Chapter 6: Not this time

6 3 0
                                    

"I got 4? No 5 piercings" pagmamalaki nya.

Come to think of it. Halos limang araw ko rin syang hindi pinapansin. And I never planned on talking to him again. So kung hindi nya ako pinuntahan ngayon, he'll keep on piercing his body?

Tatlong hikaw ang nakalagay sa kaliwang tenga nya at isa sa kaliwa. The other one? That I don't know.

"What the? Okay ka pa ba?" Inis kong tanong sa kanya.

Tila nawalan ako ng gana na kumain pa.

"No I'm not. I'm losing my mind" he said plainly.

Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Is he torturing me?

"Bakit mo ginawa iyon?"

"Because you ignored me"

"So now it's my fault? Bakit mo pinapasa sa'kin ang ginawa mo?"

What a bitch!

"I'm not blaming you tho. I did it 'cause I want it"

"Masokista ka ba?" Pabalang kong tanong sa kanya.

"W-what? Do I look like one?" Halata ang pagkagulat sa kanyang mga mata.

"Nagpapiercing ka dahil sa inignore kita? Anong point mo? That just doesn't make sense unless you love getting hurt"

"Hmm... Maybe I am"

I can feel my blood rushes to the my face. What's with him talking bluntly about his kink.

"Just joking. I'll stop doing it if you don't like it." Pangbabawi nya.

Hindi na ako makatingin pa dahil hindi rin ako komportableng makita syang nakapiercing.

He did look good.

Pero ayokong magpadala sa kung ano man ang gusto nyang mangyari.

Nakakabingi ang katahimikan sa pagitan naming dalawa kahit pa punong-puno ng ingay ang restaurant.

Gusto ko syang tanungin tungkol sa buhay nya, pero ano naman ang posisyon ko para gawin iyon.

I never really knew him personally. Wala akong alam na kahit ano tungkol sa kanya.

"Let's watch a movie after this." yaya nya sa'kin.

How I hate being the one on the receiving end.

Ano namang idadahilan ko sa pagkakataong ito?

"Kailangan ko ng umuwi pagkatapos nito" pagdadahilan ko.

"Why?"

"Inaantok na ako"

"Cool. You can sleep while watching the movie"

"Hindi. Kailangan ko na talagang umuwi, yung labahan ko baka mabasa ng ulan"

"Ipapalaundry natin"

He keeps on finding solutions to my excuses.

"Yung pinto hindi ko alam kung nalock ko"

Ahh. Fuck. Hindi ko na alam anong ginagawa ko.

"What? Hahaha Look if it's about money-"

"Hindi! Bakit ba sa tingin nyo iyon ang problema?"

I exploded. Hindi ko alam pero ang presensya nya ang nagpapalala ng inferiority complex ko.

Maybe after all the problem is I.

"Wait-"

Tinawag ko na ang waiter para kunin ang bill.

Napansin kong nababaluktot na ni Logan ang kutsarang kanyang hawak-hawak.

Hindi nga ako nagkakamali na halos isang buwang sweldo ko na ang presyo ng mga pagkain.

"Let me..." Saad nya nang makita ang ekspresyon ng muka ko.

"No, I can pay" sabi ko sabay lagay ng cash na kakawithdraw ko lang kani-kanina lang.

Mabuti na lang at may natira pa ako kahit papaano para masurvive ang ilang araw.

Mas lalo kong pinagsisihan ang mga nangyari.

Hindi ko man lang naubos ang pagkain na nakalagay sa pinggan ko.

"Uuwi na ako!" Paalam ko kay Logan.

"Ihahatid na kita"

Tumango na lang ako. Hindi dahil sa gusto ko, ngunit dahil masyado nang marami ang nagastos ko sa araw na ito.

For once, I will swallow my pride just so I can survive.

Tahimik lang ang naging byahe namin. Walang naglakas-loob na mag-umpisa ng topiko sa aming dalawa.

"Bababa na ako"

Hindi ko pa bahay ito pero hindi nya pwedeng malaman kung saan ako nakatira at kung anong estado ng pamumuhay meron ako.

