𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 25: (𝐑𝐀𝐈𝐍)

2.7K 89 18
                                    

𝑷𝒓𝒐𝒏𝒐𝒖𝒏𝒔 (𝑪𝑯𝑨𝑷𝑻𝑬𝑹 𝑻𝑾𝑬𝑵𝑻𝒀-𝑭𝑰𝑽𝑬)

KANINA pa ako rito nakatulala habang pinapanood na maglaro ng volleyball ang tatlo kong kasama sa tabi ng dagat.

"Naloko na." Napasabunot ako sa sariling buhok habang iniisip ang nangyari kagabi.

Paano ako magpapaliwanag nito kung kaninang umaga pa niya ako iniiwasan???

Sinubukan ko naman siyang kausapin kanina pero ang sabi lang ni Kelly ay lumabas daw ito ng maaga at hindi niya alam kung saan ito pumunta.

"I'm a dead meat....gosh..." Kinuha ko ulit ang phone ko at tinawagan ang unreachable na phone ni Miss Ortega.

"MIZHIE!!!"

Bago pa ako makareact ay may tumamang matigas na bagay sa mukha ko na bahagya kong kinaatras.

Shuta....ang sakit!

"Okay ka lang mare?! Yung ilong mo hah hindi ba need ng rhinoplasty? Hoy! Sino yung humampas ng bola na walang sense of direction hah???" Sunod sunod na tanong ni Kelly sa mga kalaro niya habang papalapit sa akin.

"I didn't see that coming. My bad! Are you okay, miss?" May pag aalala na tanong sa'kin ng lalaki na may kagagawan ata sa nangyari. Bahagya nitong hinawakan ang magkabilang pisngi ko na kinatingin ko sa pagmumukha niya.

Wow, ganito yung mga type ni Kelly.

Alinlangan akong tumango, hawak ko pa rin ang noo ko na nagkabukol pa ata. "I-I'm okay, don't worry about it. Konting hilo lang."

"Tabi!" Tulak ni Yumi sa lalaki at siya naman ngayon ang humawak sa pisngi ko.

"Ano ba? Pwede namang mangamusta na hindi ako hinahawakan. Okay lang nga ako." Pagkatapos nang sinabi ko ay hindi niya pa rin ako tinigilan at talagang malapitan niyang chinecheck kung may galos ba ako o ano.

"Look, pasensya na talaga. Sigurado kang okay ka lang?" Pag uulit nito, pumunta rin ang iba nilang kalaro para maki-usyoso sa amin.

"Oo naman! Malayo ito sa bituka. At isa pa, aksidente lang naman kaya don't worry about it. " Tinapik ko pa ito sa balikat niya para mabawasan ang pag iisip niya sa nangyari.

"Gantihan mo, ate." Kinuha ni Mera ang bola at iaabot pa sana sa akin nang agawin ito sa kanya ni Miss Erich.

Itong isa na ito paghihiganti agad ang nasa isip.

"I think that's enough ball games for today, everyone..." Nakangiting anunsyo ni Ms. Ang at saka ibinalik ang bola sa lalaking nasa harapan ko. "Especially for you, Mr. Archer."

"I feel really bad." Pinagpag nito ang kanang kamay at inilahad sa akin. "Nga pala, I'm Archer."

"Mizhie" Maikling pakilala ko at tinitigan ang kamay nitong wala akong balak hawakan o kahit dampian man lang.

"Uhmm...ganito na lang para hindi na ako makonsensya. You guys can hang out sa bar nitong private resort mamayang gabi and the drinks on me! We have a pool party at the rooftop."

Bigla akong napalunok nang maalala ang mga nangyari kagabi. Lasing ko nga pa lang naabutan si Miss Erich at pagkagising niya rin ay wala raw siyang matandaan kahit konti.

"We are really not—"

"It's a great deal." Nagulat naman ako sa biglang pumutol sa sasabihin ko.

"Mera?!" Inuuga uga ni Yumi ang pinsan ko na kinakunot ng noo nito. "Minor ka pa, bawal ka doon."

"Bro, are you sure that you don't have any mental illnesses? And FYI, I'm turning 18 in just a few days."

"I'm not against it. As long as I'm with Mera, it's okay. Besides, may alcohol free namang beverages." Pag apruba ko at saka ngumiti ng pilit kay Archer.

PronounsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon