Cyrille Cruz *POV*
Taranta at kabado ang nararamdaman namin dahil sa ng yari kita namin si aubrey na walang malay habang may dugo ang palda pero niisa walang tumulong kaya tinawagan na ni luna si jaiden at agad naman nitong binuhat si aubrey papuntang hospital..
Ng makarating kami sa hospital ay agad naman inasikaso ng mga doctor si aubrey at dinala na sa OR at balak pa sana namin pumasok pero pinigilan kami ng mga doctor..
"Bw!sit talaga!! Huhuhu sana walang mangyari sakanilang masama dahil kung may mangyari sakanila ay habang buhay kong sisihin sarili ko.."hagulgol na saad ko dahil hindi kona alam ang gagawin ko..
"Cy, wag mong sisihin ang sarili mo walang may kasalanan nito kundi sila hanna"iyak din na saad ni alia habang pinapatahan ako..
"D-diko na alam ang gagawin ko"
"Manalangin nalang tayo na sana walang mangyari sakanilang dalawa.."huling saad ni alia kaya tumango naman kami pero napahinto kami ng mag salita si jaiden..
"Anong bang ng yari kay aubrey?"saad ni jaiden at kita sa mga mata nito ang pag aalala, buti nalang ay si jaiden lang ang tinawagan at hindi ang ibang mga kaibigan nito, huminga muna kami ng malalim at tiningnan si jaiden ng mabuti..
"B-buntis si aubrey"utal na saad ni luna na ikina lakì ng mata ni jaiden..
"ANO!!, BAKIT? SINO? SINO ANG AMA?"medyo pasigaw nito, haystt oa naman nito tss..
"S-si..kean"saad pa ni alia kaya napa upo nang sa sahig si jaiden at napahilamos ng muka..sana naman wag nyang sabihin kay kean dahil kapag sinabi nya mananagot kami kay aubrey nito..
"Bakit hind nyo sinabi kay kean? Bakit hindi si kean ang tinawagan ninyo ha!? Si kean pala ang ama dapat sya ang una ninyong tinawagan dahil sya ang ama ng bata at may karapatan si kean sa bata"mahabang lintaya ni jaiden, sabagay may punto naman sya pero ayaw namin magalit saamin si aubrey..
"P-pleasee jaiden wag na wag mong sasabihin kay kean ang tungkol dito"hikbi na saad ni luna kaya nilapitan naman siya ni jaiden at niyakap.
"Pero anak ni kean ang dinadala ni aubrey kaya may karapatan syang malaman ang tungkol dito"
"H-hindi pwede"
"Aning hindi pwede?"kita sa mata nito ang pagtataka kaya wala kaming magawa kundi ikwento ang lahat sakanya at kita dito ang gulat sa mata nya..
"Hayst.. so anong gagawin ninyo itatago ang bata kay kean?"
"Parang ganun na nga pero hindi ibig sabihin nun nilalayo namin ang bata sa ama nito kundi ayaw namin ito mapahamak"saad ko..
"Hayst..kung ano ang desisyon nyo ay susuportahan ko nalang kayo at pumayag naman siguro si aubrey sa desisyon ninyo kaya wala ako magagawa dahil ina din si aubrey at inaalala nito ang kapakanan ng anak nila"mahabang saad nito kaya parang nabunutan kami ng tinik sa lalamunan..
"S-salamat jaide-"hindi na natuloy ni luna ang sasabihin nya ng bumukas ang OR at lumabas ang isang doctor kaya dali dali kaming lumapit dito na kinakabahan..
"D-doc kamusta po a-ayos lang po ba silang dalawa?"kinakabahang tanong ko at kita ko naman ang lungkot sa mata nito kaya unti unting nag sisilandasan ang mga luha ko at umiling iling,h-hindi pwede..h-hindi..
"Bakit po kayo lumuha? Actually okay napo silang dalawa pero please pakibantayan at alagaan po ng mabuti ang ina ng bata dahil once na manghina ang katawan ng ina ay pwedeng bumitaw ang bata sa tyan ng ina, sorry pala dahil sa naging reaction ko kanina pag labas ko at inakala nyo po tuloy na may ng yaring masama pasensya napo ahmm mauna napo ako"saad ng doctor kaya tumango nalang kaming lutang pero sa kalaunan ay bumalik kami sa dati dahil nag silabasan na ang ibang doctor at tinanong naman namin kung pwede na kaming pumasok at tumango naman ang mga ito..
Pagkapasok namin ay nakita namin ang kaibigan naming nakahilata at hinang hina kaya hindi ko maiwasang mapaluha ulit dahil sa kalagayan nito..
"B-besh please kayanin mo, alam kong naririnig mo ako kaya please kayanin mo para kay baby"umiiyak na saad ko habang yakap yakap ito..
"Aubrey mag pagaling ka ahh dahil aalis agad tayo para wala ng mananakit sainyong dalawa ni baby"saad naman ni alia
"Aubrey pangako hindi ko sasabihin sa mga kaibigan ko lalo na kay kean ang lahat ng ito, susuportahan ko kayong dalawa ng anak ni kean at gagawin ko ang lahat para lang maprotektahan ko kayo kaya mag pagaling kana"saad naman ni jaiden kaya napangiti nalang ako dahil kahit siraulo ito ay may mabuti rin pala itong puso..
Ilang araw na ang lumipas hindi parin nagigising si aubrey at umuwi muna si jaiden para kumuha ng mga gamit ng palihim para hindi sya mahalata nila kean at malapit narin pala ang graduation buti nalang nung bago maaksidente si aubrey ay tapos na ang exam namin dahil sinabay sabay na sa iisang araw..
Umuwi muna ang mga kaibigan ko para kumuha ng mga gamit namin dahil sabi ng doctor ay kapag nagising nadaw si aubrey ay bawal pa ito umuwi kaya kumuha ng mga gamit sila chielly at luna at kami naman ni alia ang naiwan dito pero bumili muna sya ng makakain namin at nakatulog na rin ako