Ang pagbabalatkayo

29 0 0
                                    

Sa tulong ng kapangyarihang taglay ni inay,nagawa naming makapasok sa loob ng kastilyo..na napapalibutan nang mga armadong nilalang na ayon kay esmeralda ay dating mga magigiting na madirigmang engkantado na binago ni enferno ang mukha at buong pagkatao ng mga ito..naging mabagsik sila at masama..
"Kailangan natin mahanap si irmah.." Sabi ni esmeralda..
"Sino si irmah?"tanong ko
" siya ang aking matapat na kaibigan.may taglay din siyang kapangyarihan..nalalaman niya ang mangyayari sa hinaharap.."sagot nya..
" malamang nasa ilalim na din siya ng kapangyarihan ni enferno ngayon..!"dugtong nya
Natigil ang aming paguusap ni esmeralda nang bigla kaming kabigin ni inay para magkubli sa isang madilim na sulok na bahagi ng kastilyo..
" may panganib.." Pabulong nyang sabi..
Nasipatan ng aking dalawang mata ang mga nilalang na armadong paparating..
Taglay ng maga ito ang kasuotang ng isang mandirigma..
Halos mapugto ang aming hininga sa sobrang kaba habang papalapit sila sa aming kinaroroonan..
  At nang tumapat sila sa aming pinagkukublihan ..tila naramdaman ng mga ito ang aming presensiya..animo ay aso itong sumisinghot singhot..inaalam ang aming kinaroroonan..
Marahan itong lumapit kung saan kami nagkukubli..
Inihanda nito ang hawak na espadang pandigma..
Ipinikit ko ang aking mata upang ihanda ang aking sarili sa anumang mangyayare..

"KLLLLLLLLAAAANGGGG! Kkkkkkkkkklllllllllaaaanggggggg!"
Napatigil ang mga mandirigmang nilalang ng marinig ang tunog..
Hudyat pala yun nang kanilang pagtitipon sa harap ng kanilang kinikilalang hari na si enferno.
Palihim naming sinundan ang mga mandirigma..
Kailangang mahanap namin ang kinaroroonan ni ama..
"Kailangan nating magpalit nang anyo upang hindi nila tayo mahalata at malaya tayong ..."
Hindi na nagawang ipagpatuloy ni esmeralda ang sasabihin sapagkat nakatutok sa amin ang matatalas na espada ng tatlong babae.
Mga mandirigma din siguro ang mga ito..dahil taglay din nila ang kasuotang kahalintulad ng mga lalaking mandirigma..
" S-sino kayo??!"makapangyarihang tanong ng isa sa mga babae.nakasuot ito ng maikling pangitaas na gawa yata sa balat ng kung anung hayop at napapalamutian ito ng mga matutuls na bakal sa may manggas at dibdib..at maikli din ang pangibaba nito..kahalintulad din ng desenyo sa pangitaas nito..

" aliyah??.."..sambit ni esmeralda
Napatingin ang babaeng mandirigma kay esmeralda.
Itinutok nito sa kanya ang espada
Pumalag ako subalit lalong dumiin ang espadang nakatutok sa akin..
" bakit mo ako kilala..?..maangas na tanong nya
" a-anong nangyari sa iyo..bakit ganyan ang ayos mo??.." Si esmeralda
Idiniin ng babaeng mandrigma ang espada sa leeg ni esmeralda
" sino ka  sabi..at bakit mo ako kilala..""galit na tanong nya
"A-ako si esmeralda..di mo ba ako nakikilala??"
Natigilan ang babae..
"Prinsesa??.." Sambit nya
" ako nga ito aliyah.." Naiiyak sa sagot ni esmeralda..
Nuon pa lang ibinaba ng dalawang babae ang kanilang armas
Nakahinga na din kmi ng maluwag

" nanganganib ang buhay nyo dto prinsesa bakit pa kayo nagbalik??.. Tila nangangamba ang kanyang tinig
Palihim kaming dinala ng mga kasama ni aliyah sa isang sekretong silid..
"Prinsesa hindi ka na dapat nagbalik pa..papaslangin ka ni enferno..siya na ang makapangyarihan dto sa engkantadia..hawak nila si octavio at ngayon ang araw ng kanyang kamatayan..!"
"Sino sila prinsesa??"tanong ni aliyah..
Nakatingin siya sa amin ni inay..
"Siya ang anak ni octavio na taga lupa at siya si selya ang asawa ni octavio, isang mortal"pakilala nya
"Nagbalik ako para bawiin kay enferno ang kapangyarihang ninakaw nya kay ama.at ibalik ang lahat sa dati.." Matatag nitong dugtong
" hindi ko alam prinsesa kung magagawa natin yan sapagkat hawak na din ng kapangyarihan ni enferno si irmah..malamang nalalaman na ni enferno ang pagdating sa pamamagitan ng kapangyarihan ni irmah." Tila nababahalng tugon ni aliyah
" kung ganun kailangan natin makausap si irmah upang hindi nya tayo isuplong kay inferno.."si esmeralda..
"Kailangan nyong magbalatkayo upang hindi kayo makilala ng mga bantay dto sa kastilyo.."
Inutusan ni aliyah ang kanyang dalawang alalay upang kumuha ng ilang kagamitan..
Ilang sandali pa ,dala nila ang kasuotan ng para kay esmeralda at sa aking ina.
   "Ito ay kasuotan ng mga babae ni enferno ito ang gamitin nyo para malaya kayong makapasok sa kanyang silid at duon paslangin si enferno..subalit magiingat kayo sapagkat naparaming mandirigmang bantay ang loob ng kastilyong ito..
" ako,? Anung kasuotan ko.." Tanong ko
"Lalaki ka,ginoo..bahala ka sa buhay mo..wala kaming kasuotan na naayon sa yo" mariing tugon ni aliyah
" a-abat..!.. Ay naku di ka lang babae nasapak na kita..
Inambahan nya ng suntok si aliyah subalit mabilis ang mga alalay nito..bago pa mn siya makaamba,nakatutok na ang espada saleeg nya..
" ok..olrayt..peace tayo girls..hehehheh.." Nangingising sabi nya
" sumunod kayo sa akin prinsesa ihahatid ko kayo sa silid ni irmah.."
Inayos ng dalawa ang kanilang sarili at sumunod kay aliyah..
Nasipat nang aking mata ang isang rebulto na kasing laki ng tao..
Nakadamit ito ng pandigma.
Nilapitan ko at mataman kong pinagmasdan ang kanyang kasuotan
" hmm..mukhang bagay sa akin yan ah hehehe.."
Hinubaran nya ng kasuotan ang rebulto at yun ang ginamit nyang kasuotan..
"Ayos..bagay ah heheh.."
Patakbo akong humabol kina esmeralda patungo sa silid ni irmah..
Tila di rin kami naamoy ng mga bantay dahil sa ipinagamit sa amin ni aliyah na pabango nang mga alipin..
Malaya naming natunton ang kinaroroonang ng silid ni irmah.
" hanggng dito ko na lang kayo ihahatid prinsesa..tanging mga babae lamang ni enferno ang pwedeng pumunta sa silid ni irmah..bawal para sa aming mga babaeng mandirigma." Wika ni aliyah
" salamat aliyah..napakabuti mo.."akmang hahaplusin ni esmeralda ang mukha ni aliyah...
" huwag! baka makita ka ng bantay malalaman nilang ikaw ang prinsesa esmeralda.."
Tumango si esmeralda
" nauunawaan ko,salamat aliyah.."
"Magiingat kayo prinsesa.."
At tumalikod na si aliyah kasama ang kanyang dalawang alalay..

SundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon