Chapter 1: Once again

7 4 0
                                    

"Siena, sige na. I'll treat you barbecue. Just one more chance" pagmamakaawa ni Jules habang akap-akap ang braso ko.

"No way" walang gana kong sagot.

Bumitiw sya sa pagkakapulupot sa'kin.

"What? Parang di mag-kaibigan ah! Sa mahigit-kumulang sampong taon na mag-kaibigan tayo, hindi ka mapakiusapan"

"Correction, 12 years" pagwawasto ko.

"Exactly! 12 years pero di mo ko mapagbigyan" atungal nya.

Huminto sya sa paglalakad habang nakaismid. He's sulking. Lol. Hindi bagay.

"Sa tingin mo makukuha mo ko sa paganyan-ganyan mo?"

"Bakit hindi ba?" He smirked.

Napabuntong-hininga ako dahil sa kakulitan nya.

"Whatever Dude. I'm going home" saad ko saka nagmadaling maglakad.

"Uyy! Ito naman sandali lang!" Rinig kong tawag nya.

Ilang araw nya na din akong binubulabog na iconsider ang pagiging tutor ng pinsan nya at ilang araw ko na din syang pinagtatabuyan dahil dito.

"Ayoko ngang maging tutor! Nakakapagod. Nakalimutan ko na lahat ng inaral ko. Anong connect ng kurso nya sa trabaho ko? HR ako hindi engineer, bakit ako ang mag-tuturo dyan? Maghanap na lang sya kamo ng iba. Wag ako!"

Ang gusto kong sabihin, ngunit natagpuan ko na lamang ang sarili ko na nakaupo sa isang barbecue house at umiinom kasama si Jules.

"Sabi ko na nga ba, hindi mo talaga ako matitiis" wika nya sabay pisil ng pisngi ko.

Iwinaksi ko ang kamay nya at tinignan sya ng mariin.

"Oo na! Ibigay mo na lang yung contact nya para makapag-usap kami"

"Wait. Wala kong number nya eh fb nya na lang" saad ni Jules.

Muli akong lumagok sa beer na iniinom ko habang hinihintay si Jules sa kanyang ginagawa.

"Matagal pa ba 'yan?" Reklamo ko nang mapansin kong ilang minuto na ang nakalipas pero wala pa ring tugon si Jules.

"Sandali!"

Binuksan ko ang cellphone ko dahil na rin sa pagkaburyo.

Walang bago. Maliban sa hindi ako madalas gumamit ng social media, ay hindi rin ako sanay na makipag-usap sa iba.

"Hoy! Buti naman nagpakita kang hayop ka" Rinig kong bati nung kalapit naming table sa taong kararating lang.

Hindi ko naaninag ang mukha ng taong iyon dahil sa suot-suot nyang sumbrero kahit na mayroon bubong naman ang resto.

"Long time no see" sabi pa nung isa saka inakbayan ang naturang lalaki

Dahil na rin sa katagalang kumilos ni Jules, natuon ang atensyon ko sa kabilang table na masayang nag-iinuman.

"Pre, akala ko talaga tinakwil mo na kami eh. Sino na naman ba yang babae mo?" tanong nung lalaking naka white shirt sa lalaking nakasumbrero.

Hindi naging malinaw ang sagot nya siguro dahil na rin sa malayo ang pwesto nya sa amin.

"Ha! Magtira ka naman kaya ang dami naming single dito eh! Baka naman may chix ka dyan"

"Oo nga! Diba work mate mo si Stella? Yung sexy af na batchmate natin nung college? Pareto naman oh"

Napairap na lang ako sa mga pinagsasabi nila. Boys will be boys nga naman. Tinatratong bagay ang mga babae.

"Dude, labas muna ako pahangin" paalam ko kay Jules na syang tinanguan nya.

ReplayWhere stories live. Discover now