V. SeKai

573 33 4
                                    

SEHUN's POV

A/N: ayiee. Sehun's POV na itey. Ano kayang saloobin ni Sehunnie sa mga pinapakita ni Jongin? Hihihihihi.  

Another day with my new environment, new friends. Okay naman yung grupo ng kaibigan ni Luhan-hyung. Mababait naman sila sakin at sabi nila ako na daw ang bago nilang maknae, hindi na daw si Jongin. Akalain mo yun, ilang buwan lang pala ang tanda sakin ni Jongin.

And speaking of Jongin, hindi na niya ako kinukulit, siguro nagsawa na. Mas pabor naman yun sa part ko, ang kaso, as in, literal na hindi na niya ako kinakausap at pinapansin. Nagsimula lang yun nung kinabukasan after naming magbar at nung hinalikan niya ako. Simula nun naging sweet na ulit sila ni Kyungsoo-hyung or I should say, mas naging clingy na nun si Kyungsoo-hyung kay Jongin. Hindi naman kasi nagrereklamo o ano pa man si Jongin. Hinahayaan niya lang si Kyungsoo-hyung and I must say that Jongin doesn't look happy para kasing ang laki ng problema niya.

"Tulala ka na naman dyan." Bumalik ako sa realidad ng marinig ko ang boses ni Luhan-hyung. Ang besdtfriend ko.

Bumuntong hininga ako at natawa ako ng konti si Luhan-hyung. Tumabi siya sakin at inabot ang isang lunchbox.

Nandito kami sa may soccer field. Kinuha ko yung lunchbox at sigurado ako na cookies ang laman.

"Option mo na lang ba ako palagi?" Sabi ko at kinain yung cookies.

"Sorry. Ikaw ang bestfriend ko kaya dapat damayan mo ko." Natatawa niyang sabi. Paano pa kaya niya nagagawang tumawa ng ganyan?

"Luhan-hyung, oo nga't bestfriend mo ko pero hindi mo ko palamon. HAHA!" nailing na lang siya sa sinabi ko. Umayos ako ng upo at nagsalita ulit. "Kidding aside, kailan ka ba titigil dyan sa pag'eeffort mo dyan para kay Xiumin-hyung? Ilang beses pa ba dapat niyang sabihin sayo na hindi ikaw ang gusto niya at may boyfriend na siya?" Sabi ko't humarap sa kanya habang kinakain ko pa rin yung cookies na gawa niya na dapat ay para kay Xiumin.

"Ewan ko. Ganun talaga siguro kapag mahal mo yung isang tao kahit nasasaktan ka na, go pa rin."

"Katangahan na ang tawag dyan." Sabi ko.

Kumuha naman siya ng isang cookies at nagsalita nago kumagat dun. "So, katangahan na rin ang ginagawa ni Kyungsoo ngayon." Sagot naman niya na parang may tinitingnan sa malayo kaya napatingin din ako sa tinitingnan niya't nakita ko sina Jongin at Kyungsoo-hyung. Mukhang masayang masaya si Kyungsoo-hyung base sa mga ngiti niya. Pero si Jongin, parang wala sa kanya na kasama siya si Kyungsoo-hyung.

"Paano magiging katangahan yun? Di ba dati pa namang gusto ni Jongin si Kyungsoo-hyung?" Puno ng pagtataka na tanong at tumingin ulit kay Luhan-hyung.

"Dati na lang, hindi na ngayon." Pagtatama ni Luhan-hyung sa sinabi ko. "Parang hindi mo napansin sa mga pinaramdam sayo ni Jongin nung mga nakaraang araw, ikaw talaga oh." Sabi pa niya na may halong pang-aasar.

Hindi ako nagsalita o nagreact man lang sa sinabi niya kaya nagsalita ulit siya.

"Naniniwala ako nung sinabi ni Jongin na gusto ka niya, na seryoso siya sayo." May ngiting sabi niya.

"Bakit?" Aaminin ko, interesado akong malaman kung totoo ba yung mga sinasabi ni Jongin na gusto niya ako pero natatakot din ako. Ayoko ng maulit yung dati.

"Kasi nagpaalam siya sakin na gusto ka daw niyang ligawan. At dahil kaibigan niya ako at ako daw ang bestfriend mo kaya nagpapaalam siya sakin." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

"T-Totoo?!" Tumango naman si Luhan-hyung habang nakangiti at nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

"Hi, Luhan-hyung. Hi, Sehun." Napalingon ako at nakita ko sina Jongin at Kyungsoo-hyung. Hindi ko man lang namalayan na nakalapit na sila samin. "Nagde-date kayong dalawa noh? Pwedeng pa-join?" Sabi pa ni Kyungsoo-hyung. Tumabi naman sakin si Luhan-hyung at sa tapat ko naman si Kyungsoo-hyung at si Jongin naman ay sa tapat ni Luhan-hyung. Sa damuhan kami nakaupo.

Inalok ko naman sila nung cookies na gawa ni Luhan-hyung at hindi naman sila tumanggi.

"Jongin, okay ka lang ba?" Tanong bigla ni Luhan-hyung kaya napatingin kami ni Kyungsoo-hyung kay Jongin. Sasagot na sana siya nang biglang magring ang cellphone ni Kyungsoo-hyung.

"Excuse lang." Sabi niya. Tumayo naman na siya pero bago siya umalis ay hinalikan muna niya sa pisngi si Jongin, "Babalik din ako agad." Sabi pa niya.

Nang makalayo si Kyungsoo-hyung ay biglang tumayo si Jongin.

"Luhan-hyung bahala ka na kay Kyungsoo, please." Puno ng lungkot at pagmamakaawa ang boses ni Jongin. Tumango naman si Luhan pero hindi akong maintindihan kung anong pinag-uusapan nila. Pero nagtaka ako ng kuhanin ni Jongin ang bag ko at hinawakan niya ako sa braso kaya napatayo ako.

"Thank you, hyung. I owe you bigtime." Sabi niya at ngumiti.

"Wala yun. Ingat kayo. Basta update niyo ako. Sige na baka makita pa niya kayo." Sabi ni Luhan-hyung habang nakangisi sakin.

Hinila ako ni Jongin pero hindi naman masakit. "H-Hoy! Saan ba tayo pupunta?"

"Somewhere. Basta hindi alam ni Kyungsoo." Sabi niya at sakto namang nakarating kami sa parking lot ng school. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan niya at sumakay naman ako kahit naguguluhan ako. Nang makasakay siya ay agad niyang pinaandar ang kotse niya. Nakatingin lang ako sa labas ng mapansin kong familiar yung dinadaanan namin at tama nga ako, sa condo ko kami papunta.

Pumarada na siya at bumaba ng sasakyan niya kaya bumaba na rin ako. Napansin ko namang dala dala niya yung bag ko.

"Akin na yang bag ko saka paano mo nalaman ang address ko?" Inabot naman niya sakin ang bag ko at naglakad na papasok ng building.

Hinabol ko naman siya, "Tinatanong kita kung paano mo nalaman ang address ko?" Pangungulit ko pa rin sa kanya.

"Is that even important?" Balik na tanong niya.

"Of course! Malay ko ba kung mafia ka at pumasok ka na lang bigla sa unit ko at patayin ako." Natawa naman siya sa sinabi ko. At masasabi kong iba ang mga tawa at mga ngiti niyang yun. Sobrang genuine.

Pumasok na kami sa elevator. Pero humarap siya sakin, "Hindi ko alam ang floor ng unit mo." Ilang segundo ko siyang tiningnan at mukha namang hindi nga siya nagbibiro kaya pinindot ko na yung number kung saan ang unit ko. Ilang segundo rin lang ay nandito na kami sa tapat ng unit ko.

Pumasok na ako at naramdaman ko naman ang pagsunod niya.

Pumunta ako sa kusina at nagtimpla ng juice at naglagay din ako sa lalagyan ng cookies na binake ni Luhan-hyung kagabi. Dito kasi natulog si hyung kagabi.

Pinuntahan ko naman si Jongin sa living room dala ang merienda, hindi naman ako ganun ka-rude para hindi siya ientertain dito sa bahay ko.

Hindi ata napansin ni Jongin na nasa harapan na niya ako kasi busy siya sa pagce-cellphone niya. Pinatong ko sa lamesa ang tray na hawak ko ng biglang magsalita si Jongin.

"Sehun, naranasan mo na bang ma-inlove?"


-T O  B E  C O N T I N U E D-

✒️ |On-going| SeKai ichi [EXO SeKai] [BOYxBOY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon