Chapter 9

44 5 0
                                    

KHARL

"Ayaw niya," sabi ko kay Anne habang naglalakad kasama siya sa gitna ng hallway ng building ng Engineering department.

"'Di mo siguro kinumbinsi. Dapat nilapag mo sana 'yung mga plataporma mo diba? Alam mo na, dagdag points rin 'yun para makumbinsi siya lalo."

"Ah basta ayaw niya. Hanap tayo ng ibang estudyante na babagay sa posisyon."

"'Yan ka na naman Kharl eh. I swear, malaking asset 'yang si Yeshua kapag nakuha natin 'yan sa party natin. Credentials palang, tinalo na tayo, hoy!"

Gaano ba karami ang credentials nung introvert na 'yun at gustong-gusto ni Anne na mapasali namin siya sa party namin?

"You did a background check on him again?"

"Ako pa ba? Academics palang, sigurado akong taob 'yang current rank 1 sa engineering department. Pinerfect ba naman 'yung quiz nilang 50 items last Friday sabi ni Fenrir. Ito pa, hindi lang academically nag-eexcel, pati sa music at arts, nag-eexcel din. Dagdag mo na rin ang martial arts, marunong 'yan mag-self defense kaya 'wag mong binabasta-basta. Kung credentials naman, jusko, taob 'yung plataporma natin sa mga charities at donations niya. Nag-wowonder tuloy ako kung gaano kasikat at kayaman 'yang Yeshua na 'yan. I can't seem to find any of his social media accounts."

So 'di pala basta-basta 'yung introvert na 'yun pero ang lakas kong magsungit-sungitan sa kanya kahapon? Eh siya nauna eh! I'm just giving his cold treatments back. Sarap nga sipain eh!

"Edi ikaw mag-convince sa kanya. Basta ayaw niya, 'yun ang sabi niya sa'kin kahapon," I said at naunang maglakad palabas ng building nila.

'Di naman siya sumunod kaya nagpatuloy nalang ako sa paglalakad. Sa kalagitnaan ng paglalakad sa field ay nakita ko na naman si introvert na naglalakad mag-isa.

May hawak-hawak siyang libro at mukhang papunta siya ng library.

'Di ba siya kakain? Lunch na ah?

Imbis na pumunta ng cafeteria ay nakita ko na lang ang sarili kong naglalakad at nakasunod sa kanya. Para akong stalker sa ginagawa ko. Lakad-tago kasi para 'di niya ako mahuli.

Sakto nga ako at nakita ko siyang pumasok ng library.

"Psst!"

Napalingon ako sa pinaggalingan ng boses na iyon at nakita ko si Fenrir na takang nakatingin sa'kin.

"Bakit?" tanong ko.

"Anong bakit? Ba't mo sinusundan 'yung kaklase ko?"

"Hindi ah! Papasok rin kaya ako ng library," pagpapalusot ko.

"Eh ba't ka nagtatago?"

"'Wag ka na ngang magtanong! Umalis ka nga rito!"

"Ay talagang aalis na ako. Uuwi ako since wala na kaming klase whole afternoon. Bye, Pres!" he said at naglakad na paalis.

So wala palang klase 'yung introvert na 'yun. Ano pang ginagawa niya rito? Diba dapat umuwi na rin siya?

Naglakad ako papasok sa loob at kaagad na nag-log in. Pumasok ako sa isang aisle at laking gulat ko nang makita siya roon na naghahanap ng libro. Kaagad akong nagtago sa kabilang aisle. Sana hindi niya ako nakita.

Ganoon lang ako hanggang sa nakita ko siyang naglalakad papunta sa isa sa mga table at isa-isang naglabas ng kanyang mga gamit. Mag-dradrawing ba siya?

Umupo ako sa sahig at tahimik lang siyang pinapanuod. Nakamasid lang ako sa ginagawa niya hanggang sa 'di ko namalayan na halos kalahating oras na pala akong nandoon. Kaagad kong naramdaman ang pagkalam ng sikmura ko.

Captivated by Your Introverted Personality Where stories live. Discover now