Isobelle's POV
Umuwi ako ng mabigat ang kalooban ko. Bakit siya ganun? Kung sino pa yung inaasahan kong makakaintindi sa akin, siya pa yung nag-reject sa mga plano ko... I was expecting encouragement from him, bakit hindi ganun ang nakuha ko sa kanya. Dahil ba sa okay siya sa work niya... Hindi kami pareho ng kapalaran. I'm trying to enjoy my job, my profession pero nawala yung drive eh, yung passion...all's left is the responsibility...ayoko nang ganun...hindi ako ganun...I want to work with vigor. 'Yung kinapapanabikan ko yung trabaho ko. Hindi yung parang estudyante pa lang ako na pag araw na ng Lunes eh tamad na tamad akong pumasok...
Lance, ang sakit naman na ikaw pa ang hindi uunawa sa akin...?
Sa sobrang seryoso ng iniisip ko, 'di ko namalayan na lumagpas na kami ni manong driver sa bahay namin.
"Manong, pakibalik po lumagpas tayo. Pasencya na po."
Manong: Okay lang Miss. Tinatanung kita kanina kung malapit na ba, hindi ka sumasagot eh. Sige ibuwelta ko na lang. Malayo ba masyado?
"Pasencya na po. May iniisip lang... Dito na po, para na manong..."
Pinasobrahan ko na lang yung bayad sa driver ng taxi...Nakakahiya! Masyado kasi akong nalibang sa pag-iisip ko. Buti na lang mabait yung manong at hindi pinagsamantalahan yung pagkawala ko sa sarili... Hay naku Belle, wake up!!!
Pagpasok ko sa loob ng bahay namin, nakasalubong ko ang kapatid kong si Odette. Aalis ata at gagala kasama barkada niya.
Odette: Te, para kang natalo sa pusoy ah...hehehe...haggard lang...
"Gaga, pagod lang siguro...San na naman gala mo?" Nagpaalam ka ba?"
Odette: Oo naman...ako pa ba...Sige na, manunuod lang kami ng sine at off ko ngayon kaya 'wag ka nang umapila... Bye!
"Sige, ingat ka."
Odette: Salamat Te... pasalubong you want?
"Kahit ano na lang..."
Odette: Wow, la nga sa sarili...may LQ kayo no!!! hehehe!!!
"Baliw!!! "
Kung okay kasi ang mood ko baka naglista na yun sa gusto kong pasalubong. Medyo gumaan ang pakiramdam ko sa maikling pag-uusap namin ng kapatid ko... Malaki ang agwat k osa kanya kaya siguro super close kami...Yun nga lang malakas din topak ng isang yun...
Pagkamano ko kay Mama at Papa, pumunta na ko sa kwarto ko. Binuksan ko ang cp ko at nakita ko na wala man lang text sa akin si Lance. Buset na yon...siya pa ba galit... bahala siya sa buhay niya!
Nagbukas ako ng FB at nag-update ng status.
" Still wondering why of all people...'am so hurt. Nyt! "
Sige lang Lance... palimigin muna natin mga ulo natin bukas na tayo mag-usap. Sa sobrang pagod ko, naramdaman ko na lang na inaantok na ako...
For the first time in our relationship, ngayon lang kami matutulog nang masama ang loob sa bawat isa... haist... there's always a first time...

YOU ARE READING
Starting Over Again (The story is under revision.)
RomanceMaraming bagay sa mundo ang nababale-wala ang halaga. Katulad ng kalikasan, relasyon sa kapwa at marami pang iba. Saka na lang natin nare-realize ang halaga ng mga bagay o tao kapag wala na sila sa ating buhay. Ang bawat relasyon ay parang kristal...