Ang pambuno ni octavio at ricardo

9 0 0
                                    

Malayang nakapasok sa loob ng kulungan ni octavio si ricardo.
Nakakakatakot ang hitsura ng kanyang ama
Malayo ang anyo nito sa dating octavio na maamo ang mukha
Ngayon ang makikita mo ay isan pigura ng isang demonyo na tila gutom na gutom sa kasakiman at kapangyarihan...
Naguulol si octavio nang makita si ricardo
Nanlilisik ang mata nito at handang patayin si ricardo
Humanda namn si ricardo sa pagsalakay ni octavio
Tila hayop na umatungal si octavio at mabilis na dinamba si ricardo..
Nagpagulong gulong ang dalawa
Buong lakas na sinakal ni octavio si ricardo sa leeg..
Ahhhhhhh...
Tila kakapusin na nga hininga si ricardo..
Katapusan ko na yata ama...
Itarak mo ang punyal sa kanyang dibdib ..puntiryahin mo ang puso nang sa ganun manumbalik ang dating ricardo...

Pilit na inapuhap ni ricardo ang punyal sa kanyang tagiliran..
Lalong dumiin ang pagkakasakal sa kanya ni octavio namamanhid na ang kanyang buong mukha sa higpit ng pagkakkasakal
Buong lakas na itinarak ni ricardo ang punyal sa dibdib ng ama..
Lumuwag ang pagkaksakal sa kanya
Sapo sapo ni octavio ang kanyang dibdib, pilit na tinatanggal ang punyal sa pagkakabaon
At nang matanggal nito ang punyal bumulwak ang maitim na likido mula sa kanyang puso..
Itim na itim na likido
Walang buhay na humandusay si octavio
"I-itayyy??!"
Sinaklolohan ni ricardo ang ama..
" napatay ko yata si ama.." Hintattakot na si ricardo..
Paaano kong napatay niya ang kaniyang ama??
Baka mali ang pagkakatarak niya sa punyal
Mayamaya pa at nagbago na ang hitsura ni octavio
Bumalik na ito sa dati
"Ricardo,anakk..ikaw ba yan?"nanghihinang sabi ni octavio.
" oo ama ako nga!,"
" salamat at andito ka..patawad anak naging mahina ang itay mo ..!"
" ssshhh..tama na po..kailangan na nating umalis sa lugar na to..!" Inakbayan at inalalayan niricardo ang kanyang hinang hina na ama..
Pagkalabas nila sa lugar na yun,siya namng dating ng ibang mandirigma
Napansin nila na wala si octavio
Mabilis na nagsikilos ang mga mandirigma
Kailangan nilang hanapin si octavio..
Nakapagkubli ang dalawa nang dumating ang mga mandrigma..
Inilabas ni ricardo ang kanyang kapangyarihang apoy at iniutos dto na dalhin sila sa kinarorooonan ni irmah ,esmeralda at selya..

SundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon