Chapter 6: Ice Necklace

63 1 1
                                    

Late update. Very late. Napahaba masyado ang bakasyon eh. XD

Ayan na si Euricka. Anyayare kya? Di ko pa actually nabubuo yung plot eh. Pero tatapusin. Lol.

Basahin niyo po ah. :D

xxx-xxx-xxx-xxx-xxx

[Tristn's POV]

Second day na anmin sa resort. Start na kami sa pinunta namin dito, yung play.

"San ba magandang simulan yung play?" - Bernice

"Maganda siguro narrations muna noh?" - Reinard

"Oo, ganun nalang. Tapos habang nagnanarrate, nagsisimula na yung acting." - Laila

"Simulan natin sa Earth, ano bang magandang tawag na term dun?" - Lalaine

"Midgard." - ako

"Oo sige, yun nalang. Yun yung tawag nila Thor sa Earth diba?" - Reinard

"Oo." - ako

"Nice one bro!"

"Naman!" - ako

Tuloy lang kami sa paggawa ng plot. Nabuo na namin yung scenes 1,2 at 3. Yun ang magiging intro ng play namin. Mabilis lang din siya. Sinusubukan kasi namin na paikliin para hindi nakakabagot. An hour is enough sabi nga ni Laila. Maya-maya tinawag na kami ni tita. Magbreakfast daw muna kami, nagkape lang kasi kami kanina.

"Okay na ba yang play niyo?" tanong samin ni tita habang sabay sabay kaming kumakain.

"Ayos naman po. Nagawa na po namin yung intro. Diba guys?"

"Oo naman!" sagot nila.

Tinapos na rin namin agad yung pagkain. Tinuloy na namin yung ginagagawa namin. Nandun lang si tita sa loob, kami naman nasa may garden sa tabi ng pool. Si Euricka, hindi ko pa napapansin. Mya-maya, lumabas na si tita at naglakad papunta samin.

"Tristan, halika sandali, may sasabihin lang ako sayo." sabi ni tita tapos pumasok na ulit sa loob. Nagpaalam naman muna ako kanila Lalaine tapos sumunod na kay tita.

"Tita, ano po ba yon?"

"Tumawag ang tito mo kanina lang. We're going on a business trip for three months. Ngayon ko lang nalaman kasi hindi ko naman nai-check yung e-mail niya sakin last week. Tinawagan ko na rin ang mama mo at pumayag na siya. Sa inyo muna titira si Euricka habang wala kami."

"What?!? Pero tita, wala ba kayong ibang pwedeng pag-iwanan?"

"Wala na. Kayo lang ang mapagkakatiwalaan ko. Tinanong ko na din si Euricka, pinili niya kayo kaysa sa iba o kaya maiwan dito. Hindi ko rin naman siya maisama kasi business trip yon. Tristan, palagay ang loob sayo ni Euricka kaya sayo ko siya pinagkakatiwala. I've lost a daughter once, I hope that you would help not to let that happen again."

Hindi ko alam kung o-oo ba ako kay tita o hindi. Ang hirap naman kasi non. Pinag-iisipan ko pa yung sagot ko nung makita ko si Euricka na nakasilip samin mula sa may kusina. Kakaiba yung mga tingin niya, parang nangungusap. Napabuntong hininga naman ako tapos tumingin kay tit. "Sige po, ako ng bahala."

"Salamat Tristan ha."

"Eh kelan po ba kayo alis?"

"Bukas ng gabi."

I Fell in Love With the Ice PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon