𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 14 (𝐂𝐋𝐀𝐒𝐒 𝐑𝐔𝐋𝐄𝐒)

5.3K 203 63
                                    

𝑷𝒓𝒐𝒏𝒐𝒖𝒏𝒔 (𝑪𝑯𝑨𝑷𝑻𝑬𝑹 𝑭𝑶𝑼𝑹𝑻𝑬𝑬𝑵)

MUNTIK pa akong madulas sa hagdan dahil sa pagmamadali ko. Fifteen minutes na kasi akong late dahil pumunta pa ako sa clinic para ipagamot yung sugat ko sa noo.

"HOY! Mizhie bawal tumakbo sa hallway anak ng---!!" 

Sigaw sa akin ni Bailey pero hindi ko na ito pinansin pa at dire-diretsong nagtungo sa building ng College of Science kung nasaan ang room for next orientation ng subject.

Kumatok ako nang dalawang beses at naghintay na pagbuksan ako, ilang sandali pa ay bumukas na ito at hinarap ako ng isa sa mga magiging professor ko ngayong semester.

"You're late..." she pointed out bluntly.

"And you're beautiful." Binigyan ko ito nang nakakalokong ngiti at sumandal sa pinto.

Nakarinig naman ako ng hiyawan mula sa mga tukmol sa loob kaya bigla akong nahiya at napaalis sa pagkakasandal.

"Tss, stupid." Bulong niya bago tumalikod sa akin at naglakad na ulit papuntang table sa unahan.

"Let's move on to the class rules..." We watched as she switched the next page of her PowerPoint presentation to reveal her class regulations.

"Tabi nga tayo Mizhie "Rizz" Dela Haye." Biglang sumulpot sa tabi ko si Yumi na may kinakain na fries. 

"Rule no.1…. DON'T BE LATE." Tinignan ako nito kaya bigla akong napaayos ng pwesto mula sa pagkakaupo. 

"I'm not going to adjust my schedule to meet the needs of anyone. If you miss three classes, you're dropped from my subject. Ten minutes late is considered absent." Matalim ako nitong binalingan nang tingin kaya kinuha ko yung notebook ni Yumi at hinarangan ang mukha ko.

"Alam mo po ba na late ka rin po ng 10 minutes kanina Professor Ortega?" Natigilan si Miss nang biglang sumabat si Yumi sa kanya kaya nabatukan ko ito. 

Kokontra pa eh, gusto pa naman ng isa na ito na palagi siyang tama.

She cleared her throat and defend herself. "I'm not late…maaga lang kayo."

"Sabi ko nga po hehe." Napahimas sa batok si Yumi habang ako ay napangisi nalang habang pinapanood siyang ilipat yung slide.

"The next rule is simple. No phones allowed during my class for the reason of….You have something to say, Ms. Dela Haye?" Tinaas ko ang kamay ko dahil sa sunod niyang sinabi.

"Some of my classmates are working students, ma'am. What if they get a call from work? Can they leave the class?"

"No. Especially when we have discussions, quizzes, and activities......you can't leave this class." I noticed my students murmuring to one another as a result of what she said, so I spoke up to defend what they believe. 

"That is unfair ma'am because they will have the possibility of getting into trouble at work. Some of them need to earn money to provide for their needs, and I believe that some kind of job will not interfere with their study in your subject." I looked at her and noticed how she smirked at me.

"Are you arguing with me?" Nilagay nito ang dalawang kamay sa itaas ng table pagkatapos itupi ang long sleeves niya hanggang balikat.

"I'm willing to discuss this with you for as long as it takes until we get this resolved, Ma'am...I'm not arguing with you." Marahan itong napatango at dahan dahang naglakad sa harap ko.

"Very well said. Who among you are working students right now?" Nagtaasan naman ng mga kamay ang iba sa mga ito. 

"Ten? Is that all? Because if it's just a small count I'm not going to...." Dahan dahang ko ring tinaas ang kamay ko kaya napatigil ito.

PronounsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon