[Tristan's POV]
"Hoy Tristan gumising ka na dyan!"
"Ayoko pa po Ma!" sabay takip ko ng unan sa ulo ko. Nakakatamad pa ba naman bumangon. =,=
"Ikaw, nakapagbakasyon ka lang ah? Sa susunod hindi na kita papayagan. Pareho kayo ng tita mo, pasaway!" Hayy.
"Ma naman eh! Napuyat lang po ako."
"Bakit ka ba kasi napuyat?"
"Magkatawagan po kami ni Bernice kagabi, nagpapatulong kasi." at napahikab pa ako sa antok. ~o~
"Ah. Osige, matulog ka na ulit. Gigisingin na lang kita after 30 minutes." at umalis na si Mama sa kwarto ko. Anlakas talaga ni Bernice dun.
Pinag-usapan namin ni Bernice yung tungkol sa err, ambakla talaga pakinggan! Ako ang naaasar pag babanggitin ko yun eh. =,=
Napag-usapan namin yung Operation: Crush Mating na yun. Hindi ko na nga naintindihan ung ibang sinasabi niyia kagabi dahil sa antok ko eh. Puro kaartehan lang din naman yun. Basta ang naging plano na lang eh aalamin niya yung tipong lalaki ni Lalaine at aalamin ko naman yung mga gusto ni Reinard sa babae. Yun na lang daw muna sa ngayon. Mahigit kalahating oras kaming magkatawagan pero yun lang napag-sapan namin. Ang gulo niya kasing kausap! Makatulog na nga ulit.
- - -
"Hi Ma'am Ramos." bati ko sa teacher namin. Hinabol ko siya sa paglalakad. Buti na lang nakasabay ko si Ma'am sa hallway. Hindi ako late, ha!
"Hi Mr. Navarro. Good morning." nginitian ako ni ma'am. Si Ma'am talaga oh.
"Good morning din po Ma'am. Ako na po magbibitbit ng mga books na dala niyo :) "
"Thank you Tristan." tapos inabot na niya sakin yung mga books. Dadag grades 'to! Haha.
"Oo nga pala Tristan, kamusta na ang pagpaplano niyo sa play?" Malapit na rin kami sa classroom nang magsalita ulit si ma'am.
"Ayos naman po Ma'am."
Andito na kami. Nagsiayusan ng upo ang buong klase. Nakakatawa pala kami, napaghahalataan eh. Haha. Kinuha na sakin ni Ma'am yung books niya, "Thank you, Tristan." Tapos dumiretso na rin si Ma'am sa table niya at ako naman sa upuan ko.
Nag-greet lang kami kay Ma'am tapos discussion na, nga ba?
"Class, two weeks na lang at school fest na. Ia-announce ko ang mga events natin. First, ang pinaka-importante, yung play. Nung weekends lang napagmeetingan ng faculty ito eh, sudden changes. Dun sa play kukunin ang grade niyo sa periodicals at recitation ng second grading, so better do it well. Buong high school, faculty, pati na rin elementary school at kung sino ang bibili ng tickets ang manunuod. Second, magready din kayo ng booth. Kahit ano pwede. Kahit ilan din basta sa room niyio lang ang stall niyo. Pwede rin daw kayo magrent ng stall sa school grounds kung saan mas maraming tao, P100.00 for the whole week na yon. Third, may iba pang contests bukod sa play. Singing, dancng..."
Nagsalita a nagpaliwanag lang si Ma'am. Di na ako nakinig. Nakakaantok. -___-
"Hoy Tristan. Hihikb-hikab ka pa dyan. Tayo na raw."
"Anong tayo? Eh hindi pa nga kita nililigawan. *yaaaaawn*"
PAK!
"Aray!" sabay hawak ko naman sa batok ko, tsaka ko inangat ang ulo ko. "Lalaine naman eh. Tss."
"Ayan! Grabe nakakainis kaaaaa!! >///< " tapos nagpapadyak iya ng paa, nilagay ang kamay niya sa mukha niyang namumula at pumunta sa bilog ng mga estudyante. O bakit namumula yon? Makalapit na nga rin sa kanila. Tsk. -,-
![](https://img.wattpad.com/cover/4972505-288-k610312.jpg)
BINABASA MO ANG
I Fell in Love With the Ice Princess
FantasyNabubuhay ka ng tahimik at masaya, may mga problema pero nagagawan ng solusyon at higit sa lahat, ordinaryo. Paano kung dumating ang isang araw at bigla nalang magbago ang lahat? Pero sa pagbabagong nangyari, naging mas masaya at makulay ang buhay m...