"NOT AN ICE CREAM DATE"
STACEY
Ayaw ko man makita si Jhoanna ngayong araw pero kailangan ko magpasa nitong project plan na pinapagawa niya. 3:30 na at hanggang 3:40 lamang p'wede magpasa kaya naman nagmamadali akong tumatakbo papuntang SC Office para maabutan ko siya do'n. Napakamataporbe pa naman ng babaeng 'yun.
Bigla na lamang akong napahinto nang ma-untog ako. Agad namang nag-init ang ulo ko, ang lawak ng daan hindi man lang tumabi sa gilid. Iniangat ko ang tingin ko, and to may surprise it's Jhoanna— But a different one. May kung anong pait sa mga mata niya, kita rin ang inis sa mukha niya.
"I'm sorry." Malamig niyang saad at saka dumiretso sa paglalakad.
Hinabol ng mga mata ko ang anino niya at kagat labing tinitignan ang project plan. Magpapasa ba ako? Mukhang wala siya sa mood, baka hindi tanggapin— pero ngayon yung deadline.
Huminga akong malalim at nagdesisyong sundan siya.
"Jhoanna!" Sigaw ko sa pangalan niya pero wala itong kibo, hindi man lang ako harapin saglit. Kinakabahan na tuloy ako dahil baka saakin siya galit. Baka dahil sa sinabi ko noong Gmeet namin. Haist.
Hinabol ko siya sa paglalakad and Gosh! Kaya Pala basketball player 'to, sa lakad pa lang ay ang bills na. Hinarangan ko ang kaniyang dadaan.
"Why?'' Ganong lamig pa rin ang boses niya.
Inilahad ko sa harap niya ang project plan na ginawa kov ngunit hindi niya 'to tinanggap. "Bukas mo na lang ipasa." Iyon lamang ang sabi niya bago nag lakad muli.
Hinawakan ko ang pulsuhan niya kaya naman napaharap siya sakin. I don't know why I did that. "I--"
"Stacey, please 'wag ngayon.''
Kinagat ko ang labi ko, at magsasalita na sana nang may tumawag kay Johanna.
'"JHO!''
Kita ko ang pag ka ilang niya, tila ba ay ayaw niya sa presensya ng lalaking tumawag sa kaniya. She let out a heavy sigh before dragging me out of the university. As much as I want to resist and go back because of my things but I couldn't and I have no fucking clue WHY I can't just go back and leave her alone.
Saka lamang niya binitawan ang kamay ko nang makarating kami sa harap ng isang ice cream parlor. Kunot noo ko siyang tinignan.
"Gusto ko ng ice cream." She said before going inside.
Jusko ang gamit ko sa room! Tapos itong isang 'to gusto lang pala mag-ice cream?! I rolled my eyes. Aalis na sana ako nang maramdam ko ang pag vibrate ng phone ko.
From Messenger
Jhoanna Robles: Ayaw mo ng ice cream? My treat :)OK FINE! SAYANG ANG GRASYA, KAYA NO MALICE!
I went inside. Hindi malaki ang ice cream parlor na 'to kaya nahanap ko rin siya agad. She smiled at me, but instead of giving her the same enthusiastic smile--- I gave her a sarcastic one. Kanina pa cold person 'tas ngayon pa ngiti-ngiti na lang. Dual Sim ka ba? Iba-iba ang mode at a time?
"Ikaw na 'tong ililibre tapos parang ayaw mo pa," nakangisi niyang saad.
Ewan ko pero nakaasar talaga mga ngiti at ngisi ni Jhoanna. Nakaka-bad mood ampota.
BINABASA MO ANG
LOVE WARNING #1: I HATE YOU [ JHOCEY ]
RomanceBeing paired with the person you hate the most is something you never wish for, specially if you're Lindtsey Stacey Aubrey the president and team captain of BNVLSHS cheer squad who happened to have an on going war with the BNVLSHS SC's president and...