Kabanata 18

25 3 2
                                    

Last event before mag-end ang first semester. Intramurals namin today. Wala naman akong sinalihan. Andito lang ako to watch, and support him. And also, finals na ito.

I smiled pagkakita ko sa kanyang papasok ng court. Almost a year when he started to court me, at walang pagbabago. He's very consistent.

Kung may sumubok man sa aming dalawa, iyon 'yong time namin sa isa't isa. But that's okay, alam namin kung anong priority naming dalawa. I'm fine basta i-update niya ako, mas naging mahigpit na rin kasi sila sa training.

"Hoy, baks! Tandaan mo, Department of Culinary, Hospitality and Tourism Management tayo, ha? Hindi tayo from CABA?" Pagpapaalala ni Gabby.

Napatingin ako sa kanya bago natawa.

Rinig ang malakas na hiyawan pagkahubad ni Kuya Ice sa kanyang t-shirt. He's now wearing his jersey uniform. Inilagay niya na rin ang headband niya.

They can still play naman kahit na part na siya ng SanLo Basketball Team. Ang napag-usapan lang, 'di sila pwedeng ibabad sa game.

Inililibot niya ang tingin sa buong gym. Hindi niya siguro ako makita dahil nasa bandang itaas na kami nakapwesto, at nakatayo karamihan ng nasa harapan ko.

"Tamo, hinahanap ka ng iyong honey bunch!" Pang-aasar ni Gabby sa akin.

Inilabas ni Kuya Ice ang kanyang phone, at ilang saglit naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko.

Ice Miguel
wala pa kayo rito sa gym?

Amari
andito na. right side, bandang dulo, malapit sa aircon. don't worry, comfortable naman dito. Gooood luck, Kuya Ice! ^___^

Ice Miguel
wala na, panalo na 'to.

That's very Kuya Ice. Pinapanindigan niya kung anong sasabihin niya.

Malakas na hiyawan pagkatawag sa players ng department namin. I'm so excited and at the same time kinakabahan. I don't know why. Baka nadadala lang ako sa ingay ng gym.

"For the College of Accountancy and Business Administration!"

"Wearing jersey number 29, Isaac Miguel Rivera."

I stand as soon as they call his jersey number and name. Kasabay non ang pagsigaw habang hawak ko ang balloon clapper ng department nila.

Maraming sumisigaw sa pangalan niya. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko. Paniguradong hindi naman niya ako maririnig.

I'm kinda worried, natumba kasi siya noong nakaraang araw sa laro nila ng College of Engineering and Architecture. Medyo malakas din pagkakabagsak niya.

I kept my fingers crossed that there wouldn't be any injuries, especially to him and the other players.

"Rivera, for another three!"

Napapalakpak ako. Wala pang limang minuto ang nakakalipas. I am smiling here like a proud mom!

"Amats 'to si Kuya Ice. Nakakatatlong three points na agad," ani Pau. "Amats din 'tong si Amari, sa kabilang department ang suporta."

Pakiramdam ko, 'di inaral ng department namin ang galaw ni Kuya Ice.

Mabilis na lumipas ang oras. 4th quarter na at kababalik ulit ni Kuya Ice sa court. He's smiling, ngiti na 'di nang-aasar. Nakangiti siya na halatang alam niyang panalo na sila, dahil sampung puntos din ang lamang nila at kulang dalawang minuto na lang.

Fate's Forbidden Game (San Lorenzo University Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon