Part 2(Kwintas)

97 2 1
                                    

Mabilis na lumipas ang panahon..
Marami na ang nagyari sa buhay ko.
Di ko nga namamalayan binata na pala ako!
Hahhaha..
Sa edad kong 21 ay masasabi kong ganap na akong binata,
Sa tindig at hulma ng aking katawan ay maihahalintulad ko na sa mga artistang nakikita ko sa t.v..
Di naman sa pagmamayabang ,pero sadyang maganda ang pagkakahubog ng aking katawan..at tankad na 5'9 ay masasabi kong maihehelera ko na ang gwapo kong mukha kay dingdong dantes hahhahaa!..
Sa totoo lang madaming bakla sa amin ang nagkakainteres sa akin,meron nagoofer ng pera!
Alam mo na...pero di ako ganun! Pero di nmn aq suplado sa kanila..basta lagi ko sinasabi sa kanila
" pasencya ka na ah kasi tropa lng kya kong ibigay sayo eh.." Syempre may kasama pang ngiti yun para wagas ang pagiging mabait ko hehehhe...
Pag ganun di na aq kinukulit,bagkus mabait sila sa akin.

Si mik mik,ang malanding parlorista sa bayan,pag nakikita ako nun,tinatawag nya ako
" hoy,adonis!(adonis tawag nya sa akin kasi nga daw maladonis ang pangangatawan ko hhehe
"Bakit tropa?"
" wala,ang gwapo mo hehhee!" Malandi nitong sabi.napangiti naman ako..lalo daw akong gumagwapo pag nakangiti kya ginawa ko n siyang bisyo hahhaa..tuwing may babati sa akin ngiti ung pambungad ko hehhe..
" wala,may ibibgay ako sa yo,lika pasok ka muna sa loob!.." Aya nito
Tumanggi ako
" anu ka ba,wala namn ako gagawin sa yo eh," nakasimangot n sabi nya.sabagay, mabait si mikmik di siya katulad ng iba na garapal sa mga lalaki.
" sigurado ka?? " nakangiti kong sabi
" oo namn noh! Isa pa di kita type!" Ismid nya...
Natawa namn aq.
" lika na"
Sige na nga..
Pumasok aq sa loob ng bahay ni mikmik..maayos siya sa bahay..
Kumpleto sa gamit mula sala hanggang kusina..
Balita ko kasi,matipD at masipag daw si mikmik sa pera, kaya siguro nakapapundar siya ng mga gamit!
" upo ka muna jan!" Nginuso nya ang silyang pag isahan.monobloc yata ang tatak(pati tatak napansin ko pa hehhe
" antay mo ako dyan may kukunin lang ako.."
"Okey,sige..."sagot ko

Di rin siya nagtagaal sa loob ng kanyang silid,mga ilang segunda lang ay lumabas na siya.
Mayron siyang dalang maliit na box.
Iniabot nya sa akin
" ano to?" Tanong ko
"Buksan mo"
Kinuha ko ang maliit na kahon.
Binuksan ko
Tumambad sa akin ang isang kwintas..
Di siya ginto..
Parang yari sa abaka ang tali at may pendat na yari sa kahoy..
Kakaiba ang kwintas!
Mas disenyo ang pendat,kaya di ko mawari kung anu..
Pero sa tingin ko di siya ordinaryong kwintas..
"Ganda ah..."
" oo, maganda nga! Pero sa yo na yan..." Nakangiti niyang sabi
" sigurado ka?"
" oo nga..bigay ko na yan sayo!"
" di ko namn birthday ah,!"
"So, ayaw mo? " nakataas ang kilay na sabi nya
" nakakahiya eh," sabay abot ko sa knya ng kwintas
" ano ka ba,bigay ko nga eh,isa masama daw tumatanggi sa grasya " nakangiti nyang sabi
" actually,bigay din lng sa akin yan ng matandangg babaeng costumer ko sa parlor.matagal na sa akin yan..isang beses ko lng sinuot yan..!"may nasulyapan akong kakaibang reaction sa mukha ni mikmik..parang may takot siyang itinAtago!
" ok sige,salamat ha.."ipinasok ko sa loob ng bulsa ng aking pantalon ang kwintas..
" sige tropa,alis na aq baka hanapin na ung pinabibili ni inay."...muntik ko ng makalimutan ang pinabibili na gamot ni inay sa alta presyon.
" ok cge,ingat ka adonis!!" Nakangiti nitong sabi,ginatihan ko siya ng ngiti.

Nang nasa daan na ako pauwe,muli kong dinukot sa loob ng bulsa ko ang kwintas..
Tinitigan ko ang pendant,,
Tila may magneto itong taglay...
Tila hinihigop ang katinuan ko..
Napapikit ako..

Sumakit bigla ang ulo ko...!
Anung klaseng kwintas ito??
Tila may hiwagang bumabalot dito..
Ang pendat ay yari sa kahoy,at my disenyo itong di ko mawari kong ano!
At sa likod nito may nakaukit na mag letra pero di ko maintindihan..
Kakaiba ang pagkaksulat nito..

Muli kong isinilid sa loob ng aking bulsa ang kwintas.

" Ricardo,anak gising na! Tanghali na" untag sa akin ni inay..
Alas otso na pala ng umaga.napahimbing ang tulog ko..!
" sige na, magayos ka na at kelangan na nating pumunta sa bayan..!"
" ano po gagawin sa bayan" pupungas pungas kong tanong
" aba,ricardo wag mo sabihin sa akin na naguulyanin ka na??"
" eh bakit nga po?"
" eh di ba nga,magbubukas po tayo ng pwesto sa bayan,? Ngayon natin kakausapin yung mayari ng pwesto at nang makapagbigay na din tayo ng paunang bayad?"galit galitan nitong sabi.
" ah,ganun po,cge po kayo na lang po magisa pumunta heheh!" Biro ko sabay talukbong ng kumot!
"Hoy sandamukal kang bata ka,bumangon k diyan at baka hampasin kita ng tubo !" Banta ni inay na nakangiti..
" ok cge,po,,basta mayron akong masarap na almusal ha hehhe"
" ah yan ang cgurado ' nak! Ako pa! Eh pababayaan b nmn kita sa pagkain,,ika nga eh mothers knows best!"

SundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon