Chapter 1: Impossible Story

122 2 1
                                    

[Tristan's POV]

Another ordinary school day. Papasok na naman kami sa school. Nag-aayos na ako ng sarili ko. Syempre kailangan magpapogi.

"Kuyaaa!!! Matagal ka pa ba dyan? Kanina ka pa nag-aayos tapos hanggang ngayon hindi ka pa rin tapos. Daig mo pa ang babae pag nagtagal sa banyo eh!" narinig kong sigaw ni Trixie mula sa may sala.

Sabay kaming pumapasok ng kapatid ko. Ewan ko ba kung bakit gustong pumasok ng kaaga-aga. Hindi naman siya madadrop sa school pag pumasok siya ng sakto sa oras or malate ng konti.

"Maghintay ka na lang dyan. Malapit na ako matapos."

"Kanina pa yang malapit mo eh. Aalis na ako."

"Trixie!"

Pero wala nang sumagot sa 'kin. umalis na nga siguro siya. Tinuloy ko nalang ang pag-aayos ko.

"Ma, alis na po ako."

"Sige, ingat."

Umalis na ako sa bahay. Hindi ko nga kasabay si Trixie kasi nauna na siya. Mag-isa lang akong naglalakad.

Tristan! Tristan sandal! Hintayin mo ako!

May narinig akong sumisigaw sa likod ko pero hindi ko maintindihan yung sinasabi kaya hindi ko nalang pinansin. Tuloy lang ako sa paglalakad.

Tristan! Hintay naman dyan.

Narinig ko na naman yung sumisigaw. Nagtaka na ako kung ako ba yung sinisigawan nun kaya lumingon na ako sa likod para tignan kung sino ‘yun.

Paglingon ko, may nakita akong lalaking papalapit sa akin, at pareho kami ng uniform. Siya yung kanina pa sigaw ng sigaw.

Tristan, kanina pa kita tinatawag eh. Buti naman lumingon ka na.

Sabi nung lalake habang papalapit sa ‘kin. Medyo naiintindihan ko na yung mga sinasabi niya at medyo nakikilala ko na siya. Siya si Peter Martinez. Classmate ko siya, ang weirdo kong classmate. Ganun na ba talaga ako kamalas ngayon? Iniwan ako ni Trixie kaya walang manlilibre sa akin ng pamasahe at ngayon, kasabay ko pang pumasok si Peter. Malas talaga! -_-

Bat naman hindi ka lumilingon kanina?” tanong niya nung makalapit na siya sa ‘kin.

Huh? o_O

Kanina pa kita tinatawag eh, hindi mo naman ako pinapansin.

Ahh. Ok.” Sabi ko in a cold tone tapos naglakad na ulit.

Pilit namang humahabol sa ‘kin si Peter pero di ko pa rin siya pinapansin. Masama na kung masama pero ayoko naman na magpakitang tao sa kanya. Hindi ko siya masyadong pinapansin simula pa talaga noon kasi hindi ko talaga siya ganun kagusto bilang kaibigan. Ayoko kasi sa mga weird na tao.

Sabay pa rin kami sa tricycle. Magkatabi kami. May mga kinikwento siya sa ‘king mga weirdong bagay. Hinahayaan ko lang siya at di pinapansin.

Pa’no kaya kung ‘tong mundo natin may iba’t ibang dimenyon pero eto lang talaga ‘yun lahat noh?

Hindi ko siya pinansin. Kinabit ko yung earphones ko sa phone tapos nagsoundtrip para di na siya marinig. Ang weird kasi talaga. Pati ba naman ‘yun naiisip niya pa sa edad niyang ‘yan?

Isipin mo ha. Fire, water, land, air, lightning and thunder, light, darkness and ice. Pa’no kung ang mundo natin ay nahahati sa mga dimensyon na yun? Tapos bawat isang dimensyon may mga kaharian at may pamilyang namumuno dun. Yung magiging totoo yung mga hari, reyna, princes and princesses. Ang astig siguro ‘nun noh? Tapos totoo din yung mga powers…….

I Fell in Love With the Ice PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon