Kabanata 3

110 3 0
                                    

Nagising ako dahil sa ingay mula sa labas. Andito kasi ako sa guest room natulog kagabi dahil tinamad akong umakyat sa room ko.

"Good morning, Amari." Si mommy pagkapasok sa kwarto. "Nasa labas mga kaibigan ng kuya mo. Nag-jogging, dito na dumiretso. Inaantok ka pa? You can sleep pa naman. Your assignments, don't forget."

Kakagising ko pa lang, assignment agad! Sana 'di na lang muna ako nagising.

Hindi pa agad ako sumagot dahil antok na antok pa talaga ako. "Kinda, mommy. Anong oras po duty niyo ni Daddy today?"

"Nauna na si Daddy mo dahil opening to closing siya today, ako after lunch pa until closing."

Naghilamos na muna ako at inayos ang sarili ko bago pumunta sa dining area para kumain. Nanlaki mga mata ko nang may inilapag na bento cake at cupcakes si Manang.

"Nag-bake po si Mommy?" tanong ko habang kumukuha ng cupcake.

"Ay, nako! Hindi anak. Bitbit ng mga pogi sa labas."

Hindi ko natuloy na kagatin ang cupcake dahil sa sinabi ni Manang. "So, andyan po limang kaibigan ni Kuya?"

"Apat lang ang nakita ko. Wala si pogi." Kumuha si Manang ng cupcake. "Ang sarap nga nito. Tatlong box ng cupcakes andito sa loob, iba pa 'yong nasa labas."

"Sino raw po nagbigay?" mahinang tanong ko kahit pakiramdam ko ay kay Kuya Ice 'to galing.

"Ipinadala lang daw ni pogi, dahil may training sa school, pero sabi ay mamaya andito rin daw."

Nagluto si Mommy ng spaghetti and chicken fillet. Kumain na rin daw mga kaibigan ni Kuya dito.

"Kumusta school, Amari?" tanong ni Mommy pagkaupo niya sa tapat ko habang umiinom ng kanyang coffee. "Kailan card day ninyo? Si Daddy mo raw ang pupunta."

Ngumiti ako kay Mommy kahit kinakabahan na ako. "Wala pa pong announcement, Mommy." bakas sa tono ng boses ko ang kaba.

"Do you want ba na ako na lang ang pipirma kaysa kay Daddy mo?"

Mabilis ang naging pag-iling ko. Kung si Mommy ang papupuntahin ko, iisipin ni Daddy na may itinatago ako, na baka bumaba grades ko. "Si Daddy na lang po. I'll update you po agad kapag nagsabi na sila sa amin."

I think wala naman akong mababa na grades, halos lahat ng exam at quizzes ko ay perfect. Pati nga attendance ko, perfect.

Rinig na rinig ko rito sa loob ang kantahan at ingay nila Kuya. Magkakaibigan na kami simula isinilang kami sa mundong 'to dahil magkakaibigan mga magulang namin.

Kating-kati mga paa ko na sa labas ng bahay tumambay. Weekend ngayon, madalas nasa garden ako. Pero nahihiya akong lumabas dahil andyan mga kaibigan ni Kuya, kahit sanay naman akong andito sila.

Kaaalis lang din ni Mommy. Kaya pala opening to closing si Daddy ay dahil onboarding ng mga new employees sa kanila.

"Anak, 'di ka ba lalabas ngayon?" tanong ni Manang sa akin. "Napakainit dito sa loob." Pinapaypayan pa ang sarili.

Umiling lang ako bilang sagot.

Tahimik nga lang gc naming tatlo ng mga kaibigan ko ngayon, busy kasi sila sa mga group project nila. Natapos ko na kasi 'yong amin noong kailan pa, kaya chill na ako today. Nagawa ko na rin ibang assignments ko kagabi. Sana pala nagtira ako para may pagkakaabalahan ako ngayon.

Sa sobrang bored ko ay naisipan kong magpalit ng profile picture. Nakita ko lang 'tong picture na si Bianca ang may kuha. Magaling siyang mag-take ng photo. Kayalang hindi niya itinuloy photo journalism.

Bahagya akong natawa dahil last year pa pala 'tong gamit kong profile ngayon.

Amari Gracey Guanzon updated her profile picture.
- so in love with the golden hour.

Fate's Forbidden Game (San Lorenzo University Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon