CHAPTER 37

240 19 6
                                    


Sierra

He's just messing with you, sierra.

Wag ka masyadong umasa baka pinagtitripan ka nanaman ng kupal na'yon.

Tangina! Bakit kasi bigla siyang umamin? nakakagulat.

"You alright? You're sweating." Napalingon ako sa likod ko ng may marinig akong mag salita.

"Yes. Medyo naiinitan lang" Sagot ko rito.

"Here.Wipe your face."  He holds out his handkerchief without looking at me. He's looking at the book.

"I'm good. Thanks though." Pilit lang akong ngumiti sa kanya.

"Okay." Tinalikuran niya na ako at bumalik sa upuan niya.

May nagbago sa kanya. Napapansin ko na naging tahimik siya hindi na rin siya gaano sumasama kila kale. kanina lahat sila ay nasa baba pero siya lang ang nandito sa taas.

Pero parang may nakita akong nakadungaw sa taas ng building kanina sa mismong floor ng classroom namin. Nakatitig lang ito samin. Hindi ko nakita ang mukha niya dahil nasisilaw ako sa araw pero ng papasok na ako sa building at tinignan ko ulit ay wala na ito. Imposibleng si elliot iyon dahil tulog siya ng dumating kami.

Pero sino kaya 'yon?

UWIAN na ngayon at palabas na ako ng school ng may humarang sakin. Ano nanaman kailangan nito?

"What now?" Inis na tanong ko kay hendrix.

Naiinis na ako sa kanya dahil kanina pa siya nangungulit sa classroom. he's clingy as fvck! Umamin lang sakin ay panay na ang dikit at kapit akala mo naman ay tinanggap ko ang confession niya.

"I- I just want to ask you something" Mahinang ani nito. Taena hindi ako sanay ng ganto 'to mas maganda pa yata yung lagi siyang galit hindi yung ganto na para siyang isang babae na aamin sa crush niya.

"Okay."

Hinawakan ako nito sa braso sabay hila saakin papuntang parking lot.Nang makarating kami sa gitna ay binitawan niya na ako. Tumingin ako sa palagid namin at nakita kong may mga students pang nakatambay dito, pinagtitinginan pa kami ng iba. Makita ba naman nila ang SSG President nila na may hinihilang babae eh.

Balita ko kasi sikat sa mga babae ang  lalaking ito kaya lahat ng babaeng nakatingin sa'kin ngayon ay mga nanlilisik ang mata, ang iba naman ay halatang curious kung bakit ako hila hila ni hendrix.

Ayaw pa magsiuwi eh. Mga chismosa.

Ilang segundo kaming tahimik at nagtitigan hanggang sa umiwas na siya ng tingin at nag salita.

"So," he started, he clear his throat. "About what I wanted to ask you..." Nakayuko siya habang nag sasalita kaya hindi ko alam kung ako ba ang kinakausap niya o yung bato sa lapag.

"I... I wanted to ask if..." He paused. Umubo nanaman siya."If I could...court you."

Eh? Kakaamin niya lang kanina ah ngayon manliligaw na siya?

Matino paba 'to? Ang sabi ko ay pag-isipan muna niya ang nararamdaman niya sakin dahil baka nalilito lang siya. Ang weird lang kasi..

Galit na galit siya sakin last week at kung ano ano pang pantitrip na ginagawa niya sakin, tapos sasabihin niyang gusto niya ako? Weird.



I admit that i have a crush on him but it's just a crush. Hindi ko alam kung mag iimprove paba 'tong nararamdaman ko para sa kanya. Crush ko lang naman kasi siya dahil gwapo siya.

Crimson Academy: The Only Girl In Last Section (Slow Update)Where stories live. Discover now