Prologue
Tahimik ang buhay mo. Ordinaryo, pero masaya.
Isa ka lang ordinaryong high school student.
> nag-aaral
> nag-uundergo sa changes
> naghahang out kasama ang barkada
> nagkakaroon ng problema
> napapansin
> narereject
> sumeseryoso at nasisiraan ng bait
> nagkakaroon ng mga kaaway
> may likes at dislikes
> may crush
> may kinaiinisang kaibigan, classmate or kamag-anak
> nagmamahal
KASO...
...dumating siya.
Nagbago ang buhay mo...
...pero sumaya ka.
Nung una, naiinis ka pa dahil andaming nagbago simula ng dumating siya, pero dumating ang panahon na narealize mong mas sumaya ka pala nung dumating siya.
Naging masaya kayong magkasama.
Kaso, dumating din ang panahon na binabawi na siya at kailangan na niyang lumisan.
Matatanggap mo ba?
Kakayanin mo bang mawala siya??
--------------------------
Introduction
Ako si Tristan, Tristan Navarro. Isa akong normal at ordinaryong 6th year high school student, anak ng mga magulang ko at kuya ng kapatid kong si Trixie. Si Trixie naman ay 3rd year high school na at nag-aaral kami sa parehong school.
Monday ngayon, first day ng second grading namin. Mga bagong lessons na naman ang pag-aaralan, at dahil may pasok, makikita ko na naman ang crush kong si Lalaine. Siya ang crush ko since magtransfer siya sa school namin nung 3rd year. Nung una, naiinis pa ako sa kanya dahil siya ang unang babaeng bumalewala sa kagwapuhan ko. Naaalala ko pa nga yun eh. First day ng 3rd year high school..........................
BINABASA MO ANG
I Fell in Love With the Ice Princess
FantasyNabubuhay ka ng tahimik at masaya, may mga problema pero nagagawan ng solusyon at higit sa lahat, ordinaryo. Paano kung dumating ang isang araw at bigla nalang magbago ang lahat? Pero sa pagbabagong nangyari, naging mas masaya at makulay ang buhay m...