Aubrey Elyse Castro *POV*
Ng makarating kami sa condo ay dumiretsyo na ako sa kwarto ko para magpahinga pero hindi pa ako dinadalaw ng antok kaya hinimas himas ko muna ang tyan ko habang naka ngiti hindi ko alam kong ano ang mararamdaman ko dahil may nararamdaman akong saya at takot na diko maipaliwanag..
napaluha nalang ako habang hinimas ko ang tyan ko at napangiti, ano kaya ang magiging reaction ni kean pag nalaman nyang buntis ako? Magiging masaya ba siya o madidismaya natatakot man ako na baka hindi nya matanggap ang anak namin ay binaliwa ko nlang at maghahanda para sa graduation dahil iyon din ang araw na sasabihin ko kay kean na buntis ako sa anak namin haystt dami ko na tuloy ovethink..
Binaliwala ko nalang ang mga nasa isip ko at tiningnan ang tyan ko at hinimas himas ito may kakaiba akong nararamdaman na parang na eexcite ako sa pwedeng mangyari..
"Hindi naman siguro magkakaroon ng problema diba?"saad ko sa sarili ko, napahinto ako sa ginagawa ko ng may pumasok sa kwarto ko at si cyrille ito..
"Besh ayos kalang ba?"
"Ayos naman? Bakit mo natanong?"
"Hayst.. nag aalala lang ako"saad nito at hinimas ang tyan ko at napangiti naman ito..
"Hindi ko alam kong ano ang mararamdaman ko beshy, natutuwa ako dahil mag kaka baby kana pero pano ang pag aaral mo?"pag aalala nito saakin..
"Malapit na tayong mag tapos besh"
"Oo nga pero diba wala pa sa plano mong mag ka anak"tanong nito kaya tumango naman ako dahil totoo wala pa sa plano kong mag karoon ng anak pero wala na ako magagawa dahil andito na eh..
"Alam ko pero wala na ako magagawa andito na eh syaka ayaw ko naman ipalaglag ang anak ko dahil lang sa pangarap ko, pwede naman tuparin ang pangarap ko habang kasama ko ang anak ko"
"Haystt..susuportahan kita besh sa kung ano ang gusto mo"
"Salamat dahil hindi nyoko iniwan lalo kana dahil simula palang nung mga bata pa tayo anjan kana sa tabi ko pag may problema ako, ang swerte ko sainyo"unti unti akong napaluha dahil sa mga sinabi ko pero natawa lang sya ng mahina at pinunasan ang mga luha ko sa pisngi..
"Andito lang ako sa tabi mo palagi hindi kita iiwan kahit anong mangyari sasamahan kita sa lahat ng plano mo sa buhay, andito rin kami nila alia at luna at chielly para sayo"tuluyan na akong umiyak sa mga sinabi nito ewan koba mood swing ako siguro dala narin ito sa pagbubuntis ko..
"huhuhu beshy naman ihh"saad ko at niyakap naman ako nito at ramdam ko na tumulo ang luha nito..
"haystt ang drama na natin dito atsyaka tama na ang iyak makakasama yan sa baby basta mag iingat kana sa kilos mo dahil magkamali kalang ng kaunti baka mapano pa si baby"saad nito kaya tumango ako "sige na nga mag pahinga kana bawal ka mag puyat makakasama yan sa baby at syaka nga pala ako ninang ahh"natatawang saad nito kaya natawa naman ako.. kahit kelan talaga...
pinunasan ko naman ang luha ko at lumayo ng kaunti sakanya at tumayo naman ito..
"hahha oo na kukunin ko kayong lahat bilang ninang ng anak ko, sige na antok narin ako"
"Goodnight besh, goodnight baby sleepwell"saad nito bago umalis kaya inayos kona ang higaan ko bago humiga at pumikit na bago matulog..
--------
/*KINABUKASAN*Nagising ako ng bandang 8 ng umaga kaya tumayo na ako at ginawa ang morning routine at pagkatapos ay pumunta na ako ng kusina, hindi pa ako nakakarating ng kusina ay may mga naririnig na akong nag sisibangayan kaya nag taka ako ang aga naman ata nila magising samantalang dati ako pa nauuna sakanila..
"Ito kase bago yan bobo ka"
"Wow maka bobo mas mataas pa nga ang math ko sayo"
"Talaga ba? Bakit ilan ka sa math?"
"75-"
"Pfft 75 lang pala isa lang lamang mo noh"
"Kahit na makasabi ka ng bobo bakit matalino ka?"
"Bakit may sinabi ba ako?"di na ako makapag pigil at nilapitan na sila luna at chielly na nag babangayan haystt jusme aga aga ganito ang bubungad sakin..
"ANO BA TUMIGIL NA KAYO PAREHAS LANG NAMAN KAYO"sigaw ko sakanila kaya tinaasan nila ako ng kilay kaya tinaasan ko din sila aba di ako mag papatalo noh..
"Hoy! So sinasabi mong parehas kami bobo?"inis nasaad ni chielly na halos matawa ako dahil sa itsura nyang mala unghoy kong magalit HAHHA
"Wala ako sinabi kayo lang yun"
"Aba purket buntis ka-"
"Ano?"
"Bakit ilan ka sa math aubrey?"tanong sakin ni luna na parang nag hahamon..
"9-"
"Sige alis na ako may gagawin pa ako"
"Ako rin"saad nila bago umalis aba! Dipa ako tapos!
"Aba dipa ako tapos mag salita!"sigaw ko sakanila pero kinawayan lang ako ng mga walang hiya!
"Hayaan mona sila baka naalala nila na valedictorian ka kaya dika na nila pinatapos mag salita HAHAHHA"nilingon ko kung sino ito at nagulat naman ako kung sino ito..