Kabanata 17

22 1 2
                                    

Time flies so fast.

I already graduated in High School as Batch Valedictorian, with other awards. Ang ilang contest na sinalihan ko noon, binigyan ako ng cash insentives na ginagamit ko noon sa pagbili ng gamit dito sa apartment.

I was torn between bedspace or apartment. But dahil sa pag-uusap namin ni Tita Gelly, pinili niya ang apartment, for my own safety na rin daw.

"I'm tired!"

Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama. Nanibago ako dahil nasa floor ang kama ko, bumili lang kami ng floor bed frame. Dahil bumili ako ng study table, nagtitipid lang ako.

Sinamahan ako ni Kuya Ice na mag-ayos ng apartment. Ang apartment na 'to ay halos students from SanLo. Ilang minutong lakaran lang din. May rooftop kung saan kami pwedeng gumawa ng assigenments.

"I orderd for our lunch na. Matulog ka muna."

"Ganda, 'no?"

Buong kwarto ng apartment na 'to ay pininturahan ng kulay pink ng kapatid ko noon nakaraang araw. Nilibre din niya ako grocery ko, dahil binitbit ko rito ang mini ref ko.

Binuksan ni Kuya Ice ang bintana. "Ganda nga. Buti nakuha na natin ito agad. Are you excited?"

I nodded. "Kinakabahan ako. Paano kapag walang lumapit sa akin? Wala akong maging friends doon?"

Lumapit siya sa akin. "Just smile, lagi ka kasing nakasimangot. For sure, may magiging kaibigan ka roon. Kapag nahihiya ka pa rin, call me lang."

"At anong gagawin mo?"

"Mag-shift. Lipat ako sa program mo."

Hinampas ko siya dahil sa sinabi niya.

"You're going to live alone na." Inilibot niya ang mata sa buong kwarto, sabay ngiti. "You're not a baby na."

"Hindi mo na rin baby?"

Bigla siyang namula at napakagat sa ibabang labi. "Baby ko pa rin, syempre."

Oras ang lumipas, andito lang kaming dalawa sa kwarto. Naiilang talaga siya nong una na pumasok, pero wala naman kaming gagawing iba.

"Can I check your schedule so that I can work my way around it?"

Iniabot ko sa kanya ang phone ko. "I don't have classes every Wednesday!"

"Walang tugma sa time natin. But don't worry, I can make time."

"Excited na ako maglakad papasok."

"Susunduin kita. Maglalakad ka r'yan," sita niya sa akin.

Sinimangutan ko siya. "Malapit lang naman. Sige, susunduin mo 'ko pero maglalakad tayong dalawa? Tapos kapag pauwi gano'n din."

"Pagod ka na agad papasok.'

"Eh, nope! Mas okay maglakad papasok at pauwi. Ayaw mo ba? Mas makakasama mo ako matagal kapag maglalakad?"

"Minsan nga bawasan na nating dalawa magsama, natututo ka na rin sa mga ganyan." Pagbibiro niya na agad naming tinawanang dalawa.

Nakita ko schedule niya, wala siyang pasok every Friday. Before lunch start ng ilang pasok niya, samantalang ako, napakaaga. Wala naman daw problem sa kanya, pwede raw siyang tumambay sa Library, at mag-practice for Basketball.

Binigyan niya ako ng mini fan. Kaya pala lagi siyang may bitbit na ganito ay dahil mabilis siyang mamula tuwing naiinitan siya.

"Sasali ako sa mga school clubs or org.."

"Sa first day may mga booth doon. Pero 'di pa kumpleto iyon. We can check that.'

"We? S-Sasamahan mo ako?"

Fate's Forbidden Game (San Lorenzo University Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon