Chapter 5

13 1 0
                                    

KHARL

"Kharl, ano nga palang organization ang pinili nung Yeshua na 'yun?" Tanong ni Clint.

Sinamaan ko siya ng tingin. Anong sa tingin niya, kakalimutan ko na 'yung ginawa niyang pagtulak sa'kin kahapon?

"Nakikita mo 'to?" Sabi ko sabay pinakita sa kanya ang kamao ko.

"Eh sorry na. Katakot kasi 'yung tingin niya kahapon, wala man lang kaemo-emosyon kaya kaagad akong napatakbo paalis."

"So dapat mo akong itulak?"

"Libre nalang kita mamaya."

Kinuha ko ang ballpen ko na nakapatong sa arm chair at binato sa kanya.

"Aray!"

Sapul!

"Next time, eraser na ng white board ibabato ko sayo." Sabi ko at naupo.

Nakita ko naman siyang lumapit sa'kin dala-dala 'yung ballpen na binato ko.

"Dami nating pera ah? Sa dami-dami ng pwedeng ibatong ballpen, G-TEC-C3 pa talaga. Naks."

"Akin na nga 'yan!" Sabi ko at kaagad na kinuha sa kanya 'yung ballpen.

Tiningnan ko iyon at basag 'yung cap ng pen. Nang buksan ko ay nabend rin ng konti 'yung tip nito. Triny kong isulat iyon and as expected, putol-putol na 'yung sulat.

Buti na lang at malapit na maubos 'yung tinta. Bibili nalang ako ng bago mamaya.

"So anong organization ang pinili niya?"

"Red Cross." Bored kong sagot.

"Uy diba, nandun rin 'yung crush---"

Kaagad kong tinakpan 'yung bibig niya.

"Sige ituloy mo at babaon 'tong ballpen sa tagiliran mo."

"Napakabrutal mo namang Presidente! Nagbibiro lang eh!"

"Tss."

"So mag-aapply pa siya diba? Tamang-tama, open pa for application 'yung Red Cross. Hanggang mamayang hapon nalang sila mag-aacept ng applicants."

Kaagad na nanlaki ang mga mata ko nang sabihin iyon ni Clint.

"Shit!"

"Ha? Bakit?"

"'Di ko pala siya nasabihan kahapon na need niya munang mag-apply at mag-undergo ng training before maging fully member ng organization."

"Oh edi sabihan mo siya mamaya."

Na naman? Sigh. Sabi ko pa naman na ayokong magkasalubong ulit kami kaso ako naman 'yung kusang lumalapit sa kanya.

For a moment, parang ayoko na tuloy tumakbo ulit for President ng Student Council.

"Ikaw nalang kaya?" Sabi ko kay Clint.

"Hala, ba't ako? Nakita mo naman diba 'yung tingin niya sa atin kahapon? Katakot kaya!"

"OA mo. Normal expression niya lang 'yun. Hindi naman nakakatakot 'yun, sarap ngang sipain eh. Ang sungit-sungit."

"Oh edi ikaw ang gumawa. Ikaw inutusan niyan eh, iuutos mo pa sa'kin."

Napabuntong-hininga nalang ako. Minsan talaga, napapaisip ako kung bakit ako binigyan ng dalawang kaibigan na hindi maaasahan. 'Yung isa, walang pake talaga. Itong kaharap ko naman, sarap batukan.

Nagsimula ang klase namin. This time, I keep my focus na kasi baka lumipad na naman ang isip ko kagaya ng nangyari kahapon.

The class went smooth naman and it's time for our lunch break na. Magkasama kaming tatlo nina Clint at Arlo papuntang cafeteria para kumain ng lunch.

Captivated by Your Introverted Personality Where stories live. Discover now