Sierra
"Sweety, i have a gift for you" Biglang sabi ni tita kaya pareho kami ni jace napalingon sakanya.
gift again? every month na siyang nagbibigay sakin.
Huminto si tita at sinenyasan ang isa sa mga bodyguard niya na lumapit. May binigay ito kay tita na limang paper bags na may tatak ng boutique shop niya.
Pagkakuha ni tita ay inabot niya sakin ang mga paper bags. Ang dami naman nito.
Tinignan ko ang laman ng mga bags at nakita kong puro designer bags ito.
the heck? saan ko ilalagay itong mga bag? punong puno na yung cabinet ko ng mga gift nina tita at mom ng bag at kung ano-ano pa.
"uh tita–"
"Sweetheart, you can't say no to this. If you refuse my gift, I will tell to your mom na pinag hintay niyo ako ng sobrang tagal!" pananakot ni tita.
"Eh tita akala ko po ba kakadating niyo lang din nung dumating kami?" Nagtatakang tanong ni jace.
Slow talaga minsan 'to halata namang nananakot lang si tita.
"Oo nga pero kapag hindi tinanggap ni lexine ang mga regalo ko sa kanya ay sasabihin ko talaga na pinaghintay niyo ako" Nginisian ako ni tita at pinagkrus niya ang dalawa niyang braso sa dibdib niya.
Mag bestfriend nga talaga sila ni mom parehong makulit.
"But tita, my cabinet is already full. I don't know where to put all these gifts you gave me." i seriously said.
Halo mag bagsakan na kasi yun mga bag sa cabinet dahil sobrang dami na talaga konti lang naman yung nagagamit ko dahil yung mga gift na binibigay nila ay makukulay. I hate colorful things kaya laging black, grey and white lang ang ginagamit ko.
"Your mansion's walk-in closet shelves are huge, aren't they? So how can it be full? When I last visited, there was a lot of space. Don't try to lie to me, dear. kukurutin ko talaga singit mo!" hindi pala alam ni tita na hindi ako tumutuloy sa sarili kong bahay.
"Uh hindi napo ako tumutuloy sa bahay ko tita" anas ko.
"But why?"
"It's too big for me tita, ako lang naman ang laging nandon plus the maids and bodyguards" paliwanag ko.
Masyadong malaki yung bahay na'yon para sakin lalo kung ako lang ako titira. Ayon ang regalo sakin ni mom nung 17th birthday ko dahil gusto niya maging independent ako.
gusto niya maging independent ako pero every week siyang nag tatransfer ng pera sa bank account ko.
Sinabihan ko siya na wag na mag bigay ng pera at mag tatrabaho nalang ako pero mapilit siya.
"Okay. So,where are you living now so I can visit you and see if the place you're staying in is safe." Malambing na tanong ni tita.
Sinabi ko sa kanya ang address at agad naman niya itong nilagay sa note ng phone niya. May pagkamalilimutin kasi si tita minsan.
"Mag papadala nalang ako ng cabinets sa tinitirhan mo okay? I'll order tomorrow some furniture for you. Ibigay mo sakin ang mga listahan ng gamit na wala kapa" Agad akong napatingin sa kanya. Mag papadala daw siya?
YOU ARE READING
Crimson Academy: The Only Girl In Last Section (Slow Update)
Jugendliteratur"I love to hear lies when i already know the truth" - Sierra Lexine Carter Ragucci