"Is this your house?"

"Hindi, maglalakad pa ng kaunti"

"Hatid na kita. Delikado pa naman dahil gabi na"

"No thanks... Actually, may kikitain pa ako"

"Sino?"

"Si Jules"

"Why? I'm still here, you know. Pwede naman kitang samahan kahit saan mo gusto" pagpupumilit nya.

"Hindi... May personal lang kaming pag-uusapan" pagdadahilan ko.

I really am a pathological liar.

Pwede ko namang sabihin na ayoko, pero mas pinili ko pa ring mag-sinungaling.

"Promise?" He asked... desperately.

Inilabas nya ang hinliliit nya.

"Ano ka bata?" Pang-aasar ko pa.

"I will not go 'til you-"

"Promise" I said then did pinky-promise with him.

Kasinungalingan

"I'll go" pagpapaalam ko.

Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nya at agad na syang tinalikuran.

Nakailang hakbang pa lang ako nang mapahinto ako. May humapit sa baywang ko mula sa likuran at inilapag ang baba nya sa balikat ko.

Nabingi ang tenga ko dahil sa bilis ng tibok ng puso nya...

"God. I really did miss you, Siena"

Hindi.

Hindi lang tibok ng puso nya ang nakabibingi.

"I really miss you" dagdag pa nya.

I was stuck to the ground. Hindi ko alam kung anong gagawin.

"Even if you lied at my face, I won't hate you."

Mas lalo akong kinabahan dahil sa sinabi niyang iyon.

Tumiwalag ako dahil sa pagkakayakap nya.

He can see right through me. He knew I lied. But he acted as if there's nothing wrong.

God, I hate him!

Matapos ang ilang attempt ng pangtataboy kay Logan, nakauwi na rin ako ng bahay.

I lay mindlessly, while staring at the ceiling.

I don't like what I feel right now.

Days passed at hindi na kami nagkita pa ni Logan. We would exchange messages and such pero hindi na kami umabot sa point of hanging out.

Dinistansya ko na ang sarili ko knowing that he has a girlfriend.


Damulag🍼 sent a photo

I immediately opened the photo he sent expecting it to be a meme.

"What the fuck!!!" Sigaw ko.

Nabitawan ko ang cellphone ko para takpan ang mga mata ko.

Mabuti na lang at nakaupo ako sa kama kaya maliit lang ang galos ng cellphone ko.

He sent a photo of him in a local beach, but the problem is he is just wearing his beach shorts. Topless.

Tumunog ulit ang messenger, pero takot na akong buksan pa ito.

Ahhh! What's wrong with him? Bakit sya nangsesend ng ganun-ganun lang?

Kada pikit ko ay nakikita ko ang hulma ng kanyang katawan. Kahit na ang abs nyang basang-basa sa pawis.

Damulag🍼
I forgot to tell you, I'm here in Guimaras. Just having a short break with friends. I wish you're here.

Strawberry Milkshake🍓
Stop sending me unsolicited d1ck pic

Damulag🍼
What??

Strawberry Milkshake 🍓
Xsend

Damulag🍼
What???

Damulag🍼
Siena! Who's sending you dick pic???

Damulag🍼
Siena answer me

I sighed. How he can be dense and clueless still amazes me.

Damulag🍼 is calling

Strawberry Milkshake 🍓
Stop calling! Anong oras na.

Damulag 🍼
Answer me

Strawberry Milkshake🍓
Nagbibiro lang ako. Chill

Damulag🍼
Stop provoking me, Siena.


Who's provoking who??

Strawberry Milkshake🍓
I'm not even doing anything

Damulag🍼
You're making me jealous. I don't like it.

Strawberry Milkshake 🍓
May girlfriend ka, Logan. Umayos ka nga. Stop it or I'll block you.

Damulag🍓
HAHAAHA I'm just kidding, Siena.

Damulag🍓
Good night.

I really want to push him away.

God, I'm so pathetic.


