Ang silid ni irmah

5 0 0
                                    

"Tandaan mo prinsesa,maraming kamukha si irmah sa loob ng silid na yan.kailangan mo lang alamin at kilalanin ang tunay na irmah..magiingat kayo at sana magtagumpay kayo..!"

Yun ang huling bilin ni aliyah bago siya lumisan..
binay bay namin ang makipot na daan patungo sa kinaroroonan ng silid ni irmah..
Sa labas ng pintuan may mga mandirigmang bantay na nakatayo sa labas ng pinto..
May mga bantay!"
Lapitan mo sila ricardo at subukan mong iligaw cla para malaya kaming makapasok ni selya sa loob..tutal taglay mo ang kasuotan ng isang mandirigma."utos ni esmeralda
Sumunod ako..
Nilapitan ko ang dalawang bantay..sublit tila nakatunog sila na hindi nila ako kauri..
Napilitan akong paslangin na lamang sila gamit ang aking taglay na lakas at kapangyarihan.
Isang saglit lang at bulagta ang dalawa..
Pinagana namn ni inay ang kapangyarihan nyang hangin upang paglahuin at itapon sa malayo ang dalawang walng buhay na bantay..
Sa wakas,wala ng sagabal ,
Malayang nakapasok sa loob ng silid si esmeralda at selya..naiwan sa labas ng pintuan si ricardo bilang bantay ng dalawa..
NapakalKi ng silid.
Napapalamutian ito ng mga bungo ng ibat ibang anyo ng hayop..
Kakaiba din ang mga kagamitan.lahat ay kulay itim ..at may desenyo ng kakaibang nilalang
Sa kisame ,may nakabitin na isang malaking pugot na ulo ng isang hayop at may palamuti itong mga bungo na nakabitin din palibot sa pugot na ulo ng hayop.
Ngunit ang kapansin pansin sa lahat ,napakaraming pintuan ng silid sa loob..
" nasaan dto ang silid ni irmah?" Anas ni selya
"Ssshhh..wag kang maingay may nakamasid sa atin.."sabi ni esmeralda
"Magaling ang pandama mo babae.."isang tinig ng babae mula sa knilang likuran
"Anu ang inyong sadya?"tanong nya
Hinahanap ko si irmah.."sagot ni esmeralda
Wag kayong papalinlang sa makikita nyo..hindi lahat ng nakikita ng inyong mata ay totoo.
Isa yun sa bilin ni aliyah..
"At bakit mo siya hinahanap?" Balik na tanong ng babae..
"Ipinagutos ng haring enferno na siya kausapin sapagkat may mahalagang mensahe akong dala" matatag na sagot ni esmeralda
" kung gayon,sasamahan ko kayo sa silid ni irmah kung mahalagang mensahe yan galing sa mahal na haring enferno.."aniya ng babae
" hindi na kailangan sapagkat alam ko kung alin ang silid ni irmah.."mtapang na sagot ni esmeralda
" kung gayon tumatanggi ka sa tulong na iniaalok ko sa inyo? Ganun bah??"
"Oo ,hindi ko kailangan sapagkat naniniwala ako na isa ka lang sa anino ng kadiliman.." Tila naghahamon na tugon ni esmeralda
Natigilan ang babae sa narinig.
" at kapag hindi ka umalis sa harapan namin mapipilitan akong gamitin ang kapangyarihan ko sa yo..."iniangat ni esmeralda ang kanyang kanang kamay pinalabas ang kapangyarihang tubig..
" hindi,isa kayong..AAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHH..!!!!!!!!!!!!!" Sa isang iglap naglaho n parang bula ang babae..
Nagpatuloy ang dalawa sa paghahanap ng tamang silid ni irmah..
Ginamit ni elsa ang kanyang kapangyarihan upang mahanap ang tunay na pintuan sa silid ni irmah.
Ngunit nahirapan siyang tukuyin kung alin duon ang silid ni irmah sapagkat halos parepareho ang hitsura ng mga pinto ..
" panu natin malalamn kung alin dto ang silid ni irmah?" Tanong ni selya
Gamitin ang kapangyarihan ng mahiwagang salamin upang ipakita sa inyo ang katotohan..
Naalala ni esmeralda ang isang habilin ni aliyah..ang salamin!
" hanapin natin ang mahiwagang salamin sa silid na ito!"utos ni esmeralda..
At matagumpay nga nilang nahanap ang mahiwagang salamin..
Isa itong malaking salamin na may desenyo ng anyo ng isang demonyo.
Sa disenyo nito tila hawak hawak ng demonyo ang malaking salamin..
At sa paligid nito may mga anyo na nakaukit na mukha ng mga nilalang na nagmamamakaawa,umiiyak,at humhiyaw..punongpuno ng pighati ang mga anyo na nakaukit duon.
Paano natin gagahmitin yan?"tanong ni selya
Hindi umimik si esmeralda,bagkus,marahang hinaplos nito ang salamin..
Tila nabubuhay ang mga anyo sa disenyo ng salamin ng salatin ni esmeralda .
" salamin,salamin,salamin na makapangyarihan sa ilalim ng kapangyarihang dilim ipakita mo ang silid na hinahanap namin..!" Usal ni esmeralda..
Isang iglap ay tila may buhay ang misteryoso g salamin..ipinakita nitoang isang pinto sa dulo ng ng silid..
Yun ang tunay na silid ni irmah..

