CHAPTER 02- UNEXPECTED YOU
Alexandra POV
"Mam?" Tanong nung bartender sakin. Kahit hapding hapdi na ang mata ko at hirap na hirap ko itong idilat tinignan ko padin siya straightly.
"Bigyan mo ako ng alak."
"Anong klasing alak, mam?"
"Yung matapang! Yung kahit paulit ulit ka nang sinasaktan kaya mo parin harapin yung mga taong nanakit sayo!" Shit! Heto naman ako sa kakahugot ko. Natawa ako bigla sa naging reaksyon nung bartender. Ngumiti ako, "basta yung matapang, OK?"
Tumango na lang siya. Tumabi ako doon sa isang lalaking nakasubsob ang mukha sa table. May pinagdadaan din ata ito kagaya ko.
"Bigo sa pag-ibig?" Hindi ko na napigilan ang sarili. Napapikit ako sa kadaldalan ko. Aist, Alex kahit kailan ka talaga. Sana hindi niya narinig. Nagfefeeling close na naman ako. Nagfucos nalang ako don sa alak na binigay ng bartender.
Mattew's POV
"Bigo sa pag-ibig?" Narinig kong sabi ng isang babae sa tabi ko. Hindi naman sana ako titingin eh kaya lang bigla akong nacurious. Yung boses niya parang pamilyar. Dahan dahan akong nag agat ng tingin. Nanlaki ang mata ko at muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko.
Am I dreaming right? Impossible! Lasing lang siguro ako. Tama, lasing lang ako. That face... That face...
"Jea?" Mahina kong sabi. Akala ko hindi ito maririnig ngunit Mali ako. Lumingon siya sakin.
Nilapag niya ang bote ng alak sa table saka tumingin ng diretso sa mata ko.
My heart beating so fast. That eyes...
"Excuse me? Tinawag mo ba akong Jea?" Mataray nitong tanong.
"Jea, buhay ka." I was about to touch her face nang tinabig niya ito.
"Hey! Oo buhay pa ko! Himala nga eh, pagkatapos kong mahulog sa 77th floor, nasagasaan ng malaking truck at mapasabungan ng pinakamalakas na bomba himalang buhay pa ako at humihinga! At lastly hindi ako si Jea, Alexandra ang name ko pinagsasabi mo diyan! Hoy kuya, kung broken hearted ka ganoon din ako pero kahit gaano ko pa kamahal si Christian never ko siyang tinawag o nakita sa ibang tao!" Malakas na bulyaw niya sakin.
Out of nowhere parang nawala yung kalasingan ko sa sigaw niya. Pinagmasdan ko siya ng mabuti. Yung shape ng mukha nila ni Jea at yung mata magkapareho. Pero yung ilong hindi gaano, mas matangos kasi ang ilong ng babaing ito at medyo makapal ang labi niya keysa kay Jea. Mahaba ang buhok na medyo kulot at maputi ang balat nito.
I shake my head. Namalik mata lang siguro ako. Pero aaminin ko sa unang tingin may pagkakahawig siya kay Jea. Ano ba Mattew wag mong buhayin ang patay na sa ibang tao. This woman at si Jea magkaiba sila. Siguro namimis ko lang talaga si Jea at kani-kanino ko na siya nakikita.
"I'm sorry, may kahawig ka kasi." Nakayuko kong sabi.
"Ah ganon ba, Girlfriend mo?" Pag-uusisa nito.
"My Girlfriend, Ex and my kuya's wife."
Halatang nagulat siya sa sinabi ko.
"She's dead, they are dead." Malungkot kong sabi.
Sandaling tumahimik yung babae tapos mayamaya ba narinig ko itong napahikbi. Nataranta ako.
"Hey what's wrong?" Lumapit ako parang pakalmahin siya.
"I know you! Ikaw si Mattew! Tama, ikaw si Mattew nakita kita nung nagfans day ka, Ikaw yung nagsulat ng kwento ni Zean at Jea, right?! Nakakaiyak ang kwento nila!" Walang humpay yung pagiyak niya.
Napakamot ako sa likod ng ulo ko. Ang kulit niya. Napailing na lang ako at nilagok yung alak na iniinom ko.
Tumigil siya sa pag-iyak tapos hinarap ako sa kanya, "Bakit mo ko napagkamalan na si Jea kamukha ko ba siya? Magkamukha ba kaming dalawa?"
I rolled my eyes, "Medyo. Pero hindi siya madaldal kagaya mo. Mas cute siya kesa sayo."
