𝑷𝒓𝒐𝒏𝒐𝒖𝒏𝒔(𝑪𝑯𝑨𝑷𝑻𝑬𝑹 3)
LUNCH BREAK, which is why me and Yumi are arguing about where we're going to eat for the reason that we have 5 hours vacant until our next subject.
"Sa cafeteria nalang kasi bakit ba ayaw na ayaw mo kumain dun? Ako na bahala sa tindera nilang masungit guhit lang naman kilay."
"Wala akong issue sa cafeteria natin. It's the people, para bang wala akong privacy." Napahikab naman ako habang nilalagay ang bag ko sa locker.
Tatlong oras lang yung tulog ko kasi inoverthink ko pa ang mga nangyari sakin kahapon.
Why didn't I realize that she was a professor???
Now I feel guilty about calling her a 'brat'. Well, it was just an unexpected meeting, so I hope that I never see her again.
"Puyat hah, nga pala mare yung charger ko palang hiniram mo akin na. Maawa ka naman sakin one month na yun sayo."
"Wait, hanapin ko." Sinimulan kong buksan ang zipper ng bag ko, pero ayaw magpakita ng bwesit na charger niya.
Nasa kalagitnaan ako ng paghahanap sa loob ng pencil case ng may bigla akong maalala.
"Oh shoot...." Napakagat ako sa labi.
"Don't tell me nawala mo yung charger ko? Paano mo nawala yung gamit na pinahiram ko sayo kasi may tiwala akong mababalik mo sa akin uli yun hah. Alam mo bang hiniram ko lang din yun kay ate last year pa at ngayon hinahanap niya na? Ab---"
"You're so dramatic, Yumi. Naiwan ko lang naman yung charger mo." Sa office ni Dad.
Hindi na pala yun yung office niya kasi iba yung naka assign dun si ano na-----
Wait a goddamn minute... What the hell! Did I just leave my bag in that woman's office?
Nalakasan ko ang pagsara ng locker.
"Hindi ka naman nagdadabog noh? Sige gusto mo sayo nalang e. Understanding naman si ate malakas ka dun."
"By the way, Yumi. May kilala ka bang Professor Ortega sa Accountancy Department?" Tanong ko sa kanya na hindi pinag iisipan na napakarandom pala nung sinabi ko.
"Wait isipin ko, bakit mo pala natanong?" Nasa kanya charger mo kunin mo nalang.
As much as I wanted, ayoko munang makipag interact dun dahil laging siyang nasa beast mode pag kausap ako.
"Well, I---" Naputol ang sasabihin ko ng bigla niyang ihagis yung phone niya sa akin at buti na lang nasalo ko ito.
"Mizhie 5 minutes! Cr lang ako." Patakbo itong umalis at parang kanina niya pa ata pinipigilan yung ihi niya.
Ayan! kaya siya may sakit sa bato.
Binuksan ko uli ang locker ko dahil nakalimutan ko palang kunin yung wallet ko.
"Pre anong balita? Kayo naba nung pinopormahan mo sa Medtech?"
Napatigil ako sa paghahanap dahil sa mga dumaang students sa likod ko.
Naramdaman kong tumigil sila sa halos katabi ko lang na locker ang mga ito pero hindi ko nalang pinansin at hinanap uli yung wallet kong ngayon pa talaga nakipag taguan sa'kin.
"Ewan ko ang labo niya rin e. Sinusubukan niya kasing maging hard to get alam ko namang bibigay din siya agad." Narinig ko namang nagtawanan ang mga ito sa sinabi nung isa.
"Sigurado kaba jan? Baka sa huli ikaw pa yung talo Marky. Napakabagal mo jackpot ka dun!"
Hindi ko naman sinasadya na marinig ang usapan ng mga ito pero ang iingay kasi nila kaya imposibleng magpatay malisya ako.
BINABASA MO ANG
Pronouns
Romance𝐏𝐫𝐨𝐧𝐨𝐮𝐧𝐬(2023) 𝑻𝒚𝒑𝒆 𝒐𝒇 𝑹𝒐𝒎𝒂𝒏𝒄𝒆: 𝑫𝒂𝒓𝒌 𝑹𝒐𝒎𝒂𝒏𝒕𝒊𝒄𝒊𝒔𝒎 similar to when the soul admires something. the heart has been healed, and the eyes had more radiance, at all the stars in the universe. [𝑊𝑅𝐼𝑇𝑇𝐸𝑁 𝐼𝑁 𝑇𝐴𝐺...