seven

29 2 0
                                    

"GF"

JHOANNA

Halos magda-dalawang linggo na akong hindi pinapansin ni Stacey. Nagpapatawag ako ng meeting pero laging si Sheena ang pumupunta, palit daw muna sa kaibigan niya. Na sa main cafeteria kami ngayon, kasama ko ang mga ka-grupo ko sa PR2 dahil malapit na ang submission ng chapter one namin, at defense na rin sa susunod na linggo.

Nang matapos ang oras na inilaan namin sa paggagawa ng research ay bumalik na kami sa classroom. Diretso ako sa upuan ko at umidlip na lang muna.

Nagkaroon lamang ng discussion si Sir Pablo sa CESC namin, at buti na lang walang quiz dahil wala talaga akong naintindihan sa naging discussion this week and last week, may ibang iniisip ang isip ko. MY GOSH!

At dahil may 15 minutes break bago mag-last subject, nag punta muna ako sa lounge area para magpahangin saglit. May long quiz kami sa EAPP which is our last subject. Maganda ang simoy ng hangin sa area na 'to, dahil sa napapaligirin ito ng mga puno at open area rin kaya maganda at maaliwalas ang pasok ng hingin. Umupo ako sa isang lamesa bagkos binuksan ang iPad ko. Nag basa lamang ako ng power point at nagpa-familirize sa mga terms since madali lang naman ang EAPP— at least for me.

"Get one whole sheet of yellow paper, at mag layo kayong lahat— isang dangkal na pagitan."

Ini-scan ko muna ang buong test, tinignan ang mga numbers na may madaling tanong at iyon ang inuna kong sagutan. As expected, madali lang ang quiz. Lahat ng na-review ko ay lumabas doon.

---

Na sa labas ako ngayon ng guidance office, iniintay na makalabas ang pinsan ko at ang vice president ng student council. Kasama ko rito sa labas ang gf ni ate Colet.

"Ate Maloi, ano ba nangyari?" Tanong ko.

Isang malalim na hinga ang binitawan niya, "na misinterpret ni Cole 'yung galaw ni Maki sa'kin kanina... ayon, sinugod ni Cole si Maki," tumingin ito sa ibaba na para bang nahihiya sa ginawa ng pinsan ko.

Masiyado rin talaga kasing selosa 'tong pinsan ko, at may anger issue. Kahit saamin ay nagiging agresibo siya minsan. I really have to talk with Maki and ate Colet— baka kasi maging malaking issue lalo na't kilala silang dalawa rito sa school. Si Maki kilala bilang vice pres, si ate Colet naman kilala bilang vocalist ng banda ng school namin. Napahilot na lang ako sa sentido ng ulo ko, at umupo sa tabi ni ate Maloi.

Bigla naman akong nakaramdam ng sunod-sunod na vibrate ng cellphone ko sa aking kamay. Tinignan ko ang notification, at puro messages lang naman 'to ni Taneo.

Taeno

Asan ka na?

Pres!

Jhoanna

Jho

Jhoanna Robles

JR

Kanina pa kami ni Gwen dito sa gate. Di pa ba tapos 'yang sa Guidance?

LOVE WARNING #1: I HATE YOU [ JHOCEY ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon