Hey Guys! Sorry. Haha. Very Late ang update ko. Have been very busy po sa school eh. Patawarin niyo po ako. 12 hours po ang pasok namin. Huhuhu. XD
Eto na. Ang category po ng story ay fantasy romance. Pero wag po muna kayong maghanap masyado ng fantasy part. Yung fantasy part po kasi ay nasa may middle to end part po ng story. Importante din naman po ang non-fantasy part. ^__^v
Enjoy reading. :D
xxx-xxx-xxx-xxx-xxx
[Bernice's POV]
"Whaaat?!!!!Baliw ka na ba ha Tristan?!! Ano bang pumasok dyan sa kokote mong walang laman at gusto mong gawin yan?!" Hay! Eh ano ba naman kasing plano yon? Operation Crush-Mating daw? Eh hello!!! Nakakaloka naman yun!
"Hindi ako baliw! Eto na nga lang ang tinutulungan ayaw pa! Madali lang naman yun eh. Tutulungan kita kay Reinard at tutulungan mo ako kay Lalaine. Madali lang naman yyun diba? Kung gusto mo pa nga gawin nating competition eh, tutal naman gusto mong nakikipagkumpetensya sakin."
"Tss! Deserado! =____="
"Hoy hindi ah! Kung ayaw mo edi wag!" tapos tumalikod na siya at naglakad paalis.
Ano bang dapat kong gawin? Kung hindi niya ako tutulungan walang mangyayari. Eh bakit ba? Ano naman kung walang mangyayari?! Crush ko lang naman si Reinard diba? Eh crush niya lang din naman si Lalaine. Eh bakit ganun siya kadesperado? Bakit ako desperada din? Bakit ko ba iniisip to?! ARRRGGHH!!! Maloloka na talaga akooooooooooo! >o<
"Hoy Tristan sandale!" sigaw ko sa kanya.
"Bahala ka dyan!" sigaw naman niya pabalik sa akin habang patuloy na naglalakad palayo at ni hindi man lang samin lumingon. SAMIN. Teka, si Euricka nga pala.
Lumingon ako sa likod ko at nakita siyang nakalubog sa ilalim ng tubig at hindi gumagalaw. Tumalikod na ulit ako at tinanaw sila-- TEKA!
O_________________O
Waaaaaaaaaaaaahh!!!!!! >____________<
"Euricka! Naku babae ka! Uhm. Aaahh!!!!"
*Splash!*
"Waah!!! Buruborrburoberbarey. Ah! Berubumraberobarberobumburoooo!"
"Ah! Bernice ayos ka lang?" may nagsabi tapos inahon ako sa poo. Hinabol ko ang hininga ko pagkaahon niya. Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang aking kamay at tinignan kung sino iyon.
"Whoo! Salamat Euricka ah. Whooh! Akala ko malulunod na ako doon eh." pagpapasalamat ko sa kanya.
"Walang anuman Bernice. Sa tingin ko hindi ka naman malulunod sa ganong kababaw na tubig. Limang talampakan lamang ang lalim ng tubig." sagot niya sa akin.
"Ah, ganun ba? Haha. Pasensya na ha. Akala ko kas- Nyaa! Eh ikaw naman kasi eh! Hindi nga siya ganun kalalim, pero hindi ako marunong lumangoy noh! Lumusong lang ako sa tubig gawa mo! Akala ko kasi nalulunod ka! >o<" Eh kasi totoo nman eh. Lumusong ako sa tubig nung makta kong nakalubog siya sa tubig at hindi gumagalaw. Eh naisip ko kasi baka nalunod siya kaya ayun, lumusong ako at ako pa tuloy ang muntik malunod. >_____<
"Paumanhin Bernice ha. Sinusubukan ko lamang kung kaya kong manatili sa ilalim ng tubig ng matagal. Ipagpatawad mo sana kung naging dahilan pa ng iyong muntik na pagkapahamak ang aking nagawa." grabe straight tagalog lang huh? =____=
BINABASA MO ANG
I Fell in Love With the Ice Princess
FantasíaNabubuhay ka ng tahimik at masaya, may mga problema pero nagagawan ng solusyon at higit sa lahat, ordinaryo. Paano kung dumating ang isang araw at bigla nalang magbago ang lahat? Pero sa pagbabagong nangyari, naging mas masaya at makulay ang buhay m...