Aalis na sana ang dalawa ng makita nila ang mukha ni esmeralda sa repleksyon ng salamin..
" ikaw ang prinsesa esmeralda..! " nagsalita ang salamin
" oo ako nga ,salamin ,...lahat kayo nasa ilalim na ng kapangyarihan ni enferno..!"malungkot na sabi ji esmeralda
" ikinalulungkot ko prinsesa,wala akong nagawa..nasa ilalim na din ako ni enferno binago nya pati ang hitsura ko..ampanget ko.." Naluluhang sabi ng salamin
" hayaan ko salamin,ibabalik ko ang dating kapangyarihan ng kaharian natin..kailangan kong makausap si irmah ngayon..!"
" sana magtagumpay ka prinsesa..pero sa loob ng silid na yan maraming kamukha si irmah kailangan mong hanapin ang tunay na irmah..!
Yun lang at tumuloy na sa silid ang dalawa sa itinurong silid ng mahiwagang salamin
Nang nasa tapat na sila ng silid..natigilan si esmeralda
" paano natin makikilala ang tunay na irmah..?!"
" bahala na gagabayan tYo ng bathala..!"
Pinihit ni esmeralda ang seradura ng pintuan ng silid..
Pagbukas nya ..tumambad sa kanya ang nakakasilaw na liwanag sa loob..
Tumuloy sila ni selya sa loob..
Punong puno ng damo ang buong paligid
Tila maliit na gubat ang loob.
May maga mumunting puno na may bungang itim..
Sa isang sulok may nakaupo na babae.
Mahaba ang buhok nito
Itim na itim ang kulay
At tila nakatingin ito sa munting dagat.
Tila nga hindi silid ang pinuntahan nila kundi isang gubat..
"Irmah.." Tinawag ni esmeralda ang babaeng nakaupo..
" inaasahan na kitang paparito esmeralda..! " wika ng babae
"Halika lumapit kayo sa tabi ko.." Mahinahong utos ng babae..
Nang hahakbang na sila patungo sa babae..
Isang tinig ang narinig nila sa isang tabi.
" ako ang tunay na irmah..sa akin ka lumapit.
Isa pang tinig ang tumawag sa kanila
" wag kayong maniwala sa kanila ,ako ang tunay na irmah halikayo at lumapit sa akin"
Isa pang tinig
Isa pang tinig
Isa pang tinig
Di na mabilang padami cla ng padami
Lahat iisa ang mukha
Mukha ni irmah..
Sino sa kanila ang tunay na irmah??
Nang mapadako ang mata ni esmeralda sa isang irmah na nasa isang tabi
Napansin nya itong may anino at ang iba ay wala
Lumapit siya dto
" ikaw si irmah ang aking matalik na kaibgan..masayang niyakap ni esmeralda si irmah"
"Mabuti at nakilala mo ako kung hindi magiging isa ka sa mga kawangis ko dto.." Naiiyak na wika ni irmah..
Sa pagkakataong yun umalis na ang mga kawangis ni irmah nagtipon tipon cla sa isang sulok.
Halikayo sumama kayo sa akin..
Tumalima namng sumunod ang dalawa
Dinala sila ni irma sa isang sekretong silid.
" alam ko ang inyong pakay,prinsesa pero lubhang mapanganib para sa yo at sa ating kaharian ang gagawin mo..!" Nagaalalang sabi ni irmah
"Pero ikaw ang makakatulong sa amin..kailangan kita irmah upang maibalik ko ang ating kaharian!"
" ang prinsipe octavio nasa ilalim na ng kapangyarihan ni enferno isa na siyang alagad nito..binago ni enferno ang pagkatao nya at ganun din ang gagawin nya sa iyo..lubng napakapanganib ni enferno..kahit ako isa na nya akong alipin kaya siya lumalakas dahil ginagamit nya ang kapangyarihan ko..!"malungkot na sabi ni irmah
Tila nawawalan ng pagasa ang makikita sa kanyang mga mata
" wag kang mawalan ng pagasa irmah sabihin mo kung paano ko mapapalaya si octavio sa kamay ni enferno,nang sa ganun matalo namin siya"
Sasamahan kita sa kinaroroonan ni octavio ..pero katulad ng sinabi ko sa inyo,di nya kayo makikiklala at baka mapaslang nya kayo..!"nagaalalalng wika ni irmah
" nakahanda kami sa anumang mangyayare"
" kung ganun sapat na ang iyong tapang prinsesa upang magapi niyo si inferno nakahanda akong tumulong"..
" halina na kayo sapagkat konting oras na lang ang nalalabi at magalalaho na ang silid na ito at makikita ninyo ako uli dto sa sususnod na pagbilog ng buwan."
Nilisan nga ng tatlo ang silid na yun ..
Kasama si irmah ,selya at ricardo,Palihim silang pumasok sa isang silid nang mga bilanggong mandirigma.
Itinuro ni irmah kung sino sa kanila si octavio sapagkat nagiba na ang buong hitsura nito at pagkatao..
"Prinsesa kailangan mong pakipag pambuno kay octavio para maibalik mo siya sa dati nyang anyo!"
" ako na lang makikipagpambuno kay ama irmah..ngunit paano ko siya maibabalik sa dati?"
Kailangang maitarak mo ang punyal na ito sa kanyang puso nang sa ganun mapapalaya mo siya sa kapangyarihan ni enferno!"iniabot ni irmah ang mahiwang punyal kay ricardo
Binuksan ni irmah ang pintuan ng kulungan ni octavio
" sige pumasok ka na sana magtagumpay ka.."
" halina kayo kailangan nating umalis sa lugar na ito at baka maabutan pa tayo ng ibang mandirigma sana magtagumpay si ricardo bago pa mn dumating ang ibang mandirigma."..

SundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon