Chapter 5 - Present Time 2014

60 0 0
                                    

Lance's POV

Can't help the memories flooding back...



Nandito ako ngayon sa site. May big project kami and I am one of the engineers handling the construction of one of the biggest malls dito sa Metro Manila.



(On the phone while walking)



"Hello, Mr. Ortega? Yes sir, already on the site sir...I already e-mailed you the blue print of Building A. So what 's your feedback? Good! Okay, sir. I'll work on it agad. Sure sir by Friday.

I'm following a time table para sa mga dapat matapos every week. I checked na sir, don't worry. I'll call you later this afternoon for updates. Will there be anything else, sir? Alright thank you, sir! Bye!"



Naglalakad na ko papunta sa site. Busy na ang mga tao. Maingay and maalikabok dito pero parang this has been my sanctuary. Mas peaceful sa akin ang maingay kesa sa mga lugar na tahimik. Ayoko dun, nababaliw ako. Hahaha!!!



Mang Lando: Engineer...pwede po kayo makausap sandali?



"O Mang Lando, ano po ba iyon?"



Mang Lando: Sir may go signal na ba yung dapat nating ayusin sa Building A? Para po mai-plano ko rin po yung mga susunod na gagawin at ma-meeting ang mga tao.



"Ay opo... Kakausap ko pa lang kay Mr. Ortega at ayos naman daw po ang mga nai-submit ko sa kanya. So we will work on it po.

May meeting po tayo mamaya ng mga tao. May tatapusin lang po ako. After an hour po siguro. Nandyan na po ba si Architect Garcia?"



Mang Lando: Nandiyan na sir. Nasa office na po ninyo. Sige po sir abisuhan ko na po ang mga tao.



"Maraming salamat po, Mang Lando. "



Dumiretso muna ako sa Building A. Sasaglitan ko muna bago ako pumunta sa office namin. Medyo tahimik dito. Wala pa masyadong gumagawa. Ito kasi ang naka line-up na gagawin starting this week.



Looking at all of these, I'm very happy dahil unti-unti nang nakikilala ang aking kakayahan sa field na 'to. Matagal ko rin itong napabayaan. Buti na lang nakabangon ulit.


(Going back to the corner where I first saw you

Gonna camp in my sleeping bag, I'm not gonna move

Got some words on cardboard, got your picture in my hand...)

Starting Over Again (The story is under revision.)Where stories live. Discover now