Minulat ko ang mga mata ko at hindi ko napansing umaga na.

Balik na naman sa pagtatrabaho.

"Siena, ikaw na muna mag-asikaso sa regularization ng interns" utos ni Sir Cha.

Siguro dahil hindi ako nagrereklamo at hindi umiimik kaya hindi ko na rin nagawang tumanggi.

"Kilala mo si Tess sa kabilang building? Nahuli nya yung asawa nya at workmate nito na naghahalikan. Ayun sinugod nya kaya magbabaranggayan daw" rinig kong chismis ng isa naming superior.

"Oo narining ko yun. Tapos ito pa, kumampi yung asawa nya sa kabit nya. Weird shit"

"Bakit may mga taong ganyan no? Mga handang sumira ng relasyon"

Bigla akong nakaramdam ng pagkatakot dahil sa mga narinig ko.

"Sya ba yung may boyfriend na dropped out?"

"Hala sya nga ata iyon. Honor student pa naman"

"Diba patay na patay yan kay-"

"Siena Lyn, bumaba yung average mo last quarter baka di ka maka-avail ng scholarship nyan"

"Siena, it's so not you. Magfocus ka sa pag-aaral"

"Siena kayo ba ni--"

Naikuom ko ang mga kamao ko. Bakit ngayon ko pa naalala ang mga iyon. Gusto kong sumigaw. Gusto kong saktan ang sarili ko.

Sa sobrang pagkabalisa ko ay hindi ko na napansing kinakagat-kagat ko na ang mga kuko ko .

"Hah!" I whispered.

Ilang oras pa ang lumipas at natapos na rin ang paghihirap ko sa maliit na espasyong iyon.

I feel like crying. Pero lalabas lang akong kaawa-awa kung dito ko gagawin iyon. Mas mabuti nang sa bahay ko na lang gawin nang walang nakakakita.

"Siena!"

In the spur of the moment, my tears suddenly fell on their own.

His presence was just as comforting as it was even 12 years have already passed.

"Dude! Bakit ka naiyak? Gagi, di naman kita inaano"

I laid my head in his shoulder. Hindi gaanong malaki ang agwat ng height ni Jules kaya naman hindi ako masyadong nahirapan.

Mas mabuti na ito kesa makita ng iba kung paano ako lumuha.

"Sandali lang..." I asked.

Hindi gumalaw si Jules at hinayaan nya lang akong umiyak. Hindi nya hinimas ang likod ko, sadyang nakatayo lamang sya roon para maging sandalan ko.

Matapos ang ilang minuto ay nahimasmasan na ako. Inilayo ni Jules ang kanyang mga tingin.

I'm sure he also find it awkward as I have.

"Tara shat. Libre ko" yaya ni Jules.

Hindi na malayo sa loob ko sina Jules kaya naman agad kong tinanggap ang kanyang paanyaya.

Mga ilang minuto lang ay nakarating na kami sa resto bar kung saan ko muling nakita si Logan.

"Care to share?" Wika ni Jules sabay tungga ng isang shot ng kung ano mang inorder nyang tower liquor.

Natahimik ako.

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ito.

Hindi ko rin alam kung bakit ako nagkakaganito.

"I think... I think I'm starting to like him again"

Bakas sa mukha ni Jules ang pagkabigla ngunit mas kaagaw-agaw ng atensyon ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

"Ha? Nahihibang ka ba? Nakalimutan mo na ba yung last time na nangyari sa inyo nun? Fuck. You even cut us off, your friends. Tapos ngayon you think you like him again? Saka may girlfriend yung tao, Siena. Nakalog na ba yang utak mo dahil sa pangungulit nya? You know better, Siena. Walang mabuting madudulot sa'yo yang taong iyan!" Bulyaw ni Jules.

I can feel his sincerity kahit na puno ng masasakit na salita ang kanyang sinabi.

I don't even know when it all started again.

"I want to make it stop" naiiyak kong sabi.

I never knew I can be vulnerable like this.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 18 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ReplayWhere stories live. Discover now