CHAPTER 04- OFFICIAL NA BA?

3 0 0
                                    


Alex P.O.V

"Bes paki-batukan nga ako!" Utos ko sa kaibigan kong si Ellie.

Sabay binigyan niya ako ng isang malakas na sapok sa ulo napasigaw ako sa sobrang sakit

"Masakit?!" tanong niya.

"Masakit! Pero okay lang as long as nandito sa kamay ko yung singsing. Panigurado mahal ito siguro naman may halaga ito diba?" tanong ko kay ellie habang nakangisi.

Hey! Wait! Nasaan na yung singsing na ibinigay ni Christian sakin?! Ay wait... Huli ko naalala kinuha niya ang ring sa daliri ko tapos hindi ko na alam kung saan niya nilagay tapos itong cute na ring ang inilagay niya sa daliri ko. Tapos paulit ulit pa niya akong tinawag na Jea..

Bumalik ako sa katinuan ng sinapak naman ako ni Ellie. Tinignan ko siya ng matalim

"Nakatulala ka girl!" Kinuha niya kamay ko at itinaas sabay nguso sa daliri ko "Abnormal ka ba?! Bakit parang tuwang tuwa kapa na kasal ka? At bakit parang feel na feel mo yang singsing? Ano ba kasi pumasok sa utak mo at nagawa mo yun?! Sinsabi ko kasi sayo wag kang uminom ng sobra! Alam na ba ni tita yan?" lakas talaga neto makapag sermon akala mo naman siya yung nalugi.

Hindi naman sa natutuwa ako sa mga nangyayari gusto ko lang gumaan yung nararamdaman ko ayoko namang mag iiyak tapos hindi ko rin naman ito masusulosyonan.

"Hindi ko pa nasasabi baka magwala yun sa galit alam mo naman yun. Hindi pa nga niya alam na hiwalay na kami." malungkot na sabi "tapos sasabihin ko pa na nagpakasal ako at nag eme eme kami nung lalaki."

"Fine! Teka nga alam ba ng lalaking yun na umalis ka? Hindi kayo nag usap?"

Umiling lang ako.

Habang naliligo kasi yung Mattew pumuslit na ako at umalis sa bahay niya. Gulong gulo ako hindi ko alam kung anong gagawin ko. HELLO?!! FIST TIME KO YUN?! TAPOS HINDI KO MAALALA NA NAG-EME EME NA KAMI!! Ilang taon kung iningatan pagkakababae ko ito lang maganda kong regalo kay Christian kung sakaling matuloy ang kasal namin tapos biglang nawala sa isang gabe lang! Saka Kahit na maglulupasay ako sa kakaiyak hindi na rin naman maibabalik yung nawala sakin nakakainis!!

"Nako alexandra hanapin mo yung lalaking yun at mag-usap kayo! Paano kung mabuntis ka?"

"Gaga ka! Buntis agad?!" shuta bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Paano nga kung mabuntis ako? Hindi ko naman alam kung gumamit ba yun ng protection.

"Pwede ba Ellie!!" napasigaw na ako.

"Anyway, Itutuloy mo ba yang pagbuntot mo kay Christian?" umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang maletang nasa harap namin.

Tumingin ako sa kaibigan ko at parang humihingi ng tugon kung tama pa ba itong gagawin ko or hindi.

Napabuntong hininga ako, "Oo, sayang naman kasi itong binili kong ticket kung hindi ko siya susundan diba? Saka bukas pa naman alis niya."

Nabalitaan ko sa kaibigan niya na aalis daw si Christian ng bansa pagkatapos niya akong i-break aalis siya? Ano tinatakasan niya talaga ako? Walang explain explain layas agad? Tarantado talaga!

"Bes bakit hindi mo nalang muna siya puntahan sa bahay nila at saka kausapin mo siya."

Napatingin ako sa kanya.

"Alam mo tama ka! The best ka talaga mag isip bessy" napatango tango ako habang sinasabi yun, "Itong problema kung isa saka ko nalang proproblemahin."

Dali dali akong pumunta sa banyo at naligo. Pagkatapos kung maligo nagpaalam muna ako kay tita na aalis ako. Kahit si tita hindi niya alam na hiwalay na kami ni Christian si Ellie lang kasi pinagsabihan ko. Si Ellie lang din nakakita habang umiiyak ako siya lang din nakakita kung gaano ako nasaktan sa ginawa ni Christian.

To be continued...

Author's note:

That's me! Haha after 6 years?? Or 7 years? Hahaha naisipan ulit iupdate haha may naghihintau pa ba ng update neto??

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 27, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UNEXPECTED YOU (#PIB other side of story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon