTOR AT NURSE! DALI!"

"ATE AIAH! ATE AIAH! PLEASE KUMAPIT KA!" Sigaw ni Maloi.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Nagugulahan na parang nawawala ang isip ko. Nakatayo lang ako habang pinapanood na taranta si ate Maloi. Gusto kong tumulong pero pa'no? Tanging pag luha lamang ang nagawa ko.

Wala akong lakas upang itabi ang sarili ko sa gilid dahil na itulak na ako ng mga nurse na nagsipasok kasama ang isang doktor...

Jhoanna...

Mas lalong gumalo ang paningin ko, samo't saring ingay ang pumapasok sa tenga ko. Pakiramdam ko ay nanghihina ako.

And that was the last I remember before everything turns black.

---
💖





LOVE WARNING #1: I HATE YOU [ JHOCEY ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon