Chapter 7

31 1 2
                                    

KHARL

"Hoy, porket birthday mo, iniinom mo na 'yang soju nang isang lagukan lang! Hindi ka naman mahilig maglasing, himala!" Sabi ni Clint.

"Shut up. 'Di naman 'to nakakalasing siguro. Ang sarap-sarap nga eh."

"Malamang, may yakult 'yan eh. Pero mapait talaga 'yan. At tsaka dahan-dahan hoy, nakakalasing kaya 'yan."

Yeah, I think he's right. Nagsisimula na ngang uminit 'yung dibdib ko. Pinagpapawisan na rin ako.

We are currently celebrating my birthday dito sa labas ng bahay, sa may bakuran to be exact. Malaki kasi ang space kaya dito namin naisipan mag-celebrate instead sa loob ng bahay.

Sobrang dami ng mga bisita, mostly mga friends ko and schoolmates na ininvite ko.

It's already 9:00 ng gabi at marami ang sumasayaw sa tugtug. 'Yung iba naman ay kumakain. 'Yung iba ay nag-uusap lang.

At ito ako, umiinom.

"Hey Kharl."

Napalingon ako sa tumawag sa'kin. Kaagad akong napatayo at ngumiti nang makita kung sino iyon.

"N-Nathalie. Upo ka." Sabi ko at kaagad na kinuha ang upuan sa kabilang table at binigay sa kanya.

"Thank you for inviting me. I really enjoy your party. Hindi na ako magtatagal kasi it's getting late na. I have a curfew by 10:00 tapos babyahe pa ako."

"Hatid na kita."

"No need. Nandyan 'yung sundo ko sa labas. Also this is your day, so you should enjoy. Happy birthday ulit. Best wishes especially this election. You will always have my support. Bye!"

"Hehe, thank you. Bye! Ingat ka!"

Pinanuod ko lang si Nathalie na lumabas ng gate hanggang sa hindi ko na siya makita.

Napatingin ako kay Clint at ang loko, ngumingiti nang mag-isa.

"Ano na naman?"

"Naks! Dumadamoves na 'yung Kharl namin!"

Napailing naman ako sabay natawa.

"Tarantado! Crush ko lang 'yun, 'wag mong bigyan ng ibang meaning."

"Sus! Crush o mahal? Imposible naman sigurong crush mo si Nathalie tapos mahal mo si Jesh diba? Dapat crush muna kay Jesh!"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Gago 'to ah?!

"Ayan ka na naman ha!"

"Ito naman, binibiro lang kita. Matanong ko nga, ba't ang sama-sama ng timpla ng mukha mo kanina nung puntahan kita sa loob ng mall? Nag-away ba kayo?"

"Hindi!"

"Sus! Hindi raw eh hanggang umuwi tayo rito kanina, bad mood ka pa rin. Wala naman akong ibang maisip na dahilan. So tama talaga ako?"

"Tss."

"Oh diba? Ang galing ko talaga manghula. Anong pinag-awayan niyo?"

"Alam mo, hindi talaga ako naniniwala nung sinabi mong 'introverts are good people' eh. Hindi lahat kasi 'yung isa, nasobrahan sa pagiging masama ang ugali!"

Natawa naman siya.

"Ang hilig mo namang magsinungaling. Ang bait-bait nga sa'kin ni Jesh eh. Nakita mo 'yun kanina? Ngumiti pa siya."

"'Yan na nga 'yung ikinaiinis ko eh! Ba't sayo ang bait-bait tapos sa'kin ang sama-sama? May gusto ata 'yun sayo eh."

"Bakla ba siya?"

Captivated by Your Introverted Personality Where stories live. Discover now