Nandito kami ngayon sa taas, pagkapasok mo pa lang kasi dito ay makikita mo ang halos kabuuan nitong lab. Dahil sa mataas na bahagi ang entrance dito kung saan kami nakatayo, limited space lang yun dito, half circle ang inaapakan namin. The only way na makababa ay ang machine na nasa harap ko o sumakay sa skii. One of my flying machine. Katulad ng nasa labas ay halos puti din ang lahat ng nandito.
"Baka Pasukan ng langaw" Isinara ko ang bunganga ni Rich na literal na ngumanga ng dahil sa mangha.
"Sus, Wala namang nakakamangha dito eh" sus, wala daw.
"Ok, sabi mo eh. Kunwari na lang hindi kita nakitang nakanganga"I said with a smirk. Hahaha, I missed his poker face.
"Tara, ililibot na kita dito" naglakad ako hanggang sa tumapat sa isang machine.
"Saan tayo magsisimula?" Tinignan ko muna siya tsaka pumasok sa Machine. Nagsimulang itong bumaba, 15 ft. Meters ang taas ng pinanggalingan ko Pero kahit napakataas nito ay halos 3 segundo lang ay nasa baba na ako at nakasuot na ng lab suit ko. Sa wakas kumportable na ako dahil flat white shoes na ang suot ko ngayon, at katulad ng maraming bagay dito ay kulay puti din ang suot ko. Tumingin ako sa taas at nandoon pa din si Rich. "Rich! Baba na!" Sigaw ko sa kanya. "Wag mo sabihing natatakot ka""Oy! Hindi aa! Eto na nga" lumapit siya sa machine at pumasok maya-maya ay nasa harapan ko na siya at."Bwahahahahahahaha" napahagalpak ako ng tawa. "H-hoy! A-anong tinatawa mo jan! Gawan mo 'to ng paraan ayoko nito" kitang kita ko ang pamumula ng mukha niya lalo na ng tenga niya. Na mas lalo pang nakapagpatawa sakin. "Hahahahahaha, A-ang sakit na sa tiyan. Hayy. Bagay naman sayo eh. Hahaha" suot suot niya ang lab suit ko na halos puputok na sa kanya, nakalimutan kong lady lab suit pala ang nandoon.
"H-hoy! Tatawa ka na lang ba jan? tulungan mo na ko dito!"
"Hayyys,"
"Ano? Tapos ka na ba?" Nakapoker face na naman siya, ang cute niya talaga.
"Hayys, oo na, eto na" natatawa tawa pa ko habang ipinapasok siya sa CM2 (Customizing Machine 2) ang first customizing machine ay yung nasa taas, kung saan kami bumaba kanina. I customized his suit then I pressed the green button. At may naaninag na ko na puting liwanag sa loob. Hindi ko pa nasusubukan to since ginawa ko ito dahil si Yna at si Ven pa lang ang nakapasok dito, and since magkasing katawan naman kami ni Yna, ay yung CM1 na ang ginagamit niya and si Ven ay sa Flying Skii. Maya maya lang ay unti unti nang nawala ang liwanag sa loob and the door slide-up to open. Medyo may usok pa itong na-emit. Lumabas si Rich at napayakap ako sa kanya ng mahigpit dahil sa tuwa.
"Oh my god! It works! It works!" Nagtatatalon ako sa tuwa. Isa kasi ang CM2 sa mga on-going projects ko. And it works! "What!?, you mean untested pa itong ginamit mo sakin?"
"Aray naman! OA aa, makasigaw, oo, untested and thanks to you dahil tested na siya"
BINABASA MO ANG
You're My Scientist
Science FictionSi Crishelle ay isang scientist who accidentally discovered the "World of Illusions" where she met HIM that changed her life big time! what will happen to them? are they going to find their place, or will be remain like that forever?.