eight

36 1 0
                                    

"I HATE YOU, ROBLES"

STACEY

"Hindi na naman maipinta 'yang itsura mo," puna sa'kin ni Sheena bago inabot ang bote ng tubig. Kasama ko siya rito ngayon sa Lounge area, hinihintay si ate Aiah.

"Pa'no ba naman kasi 'yang Jhoanna na 'yan!" Irita kong saad bago inumin ang tubig na inabot sakin ni Shee. Kalahati naman agad ang naubos ko sa boteng ito, tuyong-tuyo kasi ang lalamunan ko sa naging encounter namin ni Jhoanna kanina.

Mapang asar ako nitong tinignan. "Ikaw ah, two weeks mo ngang hindi pinapansin 'yong tao pero two weeks mo rin siyang bukang bibig." Mapang asar na titig ni Shee.

Tinaasan ko ito ng middle finger, "gago ka 'te?" Sarkastikong tanong ko na siya naman niyang tinawanan. Lumipas ang ilang minuto sumulpot din sa wakas si ate Aiah.

"Sorry, guys, I'm late."

"Hindi naman 'te Aiah, ang aga mo nga." Biro ni Shee.

"Sira hahahhaha. Libre ko na lang kayo ng dinner."

Nagliwanag ang mukha namin ni Shee sa sinabi ni ate Aiah! Ackkkkkk libre dinner na naman hehehe! 'Pag ako nagka-anak gagawin ko talagang ninang to si 'te Aiah, taga pa ni San Pedro sa bato 'yan!

Nakarating din naman kami agad sa malapit na mall at sa loob na lang kami kakain ng dinner dahil puno halos lahat ng restaurant outside.

"What do you want, girls?" Tanong ni Ate Aiah.

"Uhmmm..." Inilibot ko ang mata ko sa naka-flash nilang menu sa counter, "Pork barbecue and chicken leg, tapos ang drinks ko ay Iced Tea."

"How about you, Shee?"

"Same lang din kay Staks, pero ang drinks ko ay Cola."

Ate Aiah ordered a lot kaya natagalan kami rito sa counter. Humahaba na ang pila.

"Staks, 'ta hanap na tayo table," aya sakin ni Shee.

"Ikaw na lang, hintayin ko si ate aia-" napahinto ako nang marinig ko ang isang pamilyar na boses.

"I don't know. You choose."

ANAK KA NG- SI JHOANNA NA NAMAN!

"Ate Aiah, hanap na kami ni Shee ng table, sa may second floor kami ah!" Dali kong hinila si Sheena papalayo ng counter hanggang sa makapunta kami sa second floor at makahanap ng available seats.

Naiirita ako sa mukha ni Sheena na nagpipigil tumawa. "Go, laugh-"

"HAHAHAHAHAHAHAHA HAHAHAHAH HAHAHAHAHAHAHA"

"Sige tumawa ka lang!"

At mas lalo niya pa ngang nilaksan ang tawa?!

"HAHAHHAAHAHHAHHAHAHAHHAAHHAHAHAHAHA"

Hindi na ako nakapag-timpi kaya binato ko na siya ng mga tissue. Tumigil naman siya, pero ang tingin pa rin sa akin ay mapang asar. Tinarayan ko ito at saka tinaasan ng middle finger.

"Sus, tiklop na tiklop kay Robles-"

"Tumigil ka na nga! Isa tamo papainom ko sa'yo 'tong toyo na 'to," hawak hawak ko ang bote ng toyo habang inaaktong papainomin ko sa kaniya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 28 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LOVE WARNING #1: I HATE YOU [ JHOCEY ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon