𝑷𝒓𝒐𝒏𝒐𝒖𝒏𝒔 (𝑪𝑯𝑨𝑷𝑻𝑬𝑹 𝑻𝑾𝑬𝑵𝑻𝒀-𝑺𝑰𝑿)
YOU DO NOT DESERVE an unhealing version of someone, nor do they deserve an unhealing version of you. Work on yourself, your trauma, and your insecurity in order to become the best version of yourself. So, when you love someone, you don't bring any unresolved pain that could be passed on to them.
What can a broken glass do when someone tries to touch it?
This is not about the broken glass.
A heavy sigh escaped my lips as I tried to reach for my phone on the side table of the couch. I just woke up in the middle of the night for the reason that my whole body feels so heavy.
"Darn it…" Napahawak ako sa ulo pagka-upo pero ilang segundo lang ay napabalik din sa pwesto ko kanina
Freaking hell! My head hurts like it's gonna break in half or something.
"Mizhie? You look…..miserable. Sabi ko naman kasi sa'yo, tabi na lang tayo sa kama. Bakit ba gustong gusto mo jan sa sofa?"
"Arghhh…My head. Pakitanggal ng ulo ko, ma'am." Reklamo ko kay Ms. Ang habang tinatakpan ang mukha ko ng unan.
Angas angas ko pa kahapon na hatakin si Miss Ortega sa gitna ng ulan. Tapos ngayon parang gusto ko na lang magpa-baby…..ay mali.
"Remove your head? If I can, I would." Umupo ito sa gilid ng sofa at sinipat ang noo ko. Tumango tango pa ito bago ako pinitik sa noo nang mahina. "Ahuh! Fever. See? Ligo pa more sa ulan akala mo ata waterproof ka. Ano bang pumasok sa utak mong bata ka? Ayan na nga ba ang napapala mo kakaselpon!"
"Mom??? Is that you???" Napahawak pa ako sa dibdib dahil dinaig pa niya ang mga nanay sa buong pinas.
"Mommy's going to take care of you. Come here, come here." Malambing niyang usal bago ako hatakin palapit sa kanya.
Wow, ganap na ganap hah?
Aangal pa sana ako ng mas lalo niya akong niyakap kaya nakaramdam ako ng malambot na *toot* sa bandang pisngi ko.
"M-Miss Erich, yung a-ano niyo miss." Nanghihina kong sabi bago napapikit nang madiin.
Nanggugulat naman kasi siya ng ano! Yakap!
"Such a cutie. I knew it! You're also in my team." She laughed and hugged me tighter, which made me feel anxious even more.
"Anong team?" Dahan dahan akong kumawala sa yapos niya.
Umusog pa ako nang kaunti dahil sa tingin ko ay may binabalak na naman siyang hindi maganda.
"Rainbow team~" Excited niya pang hinampas ang balikat ko pero ako naman itong slow na hindi magets yung sinabi niya.
Ah, basta! Sumakit pa lalo yung bungo ko.
"Rainbow team? Ano yan Power rangers?"
Chineck ko ang oras sa hawak kong phone, 1:00 A.M pa lang ng gabi and guess what? huling araw namin dito sa beach resort.
"What's power rangers? Is that the one who's repairing the electricity?" Para naman akong naputulan ng ugat sa utak (oa) sa tanong ni Miss Erich. Pati ako napaisip eh. Oo nga naman.
"Ma'am? Electrician yun….."
Paglilinaw ko at saka humiga ulit sa sofa dahil ako ay nilalamig, nahihilo, nalilito, asan b— wait parang iba na 'yun.
"I'm just kidding, Mizhie~ Stay there! Kukuha kitang gamot sa bag para mabawasan sakit ng ulo mo." Paalam nito na kinatango ko na lang.
"Ma'am, bakit hindi kapa natutulog? Gabing gabi na ah."

BINABASA MO ANG
Pronouns
Lãng mạn𝐏𝐫𝐨𝐧𝐨𝐮𝐧𝐬(2023) 𝑻𝒚𝒑𝒆 𝒐𝒇 𝑹𝒐𝒎𝒂𝒏𝒄𝒆: 𝑫𝒂𝒓𝒌 𝑹𝒐𝒎𝒂𝒏𝒕𝒊𝒄𝒊𝒔𝒎 similar to when the soul admires something. the heart has been healed, and the eyes had more radiance, at all the stars in the universe. [𝑊𝑅𝐼𝑇𝑇𝐸𝑁 𝐼𝑁 𝑇𝐴𝐺...