Alam kong maraming galit sakin.
Kagaya niya, isinusumpa niyo din siguro ako.
Yeah. I admit. I'm jerk. I'm stupid to let my love go. I'm stupid for letting her go.
I didn't want to. But I need to.
Buong buhay ko. Siya lang ang minahal ko. Siya lang ang nagpatibok ng puso ko.
Si Clyn lang. Wala ng iba.
That was 2 years ago, nung ipagkasundo ako sa anak ng business partner ng Daddy ko.
Of course hindi ako pumayag. Hindi ko siya kilala. Sino ba yung babaeng yun para pakasalan ko. Isang babae lang ang pinlano kong dalhin sa altar at makasama habang buhay.
"Whether you like it or not,you have no choice but to marry Mr. Choi's daughter."
"Dad! I can't. May girlfriend ako."
"Hiwalayan mo siya."
"Dad!!!"
"Will you obey me, or shall I make her family's life miserable? You know what I am capable of doing. I will do everything to ensure our company survives."
Hindi ko sinunod ang Daddy ko.
Pero tinotoo nga niya ang sinabi niya. Pinakulong niya ang Tiyuhin ni Clyn sa salang pagnanakaw. Yun na ang nagsilbi niyang tatay. Ampon siya ng mga ito. Pero hindi alam ng pamilya ni Clyn ang namamagitan samin.
Frame up ang nangyari na kagagawan din ng Daddy ko. Pinagbintangan niya si Mang Carlos. Madali niyang nagawa iyon dahil pinaimbistigahan niya ito at nalamang isa sa mga business partners nya ang employer ng Tiyuhin ni Clyn.
Kahit na naipakulong ng tatay ko si Mang Carlos, nagtuloy pa din kami ni Clyn sa relasyon namin. Hindi rin tumigil ang daddy ko. Until dumating sa point na naghire siya ng magpapahirap kay Mang Carlos sa kulungan.
Hindi ko matiis ang nangyayaring yun. Hindi ko din kayang makitang umiiyak si Clyn dahil sa sinapit ng ama amahan niya.
"Susundin na kita. Basta itigil mo na ang pagpapahirap sa pamilya niya. Siguraduhin mo lang na ligtas siya at ang pamilya niya."
Like what I thought, sobrang natuwa ang daddy ko, sinunod niya din ang hiling ko. Binigyan niya pa ng puhunan si Mang Carlos para makapag hanap buhay at inutusan niya itong lumayo na ng lugar.
That time, hindi ko alam ang gagawin. Balisa ako lagi. Hindi ko kayang iwanan si Clyn. Hindi ko kayang tapusin ang kung ano mang meron kami.
Hindi ko kaya. Pero dapat kong gawin.
"Ayaw sayo ng parents ko."Yan ang ibinungad ko sakanya sa dapat masayang date na inaasahan niya.
"What do you mean ayaw?"
She asked.
"Sorry Bee. I'm sorry." Tumayo ako sa swing na inuupuan ko at lumuhod sakanya.
I held her hands. Yun na yung huling araw na nahawakan ko ang kamay niya ng mahigpit.
"A--ano ka ba! B--bakit ka ba nagsosorry. Kaya natin to? Mahal kita. Mahal mo din ako diba?"
She's breaking down. Ayokong makitang nasasaktan siya.
Inangat ko ang ulo ko para magtama ang tingin namin.
Seeing her in pain, hurts me.
"Im sorry Bee. Magulang ko pa din sila. I need to follow them."
Yun na lang muna ang magagawa ko. Humingi ng tawad sa babaeng walang ibang inisip kundi pasayahin ako.
"Dahil ba ulila na ko? Dahil ba hindi mo ko kasing yaman? Yun ba yung dahilan kung bakit ayaw nila sakin?"
BINABASA MO ANG
Fate Changer
Подростковая литератураHer six-word love story reads: "She's moving on; he comes back." Is it possible to forget someone when love has disrupted the future you carefully built for yourself?