"PROJECT PLAN"
JHOANNA
And yep, na-PDA kami ni Stacey dahil sa kagagawan ko. It was not my intention though, gusto ko lang talaga siya maka-usap para sa upcoming intramurals since sakop namin ang buong program (well, because of me. I'm the SC President so...). Anyway, andito kaming dalawa ngayon ni Stacey sa Guidance Office, kinakausap ng guidance counselor--- si Stacey lang naman ang sumasagot at taga-agree lamang ako. Mahirap na dahil may hinahawakan akong responsibilities dito sa school baka mamali ako ng sabi.
"Siguraduhin niyo lamang na di na mauulit 'yang actions niyo rito sa loob ng school premises," pag-remind samin ni Mrs. Coronel. "Lalo na at may mga responsibilidad kayong dalawa rito sa school." Me and Stacey nodded, taking notes of all the lectures. "Specially you, Ms. Robles." Turo niya saakin.
Napakamot ako sa aking batok at awkward na ngumiti, "l'll be more careful next time, Mrs. Coronel."
Sabay kaming lumabas ni Stacey at ang una niyang ginawa ay binatukan ako. Nanlalaking mata ko siya tinignan pero isang matalim na tingin lamang ibinigay niya saakin bago lumakad papalyo. She's stamping her feet like a kid throwing tantrums. Cute haha, inisin ko pa kaya lalo?
Aasarin ko pa sana siya kaso nakuha na ni Taneo ang atensyon ko.
"Bakit?" Tanong ko nang makalapit sila sa kinakatayuan ko.
"Napa-guidance ka raw..." Nagtataka nitong saad.
Napatawa naman ako ng bahagya, "Oo." Maiksi kong reply. "May tao sa gym? Tara laro," pag-aaya ko para ma iba ang usapan.
Agad naman itong sumang-ayon kaya doon na kami nag-diretso. Saka na lang siguro ako magla-lunch.
---
"Pa'no ba 'yan, Tan? Pagaling ka muna ha---"
"Yabang ampota!'' Mabigat niyang saad sabay binato saakin ang bola. Natalo ko kasi siya sa pustahan namin sa laro kaya kailangan niya akong ibili ng lunch ko.
Pumunta na kami sa main cafeteria, at dahil nga late na kami magla-lunch unti na lamang ang estudyante rito. Makakaiwas din sa banas.
"Ano iyo?"
Umakto akong nag-iisip ng kakainin pero siyempre yung usual na sisig pa rin. "Sisig na lang, walang mayo tapos dalawang coke mismo."
Umalis na si Tan at pumunta sa stall ng mga pagkain. Medyo maaliwalas dito sa main cafeteria kaysa sa cafeteria ng HUMSS Building, kulob kasi doon tapos marami pang students ng HUMSS. Binuksan ko ang cellphone ko at tinignan ang mga activities and schedules ko, napahilot na lang ako sa sentido ko nang makita ko na ang dami ko pang kailangan gawin at kailangang simulan ko na ang paggawa ng project plan for intramurals. Meron pa kaming title defense sa Monday para sa PR2, and may novel kaming kailangan ipasa sa Creative Writing. Fucking stressful!
Tapos na kaming mag tanghalian ni Tan, dumiretso na siya sa building ng TVL, ako naman ay sa building ng HUMSS. Hindi ako mapakali sa project plan ko. I really have to start discussing it with Stacey--- hindi dapat ako nagpapadala sa katarayan niya. Binuksan kong muli ang cellphone ko at chinat si Stacey. Makailang minuto wala pa rin itong reply. I heaved a sigh.
Naglalakad ako papuntang ABM building nang mapansin ko na may mga taga-Arts&Design Strand ang naglalakad papunta rin sa ABM, 'yung isang lalaki ay may hawak na bouquet at mga chocolate habang malawak na malawak ang ngiti. Napailing ako, nakaka-stress na nga mag-aral tapos nagagawa pa nilang gumawa ng mga ganiyan. Corny Jusko!
BINABASA MO ANG
LOVE WARNING #1: I HATE YOU [ JHOCEY ]
RomanceBeing paired with the person you hate the most is something you never wish for, specially if you're Lindtsey Stacey Aubrey the president and team captain of BNVLSHS cheer squad who happened to have an on going war with the BNVLSHS SC's president and...