She flip her hair. Bigla ako natulala sa ginawa niya lalo na nung ngumiti siya ng napakatamis. Why suddenly my heart beating so fast?
"Okay lang at least kamukha ko siya kahit medyo lang. I'm so proud kasi magkamukha kami HAHAHA!" Sabay tawa niya ng malakas.
At kung ano ano pa ang sinasabi niya. Napabuntong hininga nalang ako. Hindi ba siya titigil sa kakadaldal? Hinayaan ko na lang siya at hindi pinansin. Pinagpatuloy ko ang paglagok ng alak hanggang sa maramdaman ko na ang pagkahilo. Hindi ko na namalayan na nakikipagusap na ulit ako sa babaing ito.
"Ha? Bakit ka niya iniwan eh malapit na kayong magpakasal?" Lasing na lasing kong tanong.
"Oo! At alam mo ba ang pinakamasakit iniwan niya ako ng walang dahilan tapos aalis pa siya ng bansa!" Naiiyak niyang sabi sabay tanggal nung singsing sa kamay niya. "Minsan gustong gusto ko nang itapon ang ring na ito pero hindi ko magawa dahil hanggang ngayon mahal na mahal ko padin siya!" She continue crying.
Nakaramdam ako ng awa sa kanya. Tanga ba ang lalaking yun hindi niya ba alam na madaming tao sa mundo ang naghahanap ng pag-ibig at halos araw araw humihiling na makatagpo ng taong hindi sila lolokohin samantalang ang gagong yun nasa kanya na ang hinahanap ng lahat tapos pinakawalan pa. Susuntukin ko yun eh. Kinuha ko yung singsing sa daliri niya.
"Hey what are you doing?!"
"Palitan nalang natin." kinuha ko yung ring na itinago ko ilang taon na nakalipas. Ito yung promise ring na ibibigay ko sana kay Jea pero hindi ko na maibigay bigay. Hindi nga niya alam na bumili ako ng promise ring para sa kanya.
Kinuha ko ang daliri niya at sinuot ang singsing. "Wow sukat na sukat sa daliri mo Jea... Ang tagal kong itinago yan.."
Kumunot ang mukha niya.
Tinaas ko ang kamay ko at dahan dahan nilapit sa mukha niya sabay pinunasan ang luhang dumaloy sa pisngi niya. Nilingon niya ako tapos biglang huminto ang pag-iyak niya. Lumayo siya ng kunti. Lasing na ba ako? What the hell!! Nakikita ko na naman si Jea sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya palapit sakin. Niyakap ko siya ng mahigpit.
"Mattew ano ba ang ginagawa mo?" Mahina niyang bulong sakin.
"Sana ako nalang ang minahal mo. Kung sana minahal mo lang ako ulit hindi ito mangyayari sayo. Hindi ka sana mawawala sa tabi ko. Hindi ka sana nawala. Jea, mahal na mahal parin kita mababaliw na ako sa kakaisip sayo." I said while crying.
"Mattew?"
"Bakit kasi si Kuya Zean pa ang minahal mo ng ganon bakit kasi hindi nalang ako! Sana kaya kung sabihin sayo na okay na ako, na nakamove on na ako, kaso umaasa parin ako Jea hanggang ngayon umaasa parin ako." Nilayo ko ang sarili ko sa kanya at tinignan ko siya sa mukha. "How I wish nasa fantasy world tayo para mahiling kong buhayin ka para sakin."
"Mattew hindi ako si Jea." Pagpropotesta niya.
Napangiti ako. Alam ko naman na hindi siya si Jea eh gusto ko lang alalahanin si Jea sa kanya. Gusto ko lang sabihin iyon kay Jea.
Jea, nakikita mo ba ako ngayon? Nakikita mo ba kung gaano mo ako nasaktan. Hindi ka ba naawa sakin? Kahit wala ka na nasasaktan mo padin ako.
"Nabasa ko yung kwento nila, Mattew. Ayon sa sinulat mo sobrang mahal nila ang isat isa kaya sana huwag mo nalang pahirapan yang sarili mo—"
Pinutol ko ang iba pa niyang sasabihin. I gently kiss her.
To be continue..
BINABASA MO ANG
UNEXPECTED YOU (#PIB other side of story)
HumorMeron akong kakaibang naranasan nang wala ang dalawang taong pinakaimportante sa buhay ko. Karanasan na gusto kong ibahagi sa lahat ng nagmamahal sa kanila. Karanasan na kahit ako hindi ko kayang paniwalaan. Mattew. Other side of PERFECT IN BAD