Isobelle's POV
Our relationship, after Lance made the effort to win me back, worked. And until now, okay naman kami. He became more interested sa feelings ko and my moods. And na-aapreciate ko ang efforts niya. Sino bang hindi matutuwa kung ang boyfriend mo ay parang nanliligaw lang sa iyo araw-araw?
Masaya ako. Tunay at walang halong biro. Pero sa aking career, masaya ba ako? Hindi ko na alam...
As months passed by, mas lumaki ang desire ko na magsulat. Kapag off ko at busy si Lance, I just stayed at home to read books and study them at the same time. Decided na ako that I would change my career path. Masakit sa akin kasi pinaghirapan kong maging isang lisensyadong nurse pero hindi ako masaya sa ginagawa ko... I wanted to be a writer.
Lingid sa kaalaman ni Lance na desidido na ako na tahakin ang karera ng pagsusulat. Hindi ko alam kung paano ito maapektuhan ang relasyon namin. Pero umaasa ako na kahit mahirap unawain, sana mangibabaw ang love niya sa akin upang maunawaan ako na ito ang gusto ko...dito ako magiging masaya.
Hahanap ako ng tiyempo kung kailan ko sasabihin sa kanya ang desiyon ko. Siya ang unang makababasa ng aking first ever story. Sana, sana...magustuhan niya. This would make or break me and....even us...
YOU ARE READING
Starting Over Again (The story is under revision.)
RomanceMaraming bagay sa mundo ang nababale-wala ang halaga. Katulad ng kalikasan, relasyon sa kapwa at marami pang iba. Saka na lang natin nare-realize ang halaga ng mga bagay o tao kapag wala na sila sa ating buhay. Ang bawat relasyon ay parang kristal...