Ang pagtatagpo ni esmeralda at ricardo

21 0 0
                                    

Mula sa mahimbing kong pagtulog,dahan dahan kong idinilat ang aking mga mata..
Medyo nanakit ang buong katawan ko
Siguro dulot ito ng matinding bakbakan!
Teka,saan ba ako naroon?

Iginala ko ang aking paningin sa buong paligid..
Kung di ako nagkakamali,nasa loob ako ng kweba
Bukod sa dayaming hinihigaan ko,wala na akong ibang makita kundi puro bato at ang nagiisang sulo na nagsisilbing liwanag sa paligid..
Paano ako napadpad dito?n
At sino ang nagdala sa akin dito sa loob ng kweba??
Hindi kaya ang mga peste ang nagdala sa akin dito?
Kung yun nga ang nagdala sa akin dito? Bakit buhay pa din ako?

Naputol ang mga katanungan sa aking isipan ng maramdaman kong biglang umiinit ang kwintas sa dibdib ko..
Inilabas ko yun mula sa ilalim ng aking damit..
Namangha ako sa liwanag na bumabalot sa aking kwintas
kumikinang yun!
At halos sakupin ng liwanag ang buong paligid..

"Gising ka na pala?!..."
Isang garalgal na tinig ang gumulat sa akin mula sa likuran
Nilingon ko..
Nasilayan ko ang isang kubang matanda na may dalang tungkod..
Kulobot na ang kanyang mukha at balat..
Tila may mga sugat din ang kanyang braso..

"Sino po kayo?k-kayo po ba ang nagdala sa akin dito?"tanong ko

Hindi siya sumagot..
Nanatiling nakapinid ang kanyang mga labi..
Tumitig siya sa aking mga mata..
Nakita ko duon ang lungkot..dalamhati ..at hapo..
Malamlam ang kanyang mga mata..
May mga munting luha na tila namumuo at nagbabadyang tumulo..

"A-ako si esmeralda..ako ang kapatid ng iyong ama.."at tuluyang nalaglag ang mga luha sa kanyang magaganda ngunit malamlam na mga mata..
"K-kayo po ang aking tiya esmeralda??..".. Nagagalak kong sabi..
"Patawarin mo ako kung naging mahina ako..k-kung natakot ako ..mahina na ako adonis.."
"Matagal na panahon din akong nagkubli sa kwebang ito..dahil akala ko wala ng pagasang mahanap ko kayo ng iyong ina..ang iyong ama na si octavio ay nakakulong sa kamy ng mga dyablo..ngunit ang kanyang espiritu ay malayang nakakalabas ngunit wala din siyang magagawa sapagkat limitado lamang ang knyang kapangyarihan.." At muling humagulgol siya ng iyak..
Lumapit aq sa kanya at yumakap..

" wag na po kayong magalala nandito na po ako.." At marahan kong hinaplos ang knyang likod..
Napaigtad ako ng maramdaman ko ang init ng aking kwintas..
Nagaapoy ito sa liwanag..!
Napatingin dito si esmeralda..
"A-ang susi..! Bulalas nya
Hinubad ko ang kwintas at iniabot sa kanya..
Maluha luha nya itong tinitgan ..
Pumikit siya ..
At umasal ng tila isang dasal ngunit hindi ko maintindihan..
Maya maya pa at marahan siyang dumilat..
Tumitig siya sa akin ..
Nakangiti ..at sumenyas para lumapit ako sa kanya..
Paglapit ko,hinawakan nya ang aking kamay ..
............
Sa isang kisap,..
Isang napakagandang nilalang ang nasa aking harapan!
Wala na ang kulubot na at nanghihinang matanda..
Bagkus isang maganda,malakas at makapangyarihang babae ang kaharap ko ngayon..!
"Salamat ricardo,salamat at nanumbalik na ang aking lakas..ngayong taglay mo na din ang kapangyarihan ng isang immortal,..handa ka na bng sumama sa kaharian natin??"
Saglit na natigilan ako sa tinuran ni esmeralda
Naalala ko si inay..
"Paano si inay??"
Ngumiti si esmeralda..
" wala ka dapat ipangamba sa inay mo ricardo,sapagkat bago pa man makuha ng mga dyablo ang iyong ama ay nailipat nya na ang kanyang taglay na kapangyarihan sa iyong ina..subalit lingid yun sa kaalaman ni selya.."
Malalamn at magagamit nya lng ang kanyang kapangyarihan sa oras ng kapahamakan..kaya wala ka dapat ipangamba..kung tutusin mas malakas ngayon ang taglay na kpangyarihan ni selya kesa sa ating dalawa.."  Sabi nya
" kung ganun tiya ..puntahan natin si inay para maisama natin siya sa kaharian nga engkantadia..kailangan natin siya upang matalo natin ang kadiliman..!"
Tumango si esmeralda at marahang iniaangat ang kanyang kanang kamay at kumumpas..
Sa isang iglap ..

"I-nay??.." Pasigaw kong tawag sa aking ina..
"Tila  wala yatang tao dto ricardo.."
Kinabahan ako sa tinuran ni esmeralda
Hinagilap ng aking mga mata ang hagdanan paakayat sa itaas ng kwarto
Sa aking pagmamadali,di ko nmnlayang di pala sumayad sa hagdan ang aking mga paa..
Madali kong binukasn ang silid ni inay..
Tumabad sa aking paningin ang mga nagkalat na gamit tila dinaanan ng bagyo..
Lalong tumindi ang kabang nararamdamn ko..
Hindi kya nakuha na ng mga dyalo si inay??
HINDIII..hindi maari..
Muling kong tinahak ang hagdan pababa
Ngunit akmang bababa na ako tila may humawak at pumigil sa akin ng mlakas na pwersa..
Lumingon ako ngunit wala ako g makita..
"Anak..??"
Boses ni inay..
" n-nay?? Nasaan po kayo..??"
Sa isang kisap..tumambad sa harapan ko si inay..at mahigpit akong niyakap
Mahigpit na mahigpit..
Humahagulgol ng iyak..
" ano po ang nangyari inay?? Naguguluhan kong tanong..
basa ng luha ang kanyang matang tumutitig sa akin..
"May mga dyablong lumusob dto anak at pilit ka nilang hinahanap ...at pati ako pinagtangkaan nilang patayin subalit di nila ngawa dahil sa taglay kong kapangyarihan ngawa kong maglaho n parang bula.."
"Labis akong nag-alala sa yo anak di ko matatanggap kong may masamang nagyari sa yo.."umiiyak na sabi ni inay..
"Wag kang magalala selya malakas at matapang ang iyong anak na si ricardo.." Sabat ni esmeralda na ikinagulat ni inay..
"E-esmeralda??" Nangingiting bulalas ni inay
"Ako nga selya .."maluha luhang sambit ni esmeralda
At nagyakap ang dalawa..

"Wala na tayong dapat aksayahin na panahon kailangan na tayo sa kaharian ng engkantadia.."
Binasag ko ang kadramahan ng dalawa..naiiyak na din kasi ako sa eksena heheh di bagay sa character ko dito hehehhe..

SundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon