Chapter 2: Facebook friends

4 3 0
                                    

"What the heck? Why would I? Not my fault kung bakit hindi tayo friends."

"But it's really your fault, though. Want me to make you remember?"

Napailag ako ng tingin.

What's with him? Ngayon na lang kami nagkita at ganito pa ang inaasal nya. And it really isn't my fault.

He looks at me as if he's waiting for my answer, at hindi sya aalis hangga't hindi nasusunod ang gusto nya.

Same old Logan.

"Fine. Just shut up about earlier" I grunted.

He just smiled. That damn annoying smile.

Kinuha ko agad ang cellphone ko at inaccept ang friend request nya. He really goes out of his way para mag re-request.

"Done! You happy?" Iritang tanong ko.

"That's my girl" saad nya at ginulo ang buhok ko.

Hindi ko alam kung saan sya kumukuha ng kapal ng mukha para sabihin sa akin ang mga iyon.

"I'll keep in touch. Don't ignore me, Siena" he said then take his leave.

Weird. He didn't even change.



"Hello? Asan ka na ba, Siena?" I nearly forgot about Jules.

"Andito ako sa labas. Please bring my stuff, uwi na tayo" sagot ko sa kanya over the phone.

Ilang minuto rin siguro akong nawala kaya ganun na lang din ang pag-aalala ni Jules.

"Siena! Are you okay?"

Salubong ni Jules na kalalabas lang ng resto.

"Y-yeah. We just talked a little" pagsisinungaling ko.

I left out the part where Ray tried to kiss me and forced me to get back with him. I never know kung ano pang gawin ni Jules.

"Hah! Siguraduhin mo lang na yun lang. Baka mamaya magugulat na lang ako nagcomeback na kayo-"

Hindi na natuloy pa ni Jules ang sasabihin dahil sa pagsiko ko sa kanya.

"Not funny, Jules"

"Hoy Dude! Nakasalubong ko pala si Logan. Nakita mo?"

"Yeah"

"'Diba patay na patay ka dun dati?"

Halos mawalan ako nang hangin sa sinabi ni Jules.

"Ha? Saan mo naman nabalitaan yan?"

"Sa kanya mismo. I remember nung highschool lagi nya kinukwento yun eh"

"Ugh. As if..." Walang ganang tugon ko.

Medyo sumasakit na rin ang ulo ko, at kailangan ko na talaga itong ipagpahinga.


Pagdating na pagdating ko sa apartment ay agad akong napahiga. Hindi na ako nag-atubili pang magbihis at maghilamos. Masyado nang pagod ang katawan ko para kumilos.

My phone vibrated again. Talaga namang kapansin-pansin ito dahil bibihira lang ako makatanggap ng messages, lalo na sa ganitong oras. Kung meron nga ay work-related naman.

Kahit na inaantok ay pilit kong binasa ang mensahe

Damulag🍼
It's nice to see you again, Siena.

Hah! I forgot about this part. Damulag. It was a nickname I've given him. Funny to think that I didn't get the chance to remove his nickname. Good old times.

Napapikit ulit ako dahil sa labis na pagka-antok. He can wait.

Damulag🍼
Why the hell my nickname's Damulag???

Damulag🍼
Hello??? Siena. I told you not to ignore me.

Damulag🍼
Why didn't you remove my nickname?

Damulag🍼
Your nickname's Strawberry Milkshake? Tf is that???

Sunod-sunod ang pagtunog at pag-vibrate ng cellphone ko. Nakakairita. Wala na kong nagawa kung hindi ang pag-tuunan sya ng pansin.

Strawberry Milkshake🍓
What do you want? I want to sleep. Tired af.

Siena Lyn removed her nickname.
Siena Lyn removed your nickname.

Siena Lyn
There. No problem.


To be honest. Wala na rin naman akong pakialam sa childish nicknames na iyan. And I don't think we'll use them anymore. There's no point to continue having connection.

Logan Cooper changed his nickname to Damulag🍼
Damulag🍼 changed your nickname to
Strawberry Milkshake🍓


Seriously? Parang sya tong reklamo nang reklamo sa mga nicknames.

Damulag🍼
Don't. Don't remove the nicknames again.

Dahil sa sobrang antok ko. Tanging like react na lang ang iniwan ko sa messenger. I don't have energy na makipagtalo pa sa kanya.

He's still childish as ever.

Still not respecting my personal space.

Sa wakas at napagdesisyunan ko na talagang matulog dahil na rin sa pabigat na nang pabigat ang mga talukap sa mata.

Halos matalon ako sa kaba nang biglang mag-ring ang messenger ko.

Damulag🍼 is calling you.

What the actual fuck.

"Hello? Can't this wait tomorrow?" Iritableng sagot ko habang nakapikit na at hand nang matulog.

"..."

Rinig ko ang pagbuga nang kanyang hininga.     Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kabilang linya.

"Yo, Bro! Seriously???" Ilang kong tanong sa kanya.

"Siena..." Sambit nya sa pangalan ko. Halata sa boses nya ang pangangamba.
Napairap ako dahil sa pangbibitin pa nya. Come on! I just want to rest.

"Siena" Diretsahang bigkas nya.

"Let's get back together"

Napahagalpak ako nang tawa dahil sa iwinika nya.

"Ano? May ubo ba yang utak mo? Pinagsasabi mo dyan? Never naman naging tayo. Umayos---" biglang naputol ang kabilang linya.

"Weird."

Nawala ang pagkaantok ko when my brain decided that I am curious about him.

Sinubukan kong istalk ang facebook account nya. Kahit malimit syang mag-post, puno ang timeline nya ng mga tagged post ng mga friends nya.

Wala namang special. Typical posts lang ng mga get together.

What's he up to these years?

Sinikap ko pang pagbutihin ang pag-sstalk hanggang sa makarating ako sa nag-iisang post na pumukaw ng atensyon ko.


Congratulations!
Logan Jett A. Cooper
Top 4 Mechanical Engineering Licensure Exam
Magna Cum Laude


What? Is this some kind of a joke? Logan? Topnotcher and latin-honor? Hah!

So that's what he's been up to this days. Lakas makaredemption arc.

Napakuom na lang ako ng kamaon nang mabasa ko iyon. Nakaramdam ako ng konting kirot sa puso ko.

Am I envious? I don't know.

Ang alam ko lang ay hindi ko gusto ang nakikita ko. I am not always like this. I don't care about other people that I don't get envious of their achievements. So why?

Sa kalagitnaan nang pags-scroll ko, a notification popped out in my screen.

Damulag🍼
Miss me that much?

Pinagsasabi nito?

Damulag🍼
You liked a post way back 2021, dummy.

Shoot. Kung hindi ba naman ako clumsy. Gusto ko na lang ibaon ang sarili ko sa kama.

Nakakawala ng angas yung ginawa mo, Siena. He might think you really is head over heels to him. Which is clearly not the case.

Strawberry Milkshake🍓
Wdym? Never seen any of your posts.

Mabuti na lang at kaagad kong nabawi ang like na iyon. Pics or it didn't happened.

Damulag🍼
Sent a photo.

I opened the photo he sent, at screenshot ito nang notification nya that I clearly liked his post. Well, wala namang mangyayari if hindi ko aaminin to.

Strawberry Milkshake🍓
Clearly edited.


I spaced out at sinubukan nang makatulog.

ReplayWhere stories live. Discover now