Kabanata 13

25 1 0
                                    

"Kumusta ka ngayon?"

Iyon ang tanong niya sa akin pagkatapos kong magkwento. Wala siyang ibang sinabi. Nakinig lang siya sa akin.

"H-Hindi ka ba galit?"

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya. "Hindi. Pero, nagtampo ako. Sinabi mong 'di mo ako kilala, eh. Sa pogi kong 'to?"

"Eh! Kasi 'di ba pagod ka that day? Baka ayaw mong makihalubilo sa iba. Kaya ayon."

"Hmmm. Kumusta ka na ngayon? Iyong sugat mo masakit pa?"

"Hindi ka ba talaga galit? Dapat magalit ka, h-hindi kita pinansin, sinungitan tapos inaway pa kita."

"Hindi ako galit, pero 'di ko rin itatanggi na nasaktan ako."

"I'm sorry."

"Wala kang kasalanan. Naiintindihan ko. Sabi sa iyo sasama ako pa probinsya kapag pinauwi ka roon."

"Kainis naman 'to! Puro biro!"

"Totoo nga! Aba! Tagal kong walang kaasaran, 'di ako papayag na 'di ka maasar ngayon. Pero kumakain ka ba nang tama? Natutulog ka ba nang maayos? Baka masyado mong iniisip 'yon."

I let out a heavy sighed. "Oo. Kasi nakokonsensya ako, eh. Hindi naman ako gano'n, I'm just afraid."

"Ngayon, wala ka nang iisipin. Kumain ka and take a rest, okay? Don't worry, ililimit ko na kilos ko, para 'di ka na rin mapagalitan. Tara dito sa baba. Andito sila Lorraine."

"Ayoko! Nahihiya ako!" mabilis kong sagot.

"Aalis na ako."

"Pasaan ka na naman?"

"Uuwi. Gusto mo bang dito ako matulog, Amari? Sabihin mo lang kung miss mo ako."

Hindi agad ako nakasagot.

"Okay, dito ako tutulog. Alis ako bukas nang maaga, may training din ako, eh."

Inayos ko muna ang sarili ko bago bumaba. Muntik pa akong mahulog sa hagdan dahil sa kaba.

Sa tabi ako ni Kuya Lucas naupo. Nagkatinginan kaming dalawa ni Kuya Ice pero agad akong umiwas ng tingin.

"Andyan ka na naman pasulyap-sulyap sa akin. Lagi-lagi na lang paligaw-ligaw tingin." Pagkanta ni Lorraine na alam kong may iba pa siyang ibig sabihin. "Ay alam mo Kuya Lucas, 'di ako naka-subscribe sa Spotify Premium. Tapos ano, 'di pa rin naka-subscribe sa BFF Premium. Parang ang lungkot ng buhay ko."

Naguguluhang tumingin si Kuya Lucas.

"Ay, ano, perfect din 'yong sinabi mo kanina, bes! Harutan in private, 'di magkakilala in public!" At talagang nag apir pa sila.

"Hindi ko kayo gets. Nasisiraan ba kayong dalawa?" Si Kuya Lucas na clueless pa rin talaga. "Amari, baka gumaya ka sa dalawang 'to."

"Ngi, 'di siya gagaya. Siya nga ginagaya namin. Kumbaga, siya leader namin," mapang-asar na sagot ni Lorraine.

"Gago, gets!" Napatayo pa si Kuya Uno. At ang tatlo ay tuwang-tuwa pa.

Nauna nang nagpaalam ang iba. Naiwan na lang si Kuya Lucas, at Kuya Ice na rito matutulog. Kapag silang dalawa nag-uusap para siyang palaging pinapangaralan ni Kuya Lucas, tatango-tango lang naman 'yong isa. Kahit naman kasi tropa na sila, mas matanda pa rin sila Kuya Lucas.

"Ano 'yan? Pinagagalitan mo na naman?" natatawang ani Kuya habang papalapit.

"Gago, hindi. Sinabihan ko lang. Pero mabait head coach ng CABA."

"Anyare ba? Resbak ba?"

"Kuya!" pagsita ko. "Resbak your face. Kayo eh, 'wag niyong sinasanay makipagsuntukan."

Fate's Forbidden Game (San Lorenzo University Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon