two

50 3 0
                                    

"USED TO BE"

JHOANNA

Another monday means another stressful day. Ewan ko ba pero tuwing lunes nakaka-stress talaga.

"Robles, what are your plans for this academic year's intramurals?" Sir. Hernandez asked, siya ang Student Council adviser namin.

Tipid ko itong nginitian, "well, I still haven't plan anything yet, Sir, pero napapag-usapan naman namin 'yon ng ibang SC officers."

Ngumiti ito at tinapik ang balikat ko, "don't stress yourself too much, hija. Mauuna na ako, at may mga kailangan pa akong permahang papel."

Nginitian ko ito bago umubob sa lamesa ko. Andito ako ngayon sa SC Office, ginagawa ang mga trabaho ko bilang president, and for heaven's sake hindi na ako natutuwa. Dapat talaga hindi na lang ako tumakbo.

"Oy pres, andito ka pala. Kanina pa kitang hinahanap."

Iniangat ko ang ulo ko para tignan kung sino ang pumasok, it's Taneo, he's my SC's P.I.O.

"Bakit pala?" Tanong ko.

"Hanap ka ni Coach Madam eh."

"Where's Gwen?" Tanong ko rito. Kita ko ang senyas ng kamay niya, tinuturo ang labas ng pinto. Tumungo ako at nag simula na ayusin ang bag ko.

Lumabas na kaming dalawa ni Tan sa office, at bumungad sakin ang iyamot na mukha ni Gwen. "Itsura mo." Puna ko.

"Wala, tara na sa court. Kanina pa tayong inaantay ni coach madam."

Hindi ko na lang pinansin ang walang timplang itsura ni Gwen bagkos ay nag lakad na kaming tatlo papuntang court.

Pansin kong maraming estudyante ngayon sa Lounge Area. Napatingin naman ako sa pambisig kong orasan, 15 minutes break pala ngayon.

"Uh, Gwen nakapag gawa ka na ba ng announcement in regards para sa mga activities na gusto ng students for the upcoming intramurals?" I asked. Gwen is the SC Secretary.

"Meron na, send ko na lang kay Taneo." Tipid nitong sagot. Kunot noo ko siyang tinignan, ano problema into? I mean, she's always been quiet but not this kind of quiet.

Nawala ang pag-iisip ko tungkol kay Gwen nang marinig ko ang tawag ng pinsan ko— si ate Colet.

"JHO! DITO!"

"Uhh, una na kayo, sunod na lang ako." Sambit ko sa dalawa kong kasama.

Habang naglalakad ako papunta sa pwesto ni ate Colet at ng kaniyang gf ay napansin kong kasama rin nila si Stacey. Ay shocks! Nalimutan ko palang mag-sorry sa kaniya kanina, mas lalo sigurong lumaki anh galit sakin ng babaeng ‘yon. Ewan ko ba, wala naman akong ginagawa sa kaniya pero kung magalit sakin kala mo ninakawan ko siya.

Kunot noo ko siyang pinagmamasdan dahil para bang nagmamadali siyang umalis. Binilisan ko na lamang ang lakad ko para maabutan ko siya pero hindi pa rin ako nakaabot. Rinig kong tinatawagan nila ito pero para sa kaniya ay wala lang, hindi siya lumingon.

"Hi," masiglang bati ko sa kanilang tatlo. "So, what's up?" Baling ko kay ate Colet.

"Ahh wala, umalis na kasi si Stacey eh," she replied.

LOVE WARNING #1: I HATE YOU [ JHOCEY ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon