Chapter 1.

36 1 0
                                    

Chapter 1

Vance POV

Hi I'm Theodore Vance Fujita and Vance for short. As usual dito na naman ako naka pwesto malapit sa bintana at sa pinakalikurang bahagi ng room. It's totally a habit of mine na tumingin sa bintana. Nakakabagot kasi kung si prof lang at mga boring lectures niya ang makikita at maririnig ko.

I want to be a free man, sigaw ko saking isip. Tulala kung tinitingnan ang malayang mga ulap na naglalakbay sa kalangitan. I wish I can be like those clouds, floating freely without a single worry.

Nang biglang binato ako ng chalk ni Prof. buti nalang nasalo ko pero my kasunod pa palang eraser at ayun, sapul na sapul sa aking pagmumukha. Gaya ng dati ginawa na naman akong halimbawa sa kapwa ko estudyante. Na ako daw yung tipong walang mararating sa buhay. Manhid na ako sa ganyang paghahalintulad, ni katiting ngang inis wala akong maramdaman eh.

Pinulot ko nalang ang eraser at ibinato sa nakabukas na bintana. Agad ko namang hinablot ang aking bag at nagmadaling lumabas na ng room. Naririnig ko pa ang sigaw ni prof pero binalewala ko nalang. Bakit pa ako balik don eh 6 minutes nalang out na din naman.

Rumikta ako sa gate ng school at doon mismo ako dadaan palabas. Ang mga over the bakud at kukuha pa ng excuse slip, lumang style na yan. Basta ako ang dadaan sa gate binubuksan na nila agad ito at hindi na nila tinanong kung ano pa ang mga kadahilanan. The law? norms? rules? I don't fvckin care about that damn things. I'm totally unchained in this school, I'm the rules here.

Bago tuluyang lumabas ng school binigyan ko muna ng pera ang mga guard pang meryenda. Nahihiya pa eh kaya nilagay ko nalang sa kanilang bulsa at tuluyan na akong lumabas ng school. Even though I'm the law in this school mabait naman ako no, yun nga lang hindi halata.

After a long walk mabuti may nakita akong bench, kinuha ko ang yosi ko at nagsindi habang tumitingin sa ulap. Sana ganito ka payapa parati at napapikit nalang ako habang humipak ng biglang may humablot ng yosi ko at tinapakan ito. Pinitik ng babaeng kumuha ng yosi ko ang aking noo.

Damn! Your so fucking annoying.

Pakiramdam ko nagkabukol ako sa noo sa pagkalakas ba naman nito pumitik. Nasorpresa nung una ang babae pero nung nagsalita na sya medyo galit yata. Siya pa ang may ganang magalit sa lagay na yan.

"Ah you didn't even flinch, malakas na ang pagkapitik ko na yun ah," giit niya.

Bigla itong tumayo at nagsalita ulit.

"Sa susunod ikaw damuho na nakakunot ang noo wag ka magyosi sa tabi ko at kung magyosi ka man lunukin mo yung usok sayang eh." dagdag pa nito.

Aba ginagalit yata ako ng babaeng to ah, ako yung unang nakaupo dito at bigla nalang sya sumulpot sa kawalan o kung sang lupalop man sya nanggaling. Pero imbes na makipagbangayan pa umalis nalang ako at baka patulan ko pa ang asungot na to.

What a drag! Damn girl! How can you ruin my peaceful nap. Tsk! panget na nga, panget pa ugali.

Himala yata wala syang tugon. Nang napalingun ako, naglagay pala ng airpods kaya walang naririnig.

Nagulat ako dahil suot niya din ang uniform ng school ko. I'm sure it's the first time I see this image of this idiot, walang ganitong pagmumukha ang hindi makakilala sa nag-iisang si Vance.

I'll just walk away, mas lalo akong naiinis pag nakita ang asungot na yun. In the middle of walking, malayo pa pero napakamut nalang ako sa ulo ng makita kung inaabangan na naman ako ng mga tarantadong tambay na to. Walang kadala-dala, nagsama pa at anim na silang lahat.

"Vance tingnan natin kung makakaya mo kami ngayon" pasigaw na sabi ng tarantado.

Dumagdag pa ang isa," tiyak bibig mo lang walang latay samin".

Sabay silang tumawang lahat.

"Dami niyong talak umpisahan na natin" sigaw ko.

Nilagay ko ang kamay ko sa bulsa at hinugot ko Yung lighter at kinuom ito sa aking kamao. Agad naman silang nagtakbohan papunta sakin. Madali lang silang apat humandusay sa harapan ko at yung natirang dalawang natira hindi na nagtangkang lumapit, tumakbo na lang. Sa sobrang takot hindi man lang sinama ang nakahandusay nilang kasama.

What a bunch of cowards!

Napahipak nalang ako ulit ng yosi at pumunta sa malapit na puno. Sa wakas may malilim na matatambayan, makapagpahinga nga. Hinubad ko muna ang aking uniform at tinupi ito pagkatapus pinatong saking bag.

As usual lasang bakal na naman bibig ko tinamaan yata nang suntok kanina at medyo masakit kamao ko ah. Tinawanan ko nalang ang namamaga kung kamay. Sus malayo to sa atay, masamang damu yata to. I stretch a little bit and decide to talk nap on this tree. Pinagod ako ng husto ng mga kupal na yun ah. Napahiga nalang ako at di namalayang napapikit na pala ang aking mata.

~ 9 years ago ~

Vance POV

I was about to open the door of my room and I was stunned by what ive seen. Natulala ako at hindi ko na mapigilan ang biglaang pagpatak ng aking mga luha, nanginginig ako sa takot at ang sa tapat ay ang aking pinakamamahal na ina nakahandusay sa sahig at naligo sa sarili nitong dugo. Ang ama ko naman ay duguan din at hinahabol nito ang paghinga at tinapik ako sa ulo.

"Vance brace yourself, ingatan mo ang sarili mo. Pasensya kana mukhang maaga kaming mawawala ng mommy mo. Pilitin mung mabuhay kahit anong mangyari. Pwede kang umiyak, o malungkut but you have to promised me to continue living. Mom and dad love you so much, just stay alive." sinabi ng aking ama habang hinahabol ang kanyang paghinga.

Randam na randam ko ang sakit na nararamdaman niya pero pinilit niya pa ring magsalita.

"Umalis kana Vance dalhin mo ito. Tumakbo ka na at wag kang lilingun diretsohin mo lang ang lagusan na ito. Ako na bahala dito at tandaan mo ang habilin ko sayo, mahal na mahal ka namin ng mama mo. Go!" those are the last words uttered by my dad.

Binigay niya sakin ang bag at may sinulat siya sa aking kamay pagkatapus nun binuksan nya ang parang lihim na silid. Walang ka ano ano tinulak niya ako at sinabing takbo na. Sinara ng ama ko ang pinto at tuluyan na kaming nagpaalam sa isat-isa.

Tears fall down as I continue to run away. It all happened so fast and as of now hindi pa rin nagsisink in sa utak ko ang lahat ng nangyayari. Nagpatuloy ako sa pagtakbo nang biglang maraming putok ng baril akong narinig. Parang nawala ang mundo sakin sa mura kung isipan pero kaylangan ko magpatuloy.

Sa kabilang kanto ako inilabas ng lagusan at nagulat ako sa mga nagkumpulang mga tao sa labas at mga pulis. Kumuha ako ng cap at eyeglass at dumikit sa mga tao habang pinipigil ang pag iyak.

Alam ko na ang kahahantungan nito pero pinipilit kung hindi isipin dahil sa sobrang sakit. Nakita ko nalang na tinabunan ng kumot si ama at ina. Pinilit ko ang sarili ko na hindi na umiyak pero fvck I can't stop this tears that falls down.

At that moment I decided to go way but when I was about to go away narinig ko ang usapan ng mga pulis na hindi raw nahuli ang mga salarin at ni wala man lang daw gusto na mag witness sa buong nangyari. Kinimkim ko ang galit sa aking dibdib. Maghintay kayu mas masakit ang ganti. Mom and dad I promise hindi ko titigilan hangga't hindi ko nahahanap ang mga may gawa nito sa inyo. I swear!

Hinanap ko ang tao na isinulat sa aking palad ni ama. It's been a week now na palaboy-laboy ako at patuloy na hinahanap ang taong ito. Sa wakas nahanap ko na ang bahay ng taong hinahanap ko. Agad akong kumatok sa bahay nito at nang bumukas ang pinto ay may matandang matipuno pa rin ang katawan parang nagwowork out pa rin ang bumungad sakin.

Tulala itong tinitingnan ako at nang magsasalita na ito biglang nararamdaman ko na ang pagod at pagkahilo. Dumilim na ang aking paligid at unti-unti nang pumikit ang aking mga mata. Ni wala na akong lakas magsambit ng kahit isang kataga. At tuluyan na nga akung napapikit.

Hell Life of a Badtype.Where stories live. Discover now