Sinadya kong gumising ng maaga kahit mamaya pang ala una ang pasok ko para kausapin si Tiyang Belen tungkol sa kapitbahay kong ma "L".
Oo. Ma-"L" sila.Alam nyo na siguro kung ano yun.
Siya ang may ari ng paupahang apartment na ito, ampon niya ko. Ewan ko kung nasan ang pamilya ko. Iniwan nila ko eh, so why bother finding them?
Siya ang nagpatuloy sakin dito, libre ang upa ko dito. Mabait ang pamilya niya sakin. Hindi ko nga naramdamang ampon nila ko eh. Binibigyan din nila ko ng pera, pang gastos lang, allowance ganun. Di ko kailangan ng tuition fee, scholar ako sa pinapasukan ko. HAH!
"Auntie! Auntie!"
Katok ko sa bahay ng tiyahin ko. Malapit lang din naman ang bahay nila sa apartment na tinutuluyan ko.
"Aba't ka aga aga eh nagsisisigaw ka diyan? Ano bang nangyayari Kling?"
"Auntie naman! Clyn nga ho. Pang matanda naman yang nickname niyo sakin eh!"
(Clin. Ganyan siya ipronounce. シ)
"Ikaw nga'y pumarine muna. Pasok dali. Nag almusal ka na ba? Parine't kumain, nagluto ang Tiyong mo ng sinangag."
"Naku, hindi na ho. Dadaan naman ho ako sa bakery pag uwi. Andito ho ako para magtanong tungkol dun sa ma L."
"Anong ma L ang sinasabi mo?"
"Ay. Naku Auntie! Ang ibig kong sabihin, dun sa kapitbahay ko. Yung sa pang apat na butas. Kailan ho iyon lumipat?"
"Ay oo nga pala! Nakalimutan kong sabihin sayo. Kahapon siya lumipat dyan. Ay kagwapong bata. At alam mo bang iisang school lang kayo pumapasok?"
Gwapo? Sex addict kamo!
"Talaga ho? Siya lang po ba ang mag isang nakatira dun?"
"Ay oo! Bumukod daw siya sa pamilya nya eh. Mukhang anak mayaman pa naman yon. Kagwapong bata talaga. Tanda ko pa nung kabataan ng tiyo mo, ganoon din siya kagwapo—"
Wala kong pakialam sa lovestory nilang korni.
"Ah sge na ho Auntie, may pasok pa ho ako."
Tatayo na sana ako ng magtanong si Auntie.
"Bakit mo nga pala naitanong ang tungkol kay BJ?"
So BJ is the name. Hah. As in Bastard Jerk hehe.
"Wala naman po, para alam ko kung pano ko siya pakikisamahan."
Oo naman! Pakikisamahan! Hah. Tengene.
"Mabuti naman. Tiyak magkakasundo kayo at iisa kayo ng school."
Ay oho! Sobra kaming MAGKAKASUNDO.
Ngiti na lang ang isinagot ko at tuluyan ng umalis.
Dumaan muna ako sa bakery para bumili ng pandesal.Bago ako pumasok ng bahay, tinignan ko yung apartment ng kapitbahay kong manyak.
"Kung pasabugan ko na kaya to ng bomba. O kaya bazookahin. O kaya sunugin. O kaya—"
"Grabe ka naman."
Napalingon ako sa kung san nanggaling ang boses na yun.
At sana hindi nalang ako lumingon.
"ANONG GINAGAWA MO DITO??! SINUSUNDAN MO BA KO?!!"
Sigaw ko sakanya.
"Excuse me ha, walang dahilan para sundan kita. Dito ko nakatira. Dyan oh."
Tinuro niya yung bahay nung kapitbahay kong manyak. Ibig sabihin—
"AHHHHHHHHH!!!!!"
"So Hi there my neighbor Clyn." nagwink pa siya sakin.
Ugh! ANG KAPAL NIYA EVER!!!
"Bwiset."
I run, inside my house.
Punyemas! Sa dami daming pwedeng maging kapit bahay ikaw pa?!!!
BJ?
Brace Joshua??!!!
Ikaw pa Brace Joshua Villanueva?!!
Pinaglalaruan ba ko ng tadhana!!!!
Hindi to nakakatuwa!
BINABASA MO ANG
Fate Changer
Fiksi RemajaHer six-word love story reads: "She's moving on; he comes back." Is it possible to forget someone when love has disrupted the future you carefully built for yourself?