SPECIAL CHAPTER- Jea & Zean Short side

76 7 6
                                    

SPECIAL CHAPTER- Jea & Zean Short side

Third person's POV

"Hoy Zean?! Tumigil ka nga! Ano ba! Nakakapikon kana ha?!" Sigaw ni Jea habang hinahampas ng sandok ang asawa niya.

Halos isang oras nang nakapulupot si Zean sa likod ni Jea habang nagluluto ito.

"Tss! Wag ka ngang maarte diyan, niyayakap lang naman kita eh!" Masungit nitong sabi.

Napangiti si Jea sa sinabi ng asawa niya kahit Hindi niya nakikita ang mukha nito alam niyang naka-pout si Zean at siya namang gustong gusto niya tuwing nagagalit ito. Kamuntik ng mapalundag sa kiliti si Jea nang hinalikan siya ng asawa sa leeg.

"ZEAN!!" Haharap sana siya upang kurutin ito sa mukha nang mas hinigpitan pa nito ang pagyakap sa kanya. Biglang lumambot ang tuhod niya. Sobrang bilis din nang pagtibok ng puso niya. Para bang hindi kahit kailan nagbago ang kakaibang feeling na nararamdaman niya para sa asawa.

"Jea," mahina nitong tawag sa pangalan niya. Hindi siya sumangot. "Masayang masaya ako dahil natupad lahat ng ipinangako ko sayo. Yung pakiramdam ko ngayon na pagkagising ko sa umaga ikaw ang nakikita ko, kasabay kong kumain sa tanghali at Gabe. Yung babaing kakulitan ko buong araw at yung babaing komukompleto sa bawat pagikot ng mundo.."

Dahan dahan siya nitong hinarap. Seryoso itong nakatitig sa mata niya.

Napapikit si Jea nang nilapit ni Zean ang labi nito sa noo niya.

"Ikaw yun Jea, ikaw ang babaing ginagawang special ang bawat oras ng buhay ko. Salamat."

Hindi na niya napigilan ang sarili malayang dumaloy ang luha sa mata niya.

"Sana habang buhay ganito parin tayo."

"We will Jea, alam mo kung bakit?"

"Bakit?"

"Dahil binulungan ako ni kupido na ikaw at wala nang iba ang forever ko. No matter what happened between us now I'm still be in your side. I will follow whenever you go, that's what dog do right?" Ngumiti siya sa asawa niya. He wipe Jea's tears. "I love you."

Niyakap niya nang mahigpit ang asawa. "Mahal din kita."

"Jea?"

"Uhmm.."

"Pwede mamaya kana magluto."

"Bakit?"

"Gawa muna tayo ng baby—Aray!"

Sa sobrang inis ni Jea kinagat niya sa dibdib si Zean dahilan para lumayo ito sa kanya. Masamang masama itong nakatingin sa kanya.

"Bakit ka ba nangangagat?!"

"Tantanan mo ko ha?!"

"Ayaw mo bang magkababy?" Naka-pout nitong tanong sa kanya.

"Hinayupak ka ZEAN CALVIN HARRIS! APAT NA YANG MGA ANAK MO DADAGDAGAN MO PA?! GUSTO MO BA AKONG MALUSYANG?!!"

Nag-cross arm ito at tinalikuran siya.

"Madamot ka!" Pahabol nitong sigaw.

"Abat!!"

Inis na inis niyang pinagpatuloy ang pagluluto.

A/N: Special chapter lang po ito sa lahat ng mga readers ko na hindi parin makamove on. Ginawa ko lang po ito para sa inyo.  Dami kasing nagtatanong sakin what if buhay sila? Meron ba silang anak? Salamat po ulit sa mga nagmamahal sa kanilang dalawa.

Follow me.

IG: @iamaryhs

UNEXPECTED YOU (#PIB other side of story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon