F8 - Bitter echoes

11 1 0
                                        

"Tanga ka ba or what?!! Brace, pang 11th proposal mo na to ah! Ano ba! Wala pa ring improvement dyan sa mga program na pinapakita mo! Oo, hindi ako IT student, pero ako ang user nyang gagawin mong program. Isipin mo kasi yung madadalian yung user, yung hindi magiging kumplikado sakanya yung paggamit niyan, yung detalyado! Gamitin mo nga yang ulo mo! Hindi yan display lang dyan!"

I turned my back to him at sinimulan ulit yung ginagawa kong part sa project namin.

Wala pa din! Palpak pa din yung mga sinubmit niya. Ghaaad! Thursday na tomorrow and we need to submit that project Friday morning.

We're dead. >________<

"Ano ba kasi ang gusto mong mangyari? Nakakahiya na kay Clyde eh. May klase din yung tao. Buti nga napakiusapan ko siyang tulu--"

Napaharap naman ako sa kanya.

"So sinusumbat mo sakin Brace?!! Ikaw ang nagprisintang maging partner ko at kumuha ng IT student para sa project na to then isusumbat mo sakin?! Wow lang ha!"

"Hindi ako nanunumbat Clyn. Ang sakin lang, nakakahiya na kay Clyde. Hindi madaling magprogram."

"Eh di magkanya kanya na tayo! Magsusubmit ako ng akin! Magsubmit ka ng iyo. Nahihirapan ka pala eh! Pinapahirapan pala kita eh! Eh di ako na lang gagawa ng sakin! You can go. Paki lock na lang ng pinto."

Niligpit ko yung mga gamit ko para sa kwarto na lang ako gumawa.

"Give me last chance."

Para naman akong nabingi sa sinabi niya. Last chance?! Para saan?!

"Wow. Sinong nagturo sayo ng salitang 'chance' Mr.?"

"Beatrice pwede ba. Kahit ngayon lang. Kalimutan mo yung galit mo sakin. Wag mo ngang idamay yung school matters sa problema mo sakin. Alam kong malaki yung kasalanan ko sayo and I'm very sorry for that."

Medyo nagstiffen naman ako dun sa sinabi niya. Tinawag na din niya akong Beatrice seryoso na siya pag ganun. Pero hindi ako nagpadala.

"Fine. Last chance. Kapag bukas hindi ko pa din nagustuhan, magkakanya kanya na tayo."

~~

"May kilala ka ba sa IT?"

*cough cough*

"Charm! Ano ba!! Tubig oh! Napano ka ba?"

Nabulunan kasi siya.

"You mean, IT, Information Technology?"

"Hindi. Ixtra Terrestrial" -__________-

"Hahaha! ET yun bebs! Anyway, bakit mo natanong?"

"Sagutin mo nalang kasi! May kakilala ka ba?!"

"Relax! Oo. "

"Oh bakit nagbablush ka?"

"He-he. Anu ba teh!"

-_________________-

Nagbublush talaga ang luka luka.

"Tss. Iiwan ka din nyan!" Pang aasar ko.

"Wag mo nga kaming idamay sa sawing lovestory nyo ni Brac—. Eh bakit nga kasi nagtatanong ka kung may kilala akong IT student?"

"Basta. Baka kailanganin ko yan."

"Okay okay. Sge na. I'll go na."

Pumunta na din ako sa next class ko.

Nagulat naman ako ng lumapit sakin ang isa kong kaklase at inabot ang flash drive na may kasamang letter.

Umupo na muna ako bago ko binasa yung sulat.

"Clyn, sorry I wasn't able to attend our class today. May emergency lang sa family. Pero, I'll be home, mamayang 8PM. Kung may comments ka pa or suggestions, pwede mo kong kausapin. By the way, sobrang detailed na itong program na to. I make sure na talagang magiging komportable yung client natin na gamitin ito. Pwede mo siyang subukan. Seeyou."

Family emergency. Don't effin' care.

Haaaay. Bakit parang ambagal ng oras?

~~

Nagising ako dahil sa mga katok sa pintuan ng apartment ko.

"Eto na! Atat na atat! Sino ba yan?!"

"Oh? Problema mo?"

Sino pa ba?

"Tell me why?!"

"Ha?! I don't get you."

Derederetso siyang pumasok sa loob. Ako naman sinara ko yung pintuan.

"Bakit rejected pa din?!!!"

So nakita na nya yung note ko sa doormat niya.

"Kasi hindi ko gusto. Bakit ba? Stop being so dramatic. Hindi bagay sayo."

"Am I being dramatic? You're being immature Clyn! Anong klaseng dahilan yan? Just because you didn't like it? Yun lang?!"

"Ano bang gusto mong marinig?"

"Kung bakit rejected pa din yung 12th proposal ko sayo."

"Bakit gusto mong malaman yung dahilan?"

"For Christ's sake Beatrice! Grow up!"

"Just answer my question! Why d'ya need to know?!"

"Of course, I worked hard on it. Nageffort ako. Hindi lang ako, nang istorbo pa ko ng ibang tao para dyan. Pinagbuhusan ko ng oras at panahon. Ng pasensya. Now tell me, bakit rejected pa din?!"

"Sakit diba? Nag effort ka, nagpasensya, nagbuhos ng oras at panahon then rejected ka lang. Masakit ba?! NOW TELL ME! ANONG PAKIRAMDAM NG MAREJECT? NG MAGMUKHANG TANGA?!"

"You're out of the topic. Magkanya kanya na nga lang tayo."

Lalabas na sana sya ng hinarap ko siya sakin.

"Tatalikuran mo na naman ako?! Iiwan mo na naman ako ng ganun ganun na lang?! Sagutin mo yung tanong ko!!"

Nakatingin lang siya sakin. Wala kong mabasang kahit anong reaction sa mata niya.

Nagulat ako ng bigla niya kong niyakap.

At mas nagulat ako dahil hinayaan ko ang sarili kong yakapin niya ko.

"You don't know much I curse myself whenever I see you cry. Sorry Clyn."

Oh great. I'm crying.

After 2 years, heto ako umiiyak na naman sa harap niya.

Fate ChangